Opinyon ko lang, Walang Personalan

BABALA!

Ang sumusunod na mababasa ay RATED SPG maaaring mayroong maseselang lenggwahe na hindi angkop sa mga supporters na pikon. Patnubay ng may akda ang kailangan.

P.S. nakahanda ako sa inyong batikos at komento, huwag lang pong lalampas sa kabutihang-asal. OPINYON KO LANG, WALANG PERSONALAN

ANG MGA SUMUSUNOD NA PRESIDENTIABLES AT ANG KANILANG KARAKTER SA PINAKAHULING DEBATE BAGO ANG HALALAN 2016

Credit to the owner of the Photo
Credit to the owner of the Photo

 

Grace Poe – Isa kang poet, using all those idiomatic words, matamis pakinggan pero ‘di mapanindigan. Ako lang ba ang nakahalata na parehas na kayo ni Chiz? Monotonous voice parang walang emotion, kumbaga “the lyrics are good but we need sounds.”

Binay – Hindi ko talaga alam saan mo kinukuha ang mga isinasagot mo? Para kang nangingisda sa inidoro, umaasang may mabingwit na tilapia… Wala kang point. Ganyan ba kayo sa Makati? Kung ako sa iyo, lumiban ka na lang sa Debate. Ay, nga pala, last na ‘yun mabuti naman.

Mar Roxas – ‘Wag kang magpanggap na naiintindihan mo ‘yung problema ng Pilipino habang kumakain ka ng kanin sa baso at ‘yung asawa mo ay humihiwa ng pie gamit ang ballpen, hindi ibig sabihin ay bobo ang mga tao. Para kang rapper, punung puno ng salita bunganga mo ay puro statistics, puro development without flaws, walang negative side ang gobyerno mo? O c’mon! Isama mo ‘yang asawa mo sa tuwid na daan gamit tsinelas na rambo! You can’t fool us, what we see is what we see. Huwag mo kaming paniwalain sa imaginary accomplishments mo, Mr. Palengke! Grabe siya!

Miriam –  All I can say is, sana ikaw na lang, ikaw na lang ang naging dahilan ng people’s power baka sakaling naging worth it pa, baka sana ok tayo. Kaso nauna nang magduda ang tao kaysa isugal ang boto sa karapat-dapat na kandidatong manalo. Sabi nga nila “we have the right person at the wrong time” ayy mali! the best person pala. Sabi nga ni Beyonce “I wanted you bad, I’m so through with it, coz honestly you turned out to be the BEST THING I NEVER HAD”

Duterte – Reyalidad na paulit-ulit na sasampal sa iyo! Walang paliguy-ligoy si Digong berdugong, bastos ang bunganga, pero matalas man ang salita at least may napapala! Maraming nasasabing mali, ‘di natatakot ipakita o iadmit ang negatibong side! Batuhin mo man ng batikos dahil sa lumalabas na salita sa kanyang bibig, hindi natitinig, hindi napipikon! Parang nanay mo lang yan eh! Kapag pinapagalitan ka “para sa iyo ‘yun Mother knows best ‘ika nga”

Gawang totoo may mapapala kahit mukhang barumbado! “When I say stop it, Stop it!” S-T-O-P!

Let the Lord guide 2016 election
#PiliPinas2016

About emstarr14

A Nurse OFW, formally school journalist whose passion is to create piece of art through writing. "Ang paghalik ng pluma sa manipis na anyo ng kahoy ay isang pag-ibig na wagas" ang pagbabalik loob sa pagsulat