Paano makalimot? Accept!! Let go! and MOVE ON! (Part II ng Move On Na!)

accept let go move on
Kung gugustuhin mo, Maraming paraan!

Kung ayaw mo, Maraming dahilan!

Kaya’t hindi ka parin makalimot sa ‘yung nakaraan

Kasi ikaw mismo ang nagbibigay ng dahilan.

Para wag mo siyang makalimutan.

– Jean Grey –
“Stop chasing the wrong person” maraming lalaki/ babae sa mundo.
“Yung taong karapatdapat talaga sa’yong pagmamahal”
Isa na doon ay ‘yong para sayo na talaga, yung taong nakatadhana na para sa’yo.

 Pero paano mo yun siya matatagpuan sa iyung present, kung ikaw mismo ay bumabalik sa iyung nakaraan?

Holding on to what’s no longer there holds too many of us back.
Halos lahat sa atin spend our lives remembering the past and letting it steer the course of the present.

“Don’t waste your time trying to live in another time and place”.

Kasi wala na siya dun sa past na ‘yun, ikaw na lang mag-isa ang balik ng balik sa lugar na ‘yun. Ikaw na lang mag-isa ang nangangarap sa nyung kahapon.

Habang siya ay masaya na sa piling ng iba, nagpaplano para sa future ng bagong mahal niya.

Eh ikaw? Binabalik-balikan yung mga alaala nyung dalawa? Umiiyak, nalulungkot kasi wala na siya?

Mas masarap balikan ang mga alaala ng kahapon kapag sabay nyu itong balikan, yun bang kasama mo pa cya “hindi yung Ikaw lang mag-isa!”

Kasi, nagmumukha ka lang Tanga!

( sorry po sa harsh na word, pero kailangan lang po natin isaksak ito sa kukuti o isipan natin para magising tayo sa katutuhanan.)

I know letting go is the hardest thing to do, especially after holding on for so long, sobra-sobrang hirap gawin nito.

Pero kung ang iisipin mo ay kung paano makawala sa sakit na dulot nito, lahat gagawin mo para lang makalimutan mo ito.

Ano-ano ba dapat iwasan para mas mapadali ang paglimot?
habang hindi kapa nakapag move-on iwasan mong isipin o gawin ang mga sumusunod:

*Yung mga alaala na magkasama kayung dalawa na masaya, naglalambangin, at nagtatawanan.(mahirap iwasan ito na hindi maisip pero kailangan mo na gawin ito. Kasi kung lagi mo itong iisipin mas lalo kang mahihirapan para kalimutan siya. Memories nyu na lang na dalawa yun, hindi mo kailangan araw-arawin para isipin ito.)
*Mga binitawan nyang matatamis na salita o mga pangako nya sayo tulad ng mga:

Forever,you and me“,”Ikaw lang at Ako, “hanggang sa dulo ng mundo”, “till death do us part”, “Pangako,Ikaw lang ang mamahalin ko habang buhayatbp.
Diyan tayo nadali eh! sa matatamis na salitang yan, pero nasaan na yung nagsabi nyan?

Iniwanan kana! hindi pa nga pumuputi buhok mo eh iniwanan kana nya dahil may mahal na siyang iba.

So wag munang pagsisiksikan ang sarili mo sa kanya at wag mo ng asahan yung mga binitawan nyang salita sayo kasi hanggang dulo lang yun ng dila nya.
(PS.. kapag nakapag move on na kayo please wag nyu ng idamay si “Forever” ok? wala kasing kasalanan yun eh!Ang salarin lang ay yung nagsabi nyan sayo. Merun pa namang FOREVER sa pag-iibigan, maling tao lang ang nakapagsabi sayo nyan)
*iwasan mong manood o magbasa ng mga may temang pang LOVE na im sure makakarelate ka, kasi maaalala mo lang siya.

*iwasan makinig ng mga love songs,

*wag mong halungkatin yung mga iniregalo nya sayo

*wag magbasa ng mga love qoutes

*wag mo ng basahin yung mga text messages n’ya sayo, delate muna lahat yun ng sa ganun wala ka ng mabasa

*iwasan magbasa ng pocketbooks/novel at kung ano-ano pa

at marami pang iba na pweding iwasan mga bagay na pweding magpapaalala sayo sa kanya.

Hanggat maaari iwasan mo, gawin mo! para sa’yong sarili naman yang gagawin mo.

Kung gusto mo talagang makalimot tulungan mo din ang sarili mo, na gawin ang mga bagay na gusto mong kalimutan.
Dahil mahirap maiwasan na hindi maisip yung mga bagay na nagpapaala sayo sa kanya, ito dapat ang isiksik mo sa ‘yung isipan:
* na niloko ka nya, sinaktan at ipinagpalit kana nya sa iba

* isipin mo yung mga katangian nya na hindi maganda, yung mga kalokohan nya

* yung pangit nyang ugali, bisyo nya at kung ano-ano pa

* isipin mo lahat ng negatives na nagawa nya sayo

* lahat ng sakit na nilikha nya jan sa dibdib mo
and then…..timbangin mo lahat-lahat ng sakit, at bigat jan sa dibdib mo.

Tapos, sabihin mo sa’yung sarili “ AYAW KO NA”, PAGOD NA PAGOD NA AKUNG MASAKTAN” PAGOD NA PAGOD NA AKONG UMIYAK”, “AYAW KO NG UMAASA SA WALA”.
at ito naman mga dapat mong i-accept sa iyong sarili:
= accept that you are broken,

= accept na hindi na ikaw ang mahal nya

= accept na merun na siyang iba

= accept na hindi talaga siya yung taong para sayo
“You must accept the end of something in order to build something new”.

So close some old doors today and open the new doors for tomorrow.

Paano makakapasok si Mr. Right mo kung yung pintuan mo nakasarado?”

and then……Let GO!

= Let Go the Person Who No Longer Play An Important Part In Your Life.
= Let Go Because Things Are Not The same Anymore.
= Let Go Because The Trust And Loyalty Isn’t There.
So.. let go of the past, set yourself free, and open your mind to the possibility of a new beginning.

Kaya wag kang maging “frozen” sa kanyang alaala o sa inyung nakaraan. Ikanta mo na lang ‘yan ng “Let it Go”

Ito yung mga pambatong linya:

“Let it go, let it go
Turn away and slam the door.”
It’s time to see what I can do
To test the limits and break through
No right, no wrong, no rules for me,
I’m free!”
“Let it go, let it go
You’ll never see me cry”
Ang kailangan mo lang gawin ay Accept That You Are Broken, Let Go and Move On.

You know it’s not always about trying to fix something broken. Maybe it’s about starting over and creating something better. ^_^

After the toughest times, you will overcome the heartache, and then you forget the reasons you cried, and who caused the pain.

Tsaka doon mo lang marerealize “that the secret to happiness and freedom is not about control or revenge, but in letting things unfold naturally.”
After all, what matters most is not the first, but the final chapter of your life, which unveils the details of how well you wrote your story with happy ending pa 🙂
So, “when you stop chasing the wrong person you give the right person a chance to catch you” 😉

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.