Paano Mag-isip ang mga Lalaki?

how_men_think_logoNakaupo ako ngayon sa labas ng bahay namin, aligaga, kinapa ko ang mukha ko… “shit ang oily!”

Sinipat ang Facebook “deym,  wala pa rin!”

Tapos whatsapp, viber, tango, wala! Wala lahat!  Lintek na buhay to!  May hinihintay kasi ako, pero parang nag-hibernate ang baklang ‘yun sa isang sanktuwaryo sa pinakailalim ng dagat sa karagatan ng pasipiko.

Tumingala ako sa langit, hinihintay na bigla na lang sanang bumagsak mula sa ulap ang babaing yun.  Kaso baka magbiro ang langit, totohanin at baka ibagsak nga nang literal sa harap ko!

Naku!  ‘Wag naman  po, baka ma-deform eh.  Wala na namang magawa, naisip kong  reypin ang pusa namin, kanina pa kasi lapit nang lapit, pero shit I forgot, lalaki pala to.  Hindi talo…..

Eureka!  Matagal  ko na ring gustong isulat ito, pero wala pang lakas ng loob.  Sa buong 28 taon ko na paninirahan sa ibabaw ng crust at pananatili sa biosphere ng planetang earth, hindi ko pa naisulat at inisip ito.  Natatakot ako na baka sumpain ako ng 80% sa buong populasyon ng male species sa mundo at gawin akong inahing baboy!

Yay!  Laglagan  na kung laglagan, pero dapat nilang malaman ‘to, bords.

Halikayo, gurls, pulutanin natin ang mga kalalakihan…

Paano mag-isip ang mga lalaki?

13.) Marupok kami sa tukso– Iba kasi yung processor na nilagay sa utak namin eh. Yung mind setting namin e nakalagay sa advance mode. Laging ini-imagine ang kasunod agad na mangyayari.  Alam  mo yung eksena sa mga pelikula na nag-uusap ang bida at leading lady sa loob ng kotse, nag-uusap lang ‘yun, pero churvahan  na agad ang iniisip namin. Kumbaga sa computer, kayong mga babae eh Pentium 3, samantalang kami naka-corei7.  Madali rin kaming manghina pag sinasayawan  n’yo  kami seductively  tapos dahan-dahan kayong maghuhubad ng inyong lacy underwear, gigiling na parang sawa, tapos sasabihin mo ang malanding “cum and get me hoooney” tapos bigla kang sisigawan  ng  nanay  mo “Anak! pagkatapos mo diyang  magXXX,magsaing ka na!!” ……hahahaha!

12.) Rebounder– Hindi ‘yan ‘yung sa basketball, pero ganito ang instinct ng mga lalaki.  Pag broken-hearted, hahanap agad yan ng babae na sasalo sa kanila.  Kaya minsan kala n’yo ang bilis naming makapag-move on.  Hindi kasi kami marunong mag-handle ng emotions gaya n’yo,kaya yun ang nakikita naming mabilis na outlet para makawala sa mala-impiyernong “move-on” na yan.  Kaya gurls, alamin n’yo ang lalaking manliligaw sa inyo.  Mayroong tinatawag na 3-months rule after break up, pero make it 6 months bago mo siya i-entertain para sure na hindi rebound.

11.) Ma-pride – Gaga, hindi ‘yan ‘yung bareta, ate! Sa inyo na ang pag-iinarte, pero ibigay n’yo na sa amin ang pagiging ma-pride.  Tandaan n’yo na lalaki kami at feeling superior kami sa lahat ng bagay.  Kaya once na nagbaba kami ng pride, pahalagahan n’yo dahil pag hindi, kaya namin kayong talikuran nang walang lingunan,as in!

10.) Pervert ang mga lahi ni Adan – All day long we dream about sex, as in ‘yung parang sa sun unlimited call & text na  24/7. Pucha, alam  kong nakakahiya ang bagay na to, pero humahanga kami sa malaki mong boobs na nagtatalbugan  pag ika’y naglalakad  at mas nakakatuwa pag ika’y tumatakbo, ngunit mas napapasaya  kami kapag ikaw ay napapayuko.  Sabhin na lang nating nakakonekta  na sa mga  nucleus ng  cells  naming mga lalaki ang pagiging ma-l at mayroon kaming mataas na tolerance  na body fluids at outrageous sex acts.

paiba-iba naman yan,minsan naman hita,boobs,pwet,bewang etc..

 9.) Galit kami sa mga ex BF – Wala kaming pakialam  kung may nagkaka-crush sa inyo or  may matiyagang nanliligaw sa inyo, pero ‘yung makikipagkita kita kayo sa ex boypren n’yo or makikipag text ay ibang usapan  na yun! Kaya huwag na huwag n’yo itong gagawin kung ayaw n’yo kaming makitang magpunit ng damit at maging kulay green ang balat! Naririndi din kami kung wala kayong ibang bukambibig kundi yung pangalan ng ex bf n’yo, kahit ampalaya stories pa yan.  Respeto na rin, ingatan mong huwag matapakan ang ego namin.

 8.) Iwasang mag-appreciate  ng mga guwapo – Lalo na pag magkasama  kayo sa mall or sa ibang lugar.  Masakit marinig yung ganung compliment  sa ibang lalaki.  Bumababa ang self esteem namin  ng 75% at para kaming binuhusan  ng malamig na tubig sa mukha.  Ayos lang pag artista, walang problema yun  .Isa pa, huwag na huwag kayong makikipagtitigan sa ibang lalaki habang kausap namin  kayo at may karapatan kaming ikaskas ang mukha n’yo  sa semento na malandi ka!!

