“Oops, Teka Lang”

Oops, teka lang? Ano na ba ang nangyayari sa Sanlibutan?

Puro na lang kapraningan. Kaguluhan! Kinabukasa’y wala nang kabuluhan. Dahil ang dati, tahimik, walang imik. Makakatulog ka pa nang naghihilik. Dahil walang masyadong gimik. Life was so simple!

Ngingitian ka pa ng kasalubong mo na may dimple. Maaliwalas. Walang maangas! Walang pabalik-balik na kuwentong gasgas! Wala na si Mang Kulas. Sa takbo siya ay kumaripas! Ke dunay bala sa iyang likod na gaapas! Lisud iyang ilong matabunan unya ug gapas!

Yes, I’m talking Bislog – Bisayang Tagalog. What so? Importante, ikaw ay nakakaintindi? Dahil kung hindi? Aw,  siguro ikaw ay ga-mirisi! Haha! Katawa na lang ‘ta! Maski wala gitika. Kay wala nata kasabot, igo na lang ta ani bagotbot. Lalo na kapag ang iyong kinatatayuan ay napapalibotan. Hindi ng Pera kundi ng mga Peranha haha! One wrong move, walang matitira sa’yo! Kinakain na rin ngayon pati prinsipyo.  “No more peace.” Pero peste daghan, gadagan-dagan, kuyaw unya atong madasmagan, ke ang makadasmag mao na nun ilabay una sa basurahan! Indeed, it’s more fun!

Oops, teka lang ulit? Ano pa ba mga Pambansang trending? Sensya, sira k’se ang TV sa amin.  Hanggang Facebook lang tayo at doon  ako ay napadpad sa tsismisan about bigas na bukbukin? Galunggong with formalin? Pagpapatibay ng Sandatahang Pilipinas, kaya bibili ng mga bagong armas? Ah, kaya pala si Trillanes ibinalik(?) o ibabalik sa malamig na rehas. K’se naman sa lahat ng kakalabanin, Hari pa ng PDP-Laban este bawi na ngayon, bawi – ang kanyang sineryoso, kaya sa kulungan, tuloy siya ay kalaboso. Pero okay lang ‘yan, Sen. Trillanes. At least sa kulungan tayo pupulutin, hindi sa kangkungan. Masadlak man tayo sa dusa, laging doble sa nagpaparusa?             

Talamak na ang kasamaan. Naglaho na rin mga natutunan sa ating Araling Panlipunan. Nagbago na k’se si Juan. Nakaraa’y tuluyan ng kinalimutan. Para sa bayan kamo? O, para sabayan ang mali?  Dahil wala ng tama. Ano meron? Ga-tama (ayun gasuyop). O, kung tatamaan ka ng eraser k’se ‘di nakikinig kay Titser!    Pero ito ang ating tatandaan. Sa bawat pagpukol, ‘di ka  makakaranas ng bukol kung marunong kang umilag! Ilag-ilag lang. Salag. Huwag kang papalag o, manglalaglag! Bawal din mapikon. Lalo na doon sa may alta-presyon.

Mahabang komento lang po ‘to, singhaba ng pila sa Lotto kaya naisipan kong e-share dito sa Definitely Filipino.          Oops, teka lang po ulit, last na. Huwag po kayong mangba-bash…Bashen maigo ko sa dakong kumo. Hehe.

Enjoy ka-DF!        

About Nomatterwhat143

Analyst ang aking propesyon. Pag bagot, walang magawa, nagsusulat. Dati nung maliit pa ako, pinapalo. Ngayon pina-follow (hehe!) Kung hindi ako nagsusulat, nakikinig ng musik. Minsan naman wala lang imik. Tahimik. Mata'y ipipikit. Matutulog. Pag gising, magkakape. Pag walang kape, okay lang basta tayo'y mug-KAPEling hehe! Corny? Yun ako. 🙂 Page owner/Admin din ako ng https://www.facebook.com/iloveannemurray/; https://www.facebook.com/nomatterwhat143/. https://www.facebook.com/indayluwag/. IG:indayluwag420