PABORITO

11157e05ed474e42_640_songPABORITO!!!

“Love can touch us one time, and last for a lifetime.”

Oo, isa sa mga paborito kong kanta ang My Heart Will Go On ng nagiisang si Celine Dion.

Hindi ko rin alam kung bakit, pero kapag pinakikinggan ko ‘to, para akong dinadala sa ibang dimensyon: may pagka-magical at gugustuhin mong hindi matapos ang moment na yun.

Weird, ‘di ba? Maliban sa kakaibang epekto ng kantang ito sa akin, naniniwala rin ako na: “Love can touch us one time, and last for a lifetime.”

Ang pag-ibig, darating minsan sa buhay mo – hilingin mo man o hindi. May mga taong darating para mahalin ka, mahalin mo o magmahalan kayo pareho. Ang saya, ‘di ba?

May mga nagsasabing masakit ang magmahal lalo na kung ‘yung taong minamahal mo, hindi ka naman mahal. May mga nagsasabi rin namang masarap magmahal lalo na kung mahal ka rin ng taong mahal mo. Ang tricky, ‘di ba?

Kaya paminsan-minsan, iisipin mo kung susugal ka sa pag-ibig o mas pipiliin mo na lang ang mag-isa. Saklap.

Pero kapag naranasan mo ang magmahal o mahalin, sasabihin mo sa sarili mo na ang sayang mabuhay. Wala naman kasing expiry date ang pagmamahal – dapat.

Siguro, hindi naman talaga ‘yung puso mo ang napapagod magmahal. Ikaw mismo.

Siguro, hindi naman talaga pag-ibig ang nawawala o naglalaho. Ikaw mismo. Ikaw mismo ang lumalayo sa pag-ibig. Ikaw ang natatakot sumubok. Ikaw ang natatakot sa kung ano ang puwedeng gawin at ibigay sa ‘yo ng pag-ibig. Hindi kaya?

Totoo na ang pag-ibig ay parang gulong. Dumaraan sa humps! Sakit! Eh ‘di ba ganun naman talaga dapat? Kapag dumadaan sa humps, nasusubok ang galing mo! Nasusubok ang strength mo. At after ng humps, ‘di ba okay na? Ibang chapter naman! Ang boring naman daw kasi kung wala man lang thrill ang pag-ibig.

Nawawala ba talaga ang momentum ng pag-ibig?

Parang hindi naman. Sa bawat araw, bawat oras na nagmamahal ka, nandoon ang momentum! Hindi mo lang talaga napapansin dahil sawa ka na o sanay ka na o ayaw mo lang talagang pansinin.

Siguro kaya ang daming nasisirang relasyon e dahil akala ng mga tao, okay na ang maging complacent. Okay na na alam mong mahal ka niya. Eew! Dapat yata e mas maging aktibo pa tayo pag nagmamahal tayo. Mas masaya kaya ‘yun!

Ang pag-ibig, hindi nawawala. Nandiyan lang talaga siya! Tayo lang naman ang madalas nawawala.

Masarap magmahal… masarap mahalin. Pero mas masarap kung hahayaan natin ang sarili natin na mag-stay sa pagiging in-love for the rest of our lives. . . Keri?

😉