Paalala Sa Mga Inaanak (v. 2013)

12/25/2013 8:23:16 PM
kamalayangkalayaan.wordpress.com

Next year, pakisabihan nga ang mga magulang n’yo na tawagin kaming “ninong” kahit hindi araw ng Pasko ha? HINDI yung tatawagin kang “tito” pag ordinaryong araw lang, tapos kapag December 25 na, “NINONG! Pamasko ko?” ang isusumbat, ni hindi pa nga kayo tinuruan kung paano ang tamang pagmamano eh.

Kailangan ko pa bang i-explain ‘to? Sige na nga kahit hindi ako si Donya Ina, dahil tamad tayong umintindi (at marami pang mga tatanga-tanga d’yan na nagrereact kahit hindi naman sila nagbabasa man lang), pagbigyan. Pasko naman eh.
Sa totoo lang, wala nang mas nakakairita pa sa mga taong lumalapit sa iyo kapag may kailangan ka. Parang ‘tong mga ‘to: mga inaanak na bigla na lamang susulpot sa bahay mo kapag arawa ng kapaskuhan.

Pero kawawa naman ang mga musmos na bata ‘pag pinatikim mo ng kalupitan. Nang dahil lang sa pagiging supot ang utak ng mga magulang nila.

Oo nga eh, pero leche, para sa isang straightforward na tulad ko, hindi uso yan. ‘De, hindi naman ako nagiging malupit pagdating ng Pasko eh.

Pero still mas nakapang-iinit ng ulo ang mga magulang pag tinuruan nila ang mga anak nila ng ganito: “pag hindi Pasko, iba ang tawag sa iyo (i.e. “tito, kuya, uncle”). Pero kapag yun na, “HI NINONG!”

ABA. Wow ha? Sobra naman yata ang pagiging kapal ng mukha niyan. Mas lalo na kung pagkatapos ng Pasko ay echapwera ka na sa eksena nila, as in pag nakasalubong ka nila sa daan, hindi ka nila papansinin o babatiin man lang. Oo, kahit eye to eye na ang contact n’yo.

Ayaw ko sabihin ‘to, pero sinumang magulang ng mga gan’ong bata ay sobrang iskwater. Hindi sa pagiging scrooge o sinumang maangas na siga ha?

Click here to read the entire article.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions