Ogie Diaz nagbahagi ng isang rebelasyon tungkol sa Kapamilya network

Image from Ogie Diaz via Facebook and Instagram

Ibinahagi ng komedyante at talent manager na si Ogie Diaz sa kaniyang Facebook account ang isang mensahe para sa pagdiriwang ng anibersaryo ng ABS-CBN.

Ang mala-MMK na mensaheng ito ay nakalikom ng magagandang reaksyon mula sa netizens.

Image from Ogie Diaz via Instagram

Ikinuwento ni Ogie kung paano siya nagsimula sa Kapamilya network noong 1992 bilang isang field reporter.

“Mula sa talent fee na P1,500 per episode ng Showbiz Lingo…  Malaking bahagi ng kabuhayan showcase ng pamilya ko at mag-iina ko ang ABS-CBN for 27 years and counting,” pagbabalik-tanaw ng komedyante.

Ayon pa sa kaniya, hindi umano siya nawawalan ng proyekto sa ABS-CBN dahil palagi raw siyang tinutulungan nina Ma’am Charo Santos Concio at Cory Vidanes; dalawa sa malalaking personalidad ng Kapamilya network.

Inihayag ni Ogie sa kaniyang post ang kabutihang-loob nina Ma’am Charo, Cory Vidanes, at Sir Deo Endrinal.

“Si Ma’am Charo Santos Concio ang takbuhan ko noon at letter sender ang peg ko nung siya pa ang Program Director hanggang sa naging President siya ng ABS-CBN,” ani Ogie.

“At lagi din, matik na yon — tatawag si Tita Cory Vidanes para sabihing, ‘Si CSC [Charo Santos Concio], nagbilin na sa akin, ‘wag ka mag-alala, hahanapan kita.’”

“Tapos, tatawagan niya in front of me si Sir Deo Endrinal. Ganyan naman si Tita Cory. Kahit gaano ka-busy, basta kaya naman, gagawa siya ng paraan,” dagdag pa niya.

Nakilala si Ogie Diaz bilang komedyante sa telebisyon at mga pelikula ng ABS-CBN. Siya rin ay naging former talent manager ng phenomenal star na si Vice Ganda at ngayon naman ay kaniyang mina-manage si Liza Soberano.


Image from Ogie Diaz via Instagram

Sa huling bahagi ng kaniyang mensahe, sinabi ni Ogie na malaki ang utang na loob niya sa ABS-CBN dahil ito ang nagbigay sa kaniya ng career at ikinabubuhay.

Kaya kahit siguro mawala ako sa ABS-CBN at wala na silang pakinabang sa akin, mananatili ang utang na loob sa aking puso, dahil sa isang tulad kong high school graduate, I can proudly say anlayo na ng narating ng isang Ogie Diaz.”

Bukod kay Ogie, marami pang mga Kapamilya stars ang nagbahagi ng kanilang pasasalamat sa kanilang mga social media accounts para sa ika-65 na anibersaryo ng ABS-CBN.