 7.) Be proud – Gustong-gusto namin ang mga babaing super proud sa amin.  Gusto namin yung pinapakilala kami sa mga barkada nila at siyempre, sa family.  Gusto rin namin  na ipagsigawan  n’yo  sa facebook ang pagmamahal n’yo sa amin, it will stroke our  ego even more.

6.) Nate-turn on kami sa babaing may etiquette – Gusto namin  ‘yung babaing sensitive sa mga bagay-bagay lalo na sa pinansyal. Halimbawa, ‘yung sa pagbabayad ng dinner n’yo, kahit mag-offer ka lang na ikaw na magbayad or makiki-share ka sa bill eh, masaya kami sa ganun.  Kahit kunwari lang at alam naman namin yun, atleast magandang gestures yun.  Isipin mo rin na hindi bangko ‘yang  boypren  n’yo, may mga personal din yang pangangailangan.  Matuto rin  kayong gumastos paminsan-minsan.  Ganda points ‘yun, ate!

5.)  We love to cheat – Pero it doesn’t mean  that we will.  Takot din kami at guilty sa ganyang bagay kung alam n’yo  lang. Men are not by nature monogamous animals, and we often have to fight our sexual urges, which is succesfull naman in  many cases. Pero sabi nga, lalaki ‘yan, kahit saan mo ilagay yan, kahit sa bra n’yo pa itago or  i-isolate mo sa isla na walang kuryente, internet at  ice cream,  basta lagyan mo ng limang babaing mahahaba ang hita,n agtatransform  yan.  ‘Wag kayong mabahala, kahit ganun kami, nakokontrol namin ‘yun lalo na pag mahal namin  ang babae.  ‘Yun nga lang, pag matindi na ‘yung nanlandi sa ‘min, as in humehelicopter sa kama at kamukha ni Anne Curtis, most of guys ay natutukso (see  number 13).

 4.) Most guys are insensitive jerks – we don’t take hints, because  hints don’t register to us.  Bobo kami mag-analyze ng mga parinig n’yo na gusto n’yong mangyari.  Much better kung diretsahin mo na.  Pero not all naman.  In my case, aware naman ako sa kung anong drama ng babae (eh ‘di ako na).  Well, depende ‘yan, may feminine touch  kasi ako eh so na-paprocess yun  ng utak ko. Pero pag brusko ang bowa mo,”nganga” ang abot mo lagi diyan.

3.) Ayaw namin sa pa-fall  na babae – Utang na loob, kung ayaw n’yo samin, sabhin n’yo  na agad at huwag nang paasa!  Makikinig naman kami eh, tsaka kung mahal ka ng guy, irerespeto naman niya ang desisyon mo.  Alam  kong  mas maraming  paasa  na lalaki, pero guys,  be sensitive na tayo sa mga bagay na to.  In the first place, kung ayaw mo talaga sa kanya, huwag mo na landiin kung hindi mo naman  kayang panindigan  sa huli.  Pucha pie lang, ‘di ba!Hahahaha!

2.) Huwag kayo masyadong  patsiks – Alam  naman naming moody kayong mga babae at minsan masyadong pa-hard-to-get-epek.  Okey naman  to sa amin, karapatan n’yo  naman ito bilang isang babae.  Pero huwag naman ‘yung sobra at nag-iinarte na. Ayaw namin nun.  Hanggang  nasa ilalim kami ng spell n’yo, i-grab n’yo na, dahil habang nagmamakaawa kami ng atensyon  sa inyo, may mga tao  namang naghihintay ng atensyon namin.  Kayo rin, baka hanap-hanapin n’yo kami.

1.) Mas gusto namin ang babaing bakla – Ako kasi mas gusto ko ‘yung babaing may magandang sense of  humor at tatawa sa mga jokes ko.  Very particular din ako kung paano siya magsalita or kung paano niya ide-deliver ang mga jokes niya.  Ayaw namin  ‘yung boring kausap, pero sobrang daldal naman sa kama.  Most of guys (like me), nase-sense namin  kung matalino ang babae or  slow.  Major turn-off  pag boba, kahit maganda pa. hahaha!  Pero kung may vital stats na 36-24-36,puwedeng pag-usapan. hehehe char!

Tumingala ako ulit sa langit, may nahulog! Shit, etchas pala ng ibon. Nandoon pa rin ang pusa ko, nakatingin na siya sa malayo.  Siguro naisip niya na wala naman siyang mapapala sa akin dahil wala rin akong ma-aadvice sa love problem niya.  Pareho lang kami!”  Sumama ka na sa mga barkada mo!!” ang pasigaw kong bilin sa kanya.  Tengena, ang hirap ng ganito, pati pusa pini-friendzone ko na din!  Wala na rin akong maisip, trese lang talaga kaya ng utak ko.  Marami pa ‘yan, pero ‘yun lang eh.  Basta, gurls, sabi nga ni Papa Jack, ang mga lalaki ay kapareho din yan ng mga aso.  Meaning puwedeng i-train.  Ang mga aso marunong kumilala ‘yan ng amo, territorial at protective.  Ipinanganak kaming kayo  talaga ang kahinaan namin, use that as advantage to us.  Turuan n’yo kaming maging mabait, rumespeto at maging loyal, ‘yung parang katulad ng sa aso……

Inaantok na ako…

About machopapadinkita

Isang malibog na Inhinyerong Sibil na nagmula pa sa kabundukan ng Roxas Palawan.Medyu mabait pero walang abs.Yan-yan ang palayaw ko but my friends call me "cima"..want some more?Okey sige,bisitahin nyu naman ako at magkuwentuhan tayo sa http://machopapadinkita.wordpress.com/