“ONLINE LOVERS” From Chatroom With Love (a True Story)

( Angels_Online meet Dark_Terminator at Yahoo.chatroom)

“Welcome to our clan, tambay lang po kayo dito and enjoy, magiliw na bati  ng isang babae sa mga bagong pasok na tambay sa room 7.”

May kantahan, kaya ang daming tambay, imbitado kahit sino kaya marami ang tambay. Dahil sa nakahiligan na nila kapag walang trabaho. sa chatroom agad sila nagkikita-kita.

Kaya sa araw na yun hindi rin papahuli si Angel, sign in agad siya sa yahoo.chatroom using her code name Angels_Online.

Kahit na late man ay nakahabol pa rin, agad na-curious sa kanyang narinig. Paano kasi isa sa clanmyts niya na babae ay para ba namang si Kris Aquino ng The Buzz kung maka-interview sa isang tambay na kakanta daw kuno.

“Narinig n’ya na lang, single pa naman”ang sagot nito. At sa narinig niya Dark_Terminitor daw ang pangalan nito.”

Agad namang naglaro ang malikot na imahinasyon ni Angel, siguro booter, spammer siya o ‘di kaya, siya si Arnold Swarzenegger sa movie na Terminator” sabay napailing sa kanyang naiisip.

“Uso kasi yun sa kahit anong room ang my boot, yung my mga proggy tapos iboboot ka na lang  bigla na walang kaalam-alam kaya maa-out ka na lang sa chatroom”.

Sa lalim ng kanyang iniisip hindi na niya namalayan na kumakanta na pala ang lalaki.

“Tipaklong na bungol!” ano kayang kinanta niya?

“Ang bilis naman yatang natapos, wala man lang akong narinig” ang sabi ni Angel. Nabasa n’ya na lang ang conversation ng kanyang mga kaibigan sa room at may hitsura daw si Dark, sinilip kasi nito ang profile ng lalaki at nakita nito ang picture.

Dala ng ka-kuryusansan na-iclick niya rin ang profile nito. Aba! May itsura nga! siya ba talaga ito o ibang tao lang? naitanong niya na lang sa sarili.”

“Kinabukasan, chatroom uli ang tuloy niya pagkatapos ng work. Tulad ng dati nagsasagot na naman siya sa trivia habang niwewelcome naman kapag may bagong tambay na papasok sa kanilang room.”

As usual sa nakahiligan na nila, ayun kantahan na naman sa kanilang room. Pero that time niyayaya na nilang pakantahin si Angel. Hindi pa kasi nila naririnig ang boses nito, at never pa itung umapak sa mic para marinig naman ang boses nito.

“Mahiyain kasi si Angel, ang gusto lang gawin nito is magsasagot lang sa trivia, makipagkuwentuhan o ‘di kaya taga-welcome ng mga bagong tambay na papasok sa room nila.”

“Kabado at halong takot ay wala rin siyang nagawa na, tinutukso na siya ng ibang tambay baka daw lalaki ito na nagkatawang babae, kaya umapak na rin siya sa microphone.”

“Ang napili niyang kantahin ay ang Especially for you ng MYMP.”

Nasa chorus na siya ng kanyang kinakanta nang biglang nahagip ng kanyang mata ang isang post sa room; ang katagang “I Love You, Angel”, note ha! galing kay Dark.

“Kaso hindi siya kinampihan ng pagkakataon, sasabihin n’ya sana na mayabang ito nang biglang na-disconnect siya sa chatroom.” As in nag-disappear siya sa ere gawa ng kanyang signal na biglang nawala.

Ten minutes din ang kanyang hinintay, bago bumalik ang kanyang signal. Bumalik siya sa room, pero iba na ang gamit nito, ang kanyang Da_poets_love na id. Isa sa kanyang code name na gamit kapag pumapasyal siya sa ibang room, tulad ng Cebu Tambayan o sa tambayan ng mga ofw’s.

“Pagbalik sa room, marami na ang naghahanap sa kanya. Paano kasi siya lang ang kumanta na hindi tapos, gawan ng kanyang signal na biglang nawala nga.

