PAANO MO NGA BA MASASABING PAGOD KA NA?

broken-hearted-tagalog-love-quotes

…..Sabi nila pag mahal mo ang isang tao dapat ibigay mo lahat ng best mo para sa huli wala kang regrets. Well, tama naman, sakali man hindi magwork ang relasyon nyo atleast hindi ikaw ang nagkulang. Pero sa  kabilang banda hindi ba parang unfair naman sa iyo nun, yung bigay ka ng bigay samantalang siya tanggap lang ng tanggap. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay energetic ka na okay lang lahat sa iyo, hindi ka kaya “ROBOT”, tao ka kaya, na marunong din masaktan at mapagod.

Yun bang dumating na sa puntong feeling mo ikaw nalang ang nag e-effort sa relasyon niyo – aba naman “it takes two to tango” kaya dapat dalawa kayo na parehong gumagalaw.  Hindi naman mahalaga ang malaking surpresa para masabing nag effort ka na, remember “small things matter the most”.  Kahit sa maliit na bagay hanggat may pagkakataon ka, ipakita at iparamdam mong mahalaga siya sa buhay mo.

Kung dati hindi kumpleto ang araw niyo kapag walang mahabang usapan,  sa telepono man yan o sa videocall pero ngayon pinag aawayan niyo pa ang ilang segundo na mgkausap kayo. Sa ikli nalang ng oras na magkausap kayo hindi mo alam kung may napag usapan nga ba kayong matino.  Na kung dati sobrang saya niyo pag napag uusapan ang future niyo samantalang ngayon, hindi mo na alam kung meron pa nga ba kayong future. Hindi naman siguro 24/7 e laging busy yung tao di ba , kasi ang totoong nagmamahal naglalaan ng oras sa taong mahal niya, isang segundo man yan ang mahalaga may maayos na pag uusap.

Kaya ka nga nagkarelasyon  para sumaya at ma inspire, hindi yung mamumublema ka pa at ma e-stress lalo.  Masarap sa pakiramdam na alam mong may taong nandiyan lagi para sayo, yung pakikinggan lahat ng kadramahan mo sa buhay, yung taong handing gawin at isakripisyo lahat wag ka lang mahirapan. Sana lagi kang handang tumulong sa kaniya anu mang problema meron siya kasi partner kayo hindi ba. Kasi hindi naman sa lahat ng oras siya ang may problema, malay mo sa sususnod na araw ikaw naman pala ang mangangailangan ng tulong, sa LOVE give and take lang yan lagi.

Huwag kang pakampante na porke lagi kang iniintindi ng partner mo e okay lang lagi, baka naman magulantang ka nalang isang araw makikipaghiwalay nalang sayo yan kasi napagod na. Bago mo siya awayin at sisihin, tanungin mo muna sarili mo kung bakit umabot kayo sa puntong yun.

Alam mo kasi, ang taong nagmamahal bago yan sumuko, gagawin muna lahat ng paraan para lang habaan pa ang pang unawa niya sayo. Sumusuko lang yan pag sagad na siya at gusto na niyang ipahinga ang pagod niya ng Puso.  Sa dami ba naman ng inintindi niya sayo, malamang wala ng space na paglalagyan pa.

Kaya IKAW na nagbabasa nito, nasa relasyon ka man ngayon o papunta palang dun, learn to take good care and appreciate your partner in every possible way. Yung tipong wala na siyang masasabi sa pagmamahal at pag aalaga na binibigay mo sa kaniya. Kasi masarap mahalin ang taong alam ang salitang PAGMAMAHAL.

“Ang RELATIONSHIP ay may hangganan, magiging FOREVER lang ‘to kung PAREHO kayong LUMALABAN”

 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.