Paano Nga ba Maging Okay, Good, at Excellent na GF?

untitled[1]

Sa milyon-milyong babae na na-in love sa mundo, masasabi mo ba kung saan ka nabibilang sa kategoryang nakasanayan mo nang gawin? 

Paano nga ba magpaka-girlfriend sa lalaking bumihag ng ating mga puso? Kailangan bang lumevel-up para mas sambahin ka ng iyong kasintahan?

Ano nga ba ang batayan ng pagiging okay, good at excellent  na girlfriend?

Ito nama’y base lamang sa aking pagmumuni-muni. Nasa sa ‘yo na yun kung pasok o ligwak ang mga sumusunod na paalaa! CAUTION:   EASY LANG, OPINYON KO LANG  ‘to, ‘ teh!

Okay. Ito ang mga tipong relax mode lang palageh, chill lang kung chill. Kung gusto mo ko, eh ‘di gusto rin kita at kung ayaw mo na, eh ‘di ayaw ko na rin. Walang takot silang umibig dahil handang silang masaktan anytime. Kapag nagtext si jowa, tamang repy din ang banat.

Kadalasan, KKB (kanya-kanyang bayad)  lang muna sa gastos ng date; palibhasa’y  nasa getting-to-know stage pa lang sila ng  jowa  niya. Hindi masyadong big deal sa kanya  ang “meet-the-parents concept“. Okay lang kung hindi ipakilala si girl ni boy. Ang alam ni girl, ayos lang; hindi pa naman siya ganun kaseryoso sa relasyon.  Sweet din naman sila kung minsan at may mga tawagan din na “pet names” pang nalalaman, nandiyan ang “baby” , “mahal”, “honey”, “sweetie”, “sugar”. “gummybear”  at kung anu-ano pang  matatamis na tawagan; basta in love, keri lang kahit langgamin pa hanggang sa kasingit-singitan.  Kadalasan,  sila ang mga babaeng ayaw pangunahan ng nga partners nila. Freedom kung freedom ang labanan. Independent sila sa lahat ng bagay.

Good. Seryoso na sila pagdating sa pakiki-pagrelasyon. Nasa isip na nila ang “long-term relationship”  sa lahat ng oras. Ito ang mga tipong wala nang plastikan ang lahat ng kanilang gagawin. Ipagluluto ka hangga’t sa alam lang nila ang putahe. Good shot na rin kung may date kahit isang beses sa isang linggo pagkatapos diretso na rin sa simbahan ang drama ng magjowa para naman mablessed din sila.  Sa  mall, good vibes din ang hilig nila. Hindi naman importanteng, “bill mo ko nito o bill mo ko niyan ang drama!”. Kahit  pekeng bag na “hermes,” p’wede na basta “ It comes from the heart,”  ‘ika nga.  Sa issue ng selosan factor, eh hindi rin magpapahuli si girlfriend.  Lahat naman siguro, gugustuhin ang maging “my one and only ni boy,” ‘di ba?  Maraming beses din na magtatampo, pero at the end of the day ay holding hands and kissing scene pa din ang peg at kung minsan kapag nasuwertehan, may diskarte pa  hanggang sa private room ang dalawa. Hindi nman palageh dahil minsan may mga old school pa rin na Filipina. “ Kasal pa rin bago ‘yung, alam mo na!” Respect, respect din kasi… ‘ika nga.

Excellent. Sa lahat  ng level, dito ako pinaka-humahanga. Sa decription pa lang na excellent, nasa ‘yo na talaga ang korona.  Sila ang mga kababaihan na gagawin ang lahat para kay Adan. Their love is exceptional. Sila ang mga girls na palaging iniisip ang kabutihan at ang ikasasaya  ni boyfriend.  Sa mga long distance relationship, subok na subok ang patience dahil sa napakahabang panahon ng paghihintay, ang pamamahal ay lagi pa ring rason para hindi sumuko.   Guaranteed na kilalang-kilala mo na si boy , close mo na rin ang mga kapatid at parents niya, kasama ka na rin pati sa mga family gatherings ng angkan ni boyfriend, pati baho ng utot niya kabisado mo na.  Lahat ng  favorites ni guy nakalista sa diary mo, pati ang dates ng weeksarry, monthsarry , anniversarry, pati ang oras at araw na sinagot mo siya,  naka-highlight pa ng   pink na marker sa kalendaryo.  Ang hindi pagkakasundo paminsan-minsan ay nandiyan pa rin, ngunit mabilis naman itong naayos dahil imbes na manumbat, marunong ka na ring makinig at umintindi sa kasintahan.  Ang trust issues ay madali nang i-handle dahil 100% panatag ka na sa kanya. Safe and secured  ka na dahil alam mo na mahal ka ni boyfriend, peksman man daw tamaan pa daw siya ng kidlat?   Huwag naman, sana.. ehehe… Ang  happy ending palagi mo nang iniisip, pati ang bilang ng  kids n’yo,kasama na ang kasarian nito,  may temporary name na rin yan. Ang kasal, nasa listahan na rin. At higit sa lahat  pagdating  kay Papa God,  kasama na rinsi boyfriend sa lahat ng prayers.

Un oh!  Maging okay, good o excellent girlfriend ka man, ikaw na ang humusga  kung saan ka belong.  Ang mahalaga ay tanggap mo at totoo ka sa sarili mo kahit sino ka pa.  Basta ang gusto ko palagi ay HAPPY ka!  🙂

About Nassirk23

I'm not weird. Fan of Fairytale. Addict of Romantic Stories. Emotional. Idon't smoke. I eat a lot but drink a little. I talk for a living and make life out of it.