“Saan na ba si Angel? Ang tanong ng lalaki. Wala na si Angel lumipad na o baka sinundo na ni San Pedro ito naman ang pabirong sagot ng isa n’yang kaibigan sa room.” Kaya nauwi na sa tawanan at kuwentuhan ang mga nasa room 7..”

“Four months later mula nang makilala n’ya ang lalaki sa room na tinatambayan n’ya, halos araw-araw ay nasa kanilang room na ito tumatambay.”

Ang dami na ring naging kaibigan ang lalaki sa room nila, halos kaibigan n’ya ay kaibigan na rin nito. Habang siya naman ay mailap dito. Umiiwas lang talaga siya sa mga lalaki sa chatroom maliban ng lang sa kanyang ka-clan na mga lalaki sa room nila.

“Totoo nga ang kasabihan nila, pilit mo mang iwasan ang isang tao, ganun naman ang bilib sa sarili nito para mapalapit sa’yo, kapag hindi mo daw ini-expect ang isang bagay ay bigla na lang itung darating.”

Nang araw na iyon nagmessage ang lalaki sa kanyang ym.”

“Hello! Angel, kumusta ka na? Ang sabi ng lalaki.” Dahil wala naman sa kanyang bokabularyo ang pagiging istrikta at snob, nireplyan n’ya rin ang tanong nito. Simpleng, Hi at pangungumusta naman ang kanyang binalik sa lalaki.

“Ini-add siya ng lalaki,pero wala pa siyang balak i-accept ito.”

Ayaw niya muna itong maging friend sa kanyang ym, hangga’t chatroom na lang muna ang kanyang pagpapakilala rito. Pero tinutulak naman siya ng isang bahagi ng kanyang isipan na silipin ang profile nito.

“My hitsura nga! sa isip-isip ni Angel. Pero duda pa rin na hindi si Dark ang nasa larawan.”

Lumipas ang dalawang buwan, nag salubong uli ang landas nila ng lalaki sa chatroom na tinatambayan nya.

Ang tahimik at simpleng mundo nya sa chatroom ay bigla na lang kakalampagin ng isang taong makulit at pasaway.

“Si Dark.” Bigla na lang binalot ng hangin ang kanyang paligid.

Nag-mass flooding ng mensahe sa room ang lalaki, saying “I love you, Angel” at hindi pa kamo nakuntento ang lalaki sabay pa-flood uli ng katagang “Angel, pakakasalan kita kahit saan mang simbahan.”

Sa sobrang inis nito sa lalaki, “Eh di pakasalan mo ang lola ko!” ang sagot nito.

Hindi na nahiya! hindi pa naman kami close. Naiinis man sa lalaki, pero may kilig naman ang dating nito.

“Isang araw, habang busy ang lahat sa pakikipagkuwentuhan, pagsasagot sa trivia at may nagpapatugtog pa. Nang biglang umapak si Dark sa mic sabay sabing ang kantang ito ay alay ko para kay Angel.

Sana’y dinggin mo ang awit kong ito
Awit ng pagmamahal sa ‘yo
Awit na may pag-ibig mula sa aking puso
Ang awit kong ito’y para sayo

II
Langit ang bawat saglit sa piling mo
Ligaya ko  lLL

ng tunay sa puso ko
Di ko mapapayagang mawalay ka sa ‘kin
Ang nais ko’t laging kapiling ka

CHorus:
Ikaw ang tangi kong iniibig
Ikaw ang aking mahal, magpakailan man
Dito sa aking puso wala nang papalit
Sa isang katulad mo, kahit na
Magpakailan pa man, ikaw ang iibigin ko                                                      

Ikaw lamang ang siyang lahat para sa kin
Ikaw lang ang siyang tanging nagbibigay sigla
Ang buhay ko ngayo’y may halaga…..

“Natapos ang kanta at puno naman ng kantyawan ang room. Habang si Angel ay walang ka imik-imik pa rin. Hiyang-hiya dahil tinutukso na ng mga kaibigan sa room, pero natutuwa at knikilig naman ito.”

Mula nang handugan siya ng kanta ni Dark ay naging malapit na rin siya sa lalaki. Naging magkaibigan na rin sila at na-accept na rin nito ang friend request sa kanya ng lalaki. Mula noon naging magaan na rin ang loob n’ya para sa lalaki, nakikipag biruan, at nagpapalitan na sila ng mensahe sa ym nila.

Hanggang sa tinuluyan na ng lalaki ang panliligaw nito kay Angel para maging Official girlfriend n’ya ang babae ay nag-long distance call pa ito para makausap siya.

Ilang monthsary na ang lumipas at naging 1 year na ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng chatroom. Hindi hadlang sa kanilang pag-iibigan ang layo sa isat-isa. Hangga’t my cellphone para tumawag at magtext,hangga’t may computer para magchat at makita ang isat-isa at tuloy pa rin ang communication nilang dalawa. Tahimik at puno ng pagmamahalan sa isat-isa. Hanggang sa dumating ang hindi nila inaasahan.

May ex-girlfriend pala ang lalaki at mas matanda pa ito sa kanya. Ito ang paborito at gusto ng nanay n’ya na makatuluyan. Hanggang sa dumating ang time na ginugulo na ng babae ang kanilang relasyon, lalo na si Dark dahil iisang lugar lang sila nung babae. Dumating na sa pagkakataon na nalaman ng nanay nito na may girlfriend siya through internet lamang dahil na rin sa pakikialam ng babae.

Pilit silang pinaghihiwalay ng nanay ni Dark at kasabwat pa ang ex-girlfriend nito. Pinagbabawalan pang gumamit ng computer ang lalaki hanggang sa pinatanggalan ito ng connection para maputol na ang connection nito kay Angel.

Pero pag mahal mo nga ang isang tao, gagawa at gagawa ito ng paraan para lamang makita o makausap ang taong mahal nito. Hindi hadlang kay Dark ang kabisihan niya sa trabaho at kawalan ng computer. Still halos araw-araw pa rin sila magka-chat, sa internet cafe na nagpupunta si Dark kapag mag-uusap or magchachat sila ni Angel. May cellphone naman at kahit papaano ay natatawagan nito ang babae, patago nga lang.

Kahit Middle east at Europe ang pagitan nilang dalawa, hindi pa rin hadlang ito, basta tuloy pa rin ang communication nila. Pero hindi pa rin sila tinantanan ng mga taong pilit silang pinaghihiwalay. Para din kasing pelikula yan, kung my bida siyempre, may kontrabida naman. Hindi kasi mabubuo ang drama kapag wala ang mga ito.

2010, isang desisyong magpapabago sa lahat sa trabaho, sa lugar at sa mga taong nakapalibot nito.”

Tuluyan nang sinuway ng lalaki ang kanyang nanay, nag-resign sa kanyang magandang trabaho, iniwan ang magandang buhay sa Dubai at umuwi sa Pinas. Pero bago yun, nakaplano na ang lahat; nakabili na ng ilang units ng computer para sa itatayo nilang negosyo ni Angel na internet cafe sa Pinas.

Mag-isa itong itinaguyod ng lalaki hanggang sa naitayo na ang kanilang net cafe at naging successful naman ang lahat; nakababayad na para sa bills nito. At nakilala na rin ni Dark ang pamilya ni Angel. Naging maganda naman ang samahan at nasa mabuting kalagayan naman ang isat isa.

Sa umpisa nga lamang.

Lumipas ang ilang buwan ay  hindi na naging maganda ang takbo ng isa’t isa, between Dark and Angel’s family. Nagkaroon ng hindi magandang pagkakaunawaan na nauwi na sa pananakot. Hanggang sa hindi na magkasundo ang mga ito.(kung ano man yun ay sila na lang ang nakakaalam)

Kahit ganun man ang nangyari, ang pag-ibig nilang dalawa ay nanatiling buo at mas lalo pang pinalakas sa bawat unos na dumating sa kanilang buhay at sa kanilang relasyon. Naging matatag na sila para harapin kung ano pang pagsubok na darating. Hanggang sa dumating ang pagkakataon na matagal na nilang hinihintay, ang pagtagpuin na ang kanilang landas na sa simula pa lang ay pilit nang pinaglalayo ng mapaglarong tadhana. 2011 nang umuwi na ng Pilipinas si Angel dahil tapos na ang kuntrata nito sa Denmark.

Magkahalong emosyon ang nadarama ng bawat isa masaya, kabado at takot. Masaya dahil after almost two years ay magkakasama at makikita na rin nila ang isa’t isa; kabado dahil baka hindi siya magustuhan nito oras na makita siya, takot na baka bigla itong matauhan o marealize na hindi pala siya mahal nito sa oras na makita siya, dahil mas iba talaga kapag ma-meet mo sa totoong buhay ang taong mahal mo.

Magkahalong emosyon ang yung madarama kapag makita mo sa personal ang taong mahal mo. Marami kang baka..baka hindi ka nya magustuhan o baka bigla siyang magbago kapag nakita ka na. Pero sabi nga naman ng iba. kapag nagmamahalan daw ang dalawang tao, kahit ano pa ang itsura o pag-uugali mo, mas matimbang pa rin dito ang tinitibok ng puso.

For almost two years na computer at cellphone lang ang kanilang pagkikita at pag-uusap, sa wakas ay nagtagpo na rin ang landas ng dalawang taong pilit ipinaglalayo at sinisira ng mga taong nakapaligid sa kanila. Sa apat na buwan na pagsasama nila ay walang kasing saya ang nadarama nilang dalawa, animo’y wala nang bukas, na parang may hinahabol na oras. Punta rito punta roon; pasyal dito, pasyal doon ang ginawa nila. At magkatuwang na sa pag-aasikaso sa kanilang maliit na negosyo.

Bago pumasok ang buwan ng Setyembre, ang buwan ng kanilang 2nd anniversary, ay saka naman naaprubahan ang visa ni Angel papuntang abroad. This time ang destinasyon naman ay ang bansang Norway. Panganay si Angel at siya lamang ang nakatapos sa kanilang magkakapatid at siya lamang ang inaasahan ng mga ito. Kahit ayaw na sana niyang muling  mag-abroad  ay wala rin siyang magagawa. Marami pa ang kanyang pangarap sa kanyang pamilya at lahat ng ito ay umaasa lamang sa kanya. Kaya isinakripisyo n’ya muna ang kanyang sariling kaligayahan; ang pag-buo ng isang pamilya sa piling ng taong mahal nito.

Pero bago magkalayo ulit ang kanilang landas ay nangako muna sila sa isa’t isa na maghihintay ito sa muli niyang pagbabalik. Sa pag-alis n’ya na may lungkot sa puso, may baon naman siyang alaala at pangako na maghihintay ulit sa kanyang pagbabalik.

Ngayong nasa malayo sila sa isa’t isa patuloy pa rin ang kanilang kumunikasyon. Basta may computer at cellphone sapat na iyun para ma ibsan ang pangunguli nila sa isa’t isa.

“It doesnt matter what the time will tell, cause love will make it worth it; it doesn’t matter what the others say, cause I will keep on searching and go and go and go.. over the mountains and over the sea to find the heart that belongs to me, and anywhere in the world I’ll go, anywhere ’til I find you, I’ll go..I’ll run through the valleys, I’ll run through the fields anywhere ’til I find you,” ika nga sa lyrics ng kanta sa kanilang 3rd anniversary.

Ganyan ang tunay na nagmamahalan; walang sinuman ang makahahadlang. Ngayon ay happily engaged na sila, kahit malayo man sila sa isa’t isa. Pero next year sa pagbabalik ni Angel sa Pilipinas ay bubuuin na nila ang naudlot nilang pangarap na magkaroon ng isang tahimik at masayang pamilya. At sabay nilang isasakatuparan ang bagong kabanata sa kanilang buhay na hindi na malayo sa isa’t isa.

“Distance is just a test to see…how far love can travel.” “Time and distance don’t mean anything when I know we will embrace and hold each other again. “

__( “aj” )__

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.