Paano Naaapektuhan ng Musika ang Buhay Mo?

How to Become a Good R&B Singer (Image by Wikihow)

 Classic songs..ang mga awiting nilimot na ng panahon at bibihira mo nabg marinig  sa makabagong henerasyon na kung saan pinaghaharian ng mga kanta ni Kanye West at Miley Cyrus ang mundo ng musika ngayon.

Wala na yatang nakaka-appreciate sa  mga lumang kanta na nauso pa nung kapanuhan ng mga Thunders  kung hindi ‘yung mga naka syete na ang katawan na tipong  nabibilang na lang sa daliri ang araw nila bago ibaon sa lupa.

Sino ba sa atin ngayon ang nakakakilala sa mga malulupet na  mang-aawit tulad nila Marvin Gaye, Peter Paul and Mary, Stevie Wonder, Cascades, Platters, Frank Sinatra, The Temptations, Diana Ross, Little Richard, Chuck Berry,Earth Wind and Fire, at marami pang iba na nillulumot,  puno na ng agiw, at halos kapitan na ng talaba ang mga kanta sa sobrang tagal na.

Tanging sa mga manginginom na construction worker na lang yata ang naririnig kong bumibirit ng mga awiting Smoke Gets in Your Eyes, Earth Angel, My Way, Twilight Time, Don’t Cry Joni, In The Still of The Night, Fly Me to the Moon, Dreamin’, The Lucky Guy, Goodnight My Love, Sugar Pie Honey Bunch, Lately,  sa mga videoke para mailabas ang mga ginintuang at mamaos-maos na mga boses nila.

Sayang, hindi naipasa sa henerasyon ngayon na yakapin ang mga awiting puno ng damdamin at kahulugan ang nilalaman na liriko.

Noon, tumatabo ang isang awitin sa billboard kapag maganda at masuyo ang laman ng mensahe na pinararating para sa mga tagapakinig. May kwento ang bawat bitaw na salita, na para bang makabubuo ka ng isang nobela sa isang maikling awit na nilikha ng mala henyong isipan.  Pero ngayon  basta cool ang hairstyle mo na para lang gago, malaporselanang kutis labanos at kaakit-akit na mala anghel  na mukha ng mang-aawit, platinum na kagad ang  basurang album.

Sino ba ang nakaisip na masayang pakinggan ang mga letrang “me and you, I will tell you one time” nang paulit- ulit. Paulit-ulit. Paulit- ulit… Hanggang sa marindi ka at tumanim sa isip mo yung chorus na pare- pareho lang naman ang sinasabi. Mga beat na hindi ginamitan ng mga tunay na instrumentong musikal. Mga lirikong walang pinatutunguhan ang istorya at malaon magtatanong ka pa sa iyong sarili na “anong meaning nun?”.

Ang mga kabataan noong 60’s hanggang 80’s na kung tawagin ay mga “hippies” ay malalamig ang ulo, malalambing, mapagmahal sa kapwa at tagapagtaguyod ng kapayapaan  na kabaliktaran sa panahon natin ngayon. Katunayan ayon sa isang pagsusuri na ginawa  ng Yahoo, tumaas ng tatlumpung porsiyento ang crime rate ngayon na gawa ng mga kabataang nasa edad 18-25 na isa sa mga dahilan ay maaaring kung ano ang pinakikinggan nilang musika. Sa palagay mo,iboboga kaya ni Jason Ivler yung nakasalubong niya sa daan kung ang pinakikinggan niya sa sasakyan nun eh yung  Rain Drops Keep Falling on My Head o yung  Rhythm of The Falling Rain?.. malamang, power hug lang ang igaganti niya sa nakagirian ng sasakyan niya.Tunay nga naman ang nilalaman ng ginawang survey, dahil hindi ko maisip na may kabataang mag-aamok kung ang madalas na pinakikinggan niya ay ang mga kanta na napakasenting emosyon na para bang gusto mo lang maghubo unti-unti habang sumasayaw at ninanamnam ang lambing ng musikang klasikal. Ito ang tunay na chillax. Relaxing and smoothing ang dating. Swabe at walang kasabit-sabit ang ritmo.

Wala na yatang perpektong deskripsiyon kung paano nabuo ang mga katagang “They asked me how I knew, my true true was true…I of course replied, something in your eyes cannot be denied.” Hayup talaga. Kakaibang iling ang naisasagot ko t’wing maririning  ko to. At ‘yung mga katagang “Me and Mrs. Jones we’ve gonna thing goin’ on, we both know that that’s wrong, that’s so much too strong to let it go now.” Putragis, parang dinudurog ang puso ko kapag binanat na ni Marvin Gaye ang mga litanyang yun, sayang, tinepok kagad siya ng erpats niya dahil sa panggugulpi. Lalo na yung “well it’s just my imagination, running away from me, well it’s just my imagination..runnin’ away from me”… pupusta ko na kapag narinig mo ang first stanza nung kantang yan ng The Temptation na:

Each day through my window I watch her as she passes by.
I say to myself, “You’re such a lucky guy.”
To have a girl like her
is truly a dream come true.
Out of all of the fellas in the world
she belongs to you”…

gugustuhin mo’ng humanap ng kasayaw kahit nasa opisina ka pa. Na para ba’ng wala ka ng pakialam sa mga taong nasa paligid mo at gusto mo lang i-sway ang katawan mo. Humihinto ang mundo ko sa oras na naririnig ko na yun. Walang halong stir. At eto pa, ‘yung mga katagang, “Here comes a morning sun, it’s another day, but today I have my own, it’s my first day alone..” ng kantang My First Day Alone na tipong nilulutang ka sa alapaap ang dating. Swabeng-swabe sa tenga. Na para ba’ng kahit bumabaha na at papasukin na ng tubig ang bahay nyo,ayos lang, nakangiti ka pa rin.

Hindi ko na maalala ang araw kung kailan ko nakahiligan na making sa musikang hindi ko naman inabutan. Na nagising na lang ako isang araw ng Linggo na hinahanap- hanap ko na rin ang Sunday Showdown sa A.M station, na animo’y tapsilog sa umaga na kulang ang masarap na agahan kapag wala ang tugtugang nakababagot para sa mga kabataan ngayon.

Isa lang ang sigurado ako, lumipas man ang panahon, dumaan man ang maraming henerasyon, hinding-hindi na to mawawala sa listahan ng mga magic sing at videoke. Dahil hindi ko rin makita ang sarili ko sa pagtanda na habang nakapaligid sa ‘kin ang mga apo ko na ang kinakanta ko e “Shawty had apple buttom jeans, Boots with the fur, The whole club was looking at her,  She hit the floor next thing you know,  Shawty  got low, low, low, low”…Ang sagwa.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.