Old Friend

 

Yes!  Sa wakas pagkatapos ng unang apat na araw sa part time na trabaho, nagka-off din. Nakatulog din nang maayos nang hindi ginigising ng alarm clock.

Nalaro rin sa wakas ang aking pamangkin na sobrang miss na miss ko ang bawat ngiti at gigil niya sa aking pisngi (Lagi niyang kinakagat gamit ang
kanyang gums kasi wala pa naman siyang ngipin ^^). Nakapaglunch na kasama ang mga mahal sa buhay. Nakapag-surf sa internet. Nakapagcomment and like sa Facebook. Nakapagbasa sa site ni MSK at ICEBURN^^…

 Nang bigla kong napansin na naka-online pala si OLD FRIEND.

Tama, old friend. Bakit nga ba talaga OLD FRIEND? Dahil nga ba sa matagal ko na siyang hindi nakakasama? Matagal ko na siyang hindi nakakukuwentuhan?

Dahil nga ba hindi na kami close gaya ng dati? O dahil nga ba sa ‘di
maipaliwanag na nangyari mula nang lumipat siya ng lugar 🙁   Hindi ko rin
masagot-sagot. Saan nga ba nagsimulang manlamig ang dati naming
magandang pagkakaibigan?

 Hindi kami magkaedad, matanda ako sa kanya ng humigit-kumulang dalawang taon (hindi po kasi ako sigurado, hehe), nakilala ko siya ng lumipat kami ng bahay malapit sa kanila. Actually, marami akong naging bagong kaibigan noon at isa siya sa ka-close kong lalaki (Tama po ang iyong nabasa , lalaki nga siya).

Lalo kaming naging close kasi inamin niya sa akin na crush niya ‘yung kaibigan kong schoolmate niya, kaya lagi niya akong tinatanong ng mga likes and dislikes ni friend. Nagjajam session rin kami, naggigitara kami at kumakanta. Naalala ko pa nga na may kanta siyang inaral para sa kaibigan ko na crush niya, (pssst, nagawa mo bang iparinig sa kanya yun?hmm..).

Lumipas ang panahon at halos lagi na kaming magkatext pag nasa kanya-kanyang school at tuwing maggagabi na ay nagkukuwentuhan sa labas ng bahay namin. Kung hindi naman, naglalakad-lakad kami sa daan habang nagshashare ng mga pangyayari sa araw-araw naming pamumuhay.

 Isang gabi habang nakatambay kami sa kanto, hindi ko na matandaan kung ano ang pinagkukuwentuhan namin nang bigla niya na lang nasabi sa akin na kung hindi lang daw kami magkaibigan siguro matagal na niya  akong niligawan. Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi niya o biro lang kasi pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang ‘yon, napangiti siya. At ako naman bigla na lang natameme sa daan, at bigla ‘kong naisipan na magchange topic para maiba ang atmosphere.

Pag-uwi ko sa amin hindi ko pa rin lubos maisip na nasabi niya iyon at kailanman hindi na namin napag-usapan. Nagpatuloy pa rin ang aming magandang pakikitungo sa isa’t-isa, hanggang sa malaman kong aalis na siya at sa ibang lugar na maninirahan. Hindi ko alam kung pansamantala lang ba o permanente na. Iniisip ko na lang na para sa kabutihan niya naman ‘yon besides mayroon namang cp at internet para makapagcommunicate kami. Umuuwi rin siya paminsan-minsan at nagkakakuwentuhan din naman kami. Hanggang sa dumalang nang dumalang.

 Hindi na kami nagtetext, nagpalit na siya ng number. Hiningi ko ang number niya sa common friend namin, tinext ko siya, minsan nagrereply, minsan hindi.

Parehas naman kaming naka-online, pero ewan ko ba kung bakit hindi ko
magawang ichat siya at kumustahin.   Kasi nang minsang ginawa ko naman,
naramdaman ko na napahiya ako kasi parang feeling close pa din ako sa kanya, habang siya parang ibang tao na ako.

 Oo, aaminin ko nagtampo ako. Nagtampo ako kasi akala ko magkaibigan kami. Kaibigan na walang iwanan. Nagtampo din ako nang malaman kong mayroon na siyang ibang kaclose na parehas din naming kaibigan.

 Nagdadalawang-isip nga ako na ipost ito kasi baka mabasa niya. Natatakot
akong baka magmessage siya at isumbat sa akin na ako ang may nagawang mali sa pagkakaibigan namin… On second thought, baka nga ako ang may nagawang mali, hindi ko na rin kasi maalala…

 Sana, OLD FRIEND, maging ok na tayo kasi miss na miss na kitang kakuwentuhan.  Kung sa tingin mo, ako ang may kasalanan sa lahat ng nangyari, SORRY NA!!

Alam kong marami ngan nangyari sa buhay mo. Ilang taon na nga ba ang
nakalipas? 5 na ba o 6? kahit ilang taon pa man ang nakalipas, willing naman akong makinig sa lahat ng gusto mong ikuwento kasi gusto kong malaman mo na hindi pa din nagbabago ang pagtingin ko sa ‘yo, magkaibigan pa din tayo at higit sa lahat, AKO PA RIN ITO, AKO PA RIN YUNG DATI.

 SABAY NAG OFFLINE NA SIYA.

Enhanced by Zemanta

1 Comment

  1. sori po for the late reply.. di ko alam na napublish na pla itong sinulat ko.. mraming slmat po supporta.. sna lng po tlga mabasa nya at maisip nyang siya ‘yung tinutukoy ko ^^ pero as of now, di nya pa alam siguro..

Leave a Reply

Your email address will not be published.