Open letter para kay bestfriend

Image by aih

Hi bestfriend.

Hi, miss na kita, sobrang miss.

Hindi ko alam kung paano at bakit nawala ang dating masayang meron tayo,

Ang dating mundo na tayo lang ang nakakalam, Ang dating mga secreto na ako at Ikaw lang ang nakakaalam.

Bestfriend, miss mo na rin ba ako? Napatawad mo na ba ako?

Pasensya ka na. Hndi ko sinasadya na mahulog sa iyo. Hindi ko sinasadya na pangarapin pa na mas higit pa sa pagkakaibigan ang makamit ko.

Pasensya ka na kung bawat salitang matatamis na binibitawan mo ay may kahulugan sa akin.

Alam ko, mali …mali na isipin na balang araw, ikaw at ako, magkaroon ng tayo. Ngunit alam ko napakaimposible mangyari dahil bestfriend mo lang ako at bestfriend kita. Kaibigan … hanggang doon lang, Hanggang doon lang ang kaya mong ibigay,

Ngunit hangal ako at nais na higit pa doon ang marating ko. Kasalanan ko? oo kasalanan kong ma-in love sa ‘yo. Ngunit ako ngayon ay nagsisi, Nagsisi na dapat pala, sa una pa lang ay nilabanan ko na ang pagmamahal na meron ako, na dapat pala sa una pa lang binantayan ko nang maigi ang aking puso, para kahit paaano hindi ako masaktan.

Bestfriend, hindi ko alam na sa pag-amin ko ay masisira ang ating pinagsamahan dahil ang naisip ko sa mga oras na iyon ay maiintindihan mo ako.

Maiintindihan mo kung bakit ang isang kagaya ko ay nagkagusto sa gaya mo. Bestfriend, pasesnya ka na at mahal kita. Alam ko hindi mo ko magugustuhan dahil mas tuwid ka pa sa ruler.

Nagmamahal,

Ang iyong kaibigan.

Image by aih
Photo by Aih

Photo by Aih.

About Kaixh

I'm bisexual born 1999. I'm not good at expressing my self so I decide to write them down here. I just want to share may thoughts and feelings.