Paano ko Maipararating sa Iyo na Mahalaga Rin Ako?


aa
Today is the third day.   Na hindi ko pinapansin sa text o tawag ang boyfriend ko.

Kung bakit? Simple lang.

Pakiramdam ko kasi wala na siyang oras sa akin at gusto kong magpapansin. Hindi naman siya dating ganyan nung nanliligaw pa lang siya sa sa akin.

Ang sabi sa akin ng mga kaibigan ko, baka daw bigla siyang nagising tapos naisip niya na hindi na pala ako mahalaga.

Puwedeng oo, puwede ring hindi. LDR kami at walang ibang bubuhay sa relasyon namin kundi ang constant communication  na hirap nga niyang ibigay minsan.

Oo, siguro demanding ako minsan, aminado naman ako. Pero sa isang relasyong text at tawag lang ang bumubuhay, paano na lang pag nawala na ito?

Ni hindi mo nga maitututing na textmates kami kasi nga hindi siya nagtetext o tumatawag. Ang dahilan naman  niya ay busy raw siya sa trabaho.

Aba, anong palagay niya sa akin, hindi busy sa trabaho? Pati ang hinihintay kong weekend ay wala na rin. Mas pinipili na rin niyang magpahinga o matulog na lang. Nalulungkot ako kasi namimiss ko siya. Nagdedemand ako kasi gusto ko siyang makasama.  Hindi naman madalas eh kahit minsan sa isang buwan lang sana, ayos na, pero wala na rin. 🙁

Sana… maisip niya minsan na mahalaga rin ako bukod sa trabaho niya at “may time” niya.

Sa loob ng tatlong araw, ni hindi niya naramdaman. Baka hindi na talaga ako ganun kaimportante sakanya.

Baka hindi na..

Pero sana hindi dito magtapos..

Kasi mahal ko siya..

Maiintindihan ko naman sana..

Pero tao lang din akong nagmamahal, nangungulila at nasasaktan sa pang-iisnab niya sakin.

Para sa kanya ang tula na ito:

Sa Ikatlong Araw..

 

Hindi ko magawa dahil mahal kita..

Alam kong hindi ko kayang iwan ka, pero wala na ba talaga?

Gusto kong sabihin sa iyong mahal kita, pero hindi na ba ito mahalaga?

Paano ko ipararamdam sa ‘yo kung wala ka.

 

Paano na ang aking pagsinta..

kung ayaw mo na sa akin twina..

kay sakit naman ng ating pagwawakas..

ganito lang ba ang pag-ibig na sinasabi mong wagas?

 

Sana ay madama ko,

na mahalaga rin ako sa iyo,

ito lang naman ang hinihingi ko,

na dapat nga sana ay kusang binigay mo.