OFW – Isa Pang Karanasan

OFW people (Photo credit: kritikongkiko.wordpress)
OFW people (Photo credit: kritikongkiko.wordpress)
OFW people (Photo credit: kritikongkiko.wordpress)
OFW people (Photo credit: kritikongkiko.wordpress)

Sa mga taong tulad naming na OFW nagtitiis sa ibang bansa para mga tao na mahal natin sa buhay, naks! Ang drama ng umpisa. Actually, ordinary na ‘to sa mga tao sa Pilipinas kaya hindi na siya madrama, isa na siyang trend. Subukan mo lang na tanungin ang mga kaibigan mo, karamihan sa kanila ay may kamag-anak na nasa abroad.

Pero bakit nga ba sila nasa abroad? Isang katangahang tanong, dahil alam naman natin na kung nasa Pilipinas ka, kung hindi wala kang trabaho, sigurado mababa ang sahod mo. Sa mga naging karanasan ko bilang OFW, ang dami kong nakitang kababayan natin na kahit nakapapagod na trabaho at maliit ang sahod, may bonus pa na malayo sa pamilya na ‘pag tinanong mo bakit sila nag titiis, karamihan ng sagot “tyaga tyaga lang kaysa naman sa Pinas”.

Tama sila, kasi nga naman kung sa Pilipinas makakuha ang pareho ng trabaho nila, hindi mo naman makukuha ang parehong sahod, hindi puwedeng “tyaga tyaga lang” kasi hindi talaga siya kakasya lalo na kung ikaw ang inaasahan ng pamilya mo o may pamilya ka na bubuhayin.

HIndi ko minamaliit ang Pilipinas dahil dito sa ibang bansa, pinagmamalaki kong isa akong Pinoy tulad ng mga kapwa kong Pinoy dito mapa engineer, architect, draftsmen, secretary, waiter, driver at maraming pang iba.

Hindi naman lahat ay pulido magtrabaho. May ilang ilang sablay pa rin pero kumpara sa ibang lahi, masasabi na mas maayos ang trabaho ng Pinoy. Sa Pilipinas, sigurado akong marami pa ang gusting maging OFW para mas maging maayos ang buhay ng kanilang pamilya. Pero sana, bago sila umalis ng bansa, paghandaan nila ang hamon. Mas maganda kasi kung ikaw ay puno ng karanasan sa trabaho na papasukin mo, hindi yung “bahala na”. Sana bago natin maiisip na pumunta sa ibang bansa, magbasa basa muna tayo sa “internet”, “dyaryo” at mag tanong sa mga tao na nakaranas makapag-abroad. Naranasan nila ang hirap bago umasenso at puro hirap ang pinagdaanan matapos umuwi ng Pilipinas. Madami kasing nagpupunta sa ibang bansa lalo na sa Middle East na Visit Visa or Business Visa ang dala, mag-aapply sa mga company na kahit ano ang posisyon basta lang ma-itransfer ang visa nila sa working visa. Buti kung ang lahat ng kumpanya ay maayos kausap. Minsan gagamitin lang ