Paano Ba Maging Masaya?

(Photo Credit: easyvectors.com)
(Photo Credit:   Easyvectors)

Mas marami ang nakapapansin ng kalungkutan sa buhay kaysa pagiging masaya. Kaya nga ngayon mas gusto kong isulat kung paano ko nararamdaman na ako ay masaya.

Masaya ako kung hindi ko mapigil ang aking sarili na kahit mag-isa lang ako ay natatawa.

Masaya ako kung hindi ako mapakali na parang gusto ko sumigaw at ishare sa ibang tao na ako ay masaya…OA, ‘di ba?  Pero parang sa kalungkutan din, minsan gustong-gusto kong sumigaw; iba nga lang ngayon, nakangiti akong sumisigaw.

Kapag ako ay nakahiga at hindi ko mapigilan ang mapangiti, halos ayaw kong matulog dahil sa takot na mawala ang alaala kapag dala ko sa pagtulog ang dahilan kung bakit ako masaya.

Masaya ako kapag makulay ang tingin ko sa mundo. At kahit na may mga bagay na hindi kaaya-aya sa mundo, natatanggap ko ito bilang parte ng buhay ko.

Masaya ako kapag naibabahagi ko ang aking sarili sa aking kapwa kapag ako ay masaya. Lahat ng paghihirap ay hindi ko iniinda dahil ang alam ko lang ako ay masaya.

Kapag ako ay masaya, hindi ako mareklamo; basta ako masaya. Mas gusto kong i-share ang aking kaligayahan sa iba. Nakahahawa kasi ang ngiti sa unang bungad pa lang, ang taong nalulungkot pag ngiti’y nasilayan, dibdib ay parang hinahaplos at napapawi ang lungkot.

Sabi nila “Happiness is a choice,” ngunit kung hindi naman talaga bukal sa loob ang pagiging masaya at wala itong pinanggagalingan, kulang din ang madaramang kaligayahan.

Kailangang maramdaman mo ang kaligayahan bago mo masabi na ito nga ang pinili mo. Ang kaligayahang totoo ay mula sa puso at isip na nakikita sa panlabas na anyo sa pamamagitan ng ningning sa mata.  Kaya nga minsan kahit ang tao ay magsabi na masaya siya, ngunit tingnan mo ang kanyang mata, hindi ito magsisinungaling dahil ang kaluluwa ng tao ay nakikita sa pamamagitan ng pagtitig natin sa mata ng kapwa.

Heart and soul, happiness is seen because it radiates in one’s persona. Kaya tara na. Namnamin natin ang buhay sa pagiging masaya natin.

Hindi na naman natin kailangang magbasa ng mga tips kung paano natin pasasayahin ang ating buhay. Siguro ang makasama lang ang taong importante sa atin ay tama na para tayo ay maging masaya. At iyon ang pinaka- importante sa lahat.

About jessa maria

Proud to be a BICOLANA..a simple person who writes what's on her heart. Loves to laugh even in times of trouble..hopeless romantic and often times with a wild imagination.....friendly but shy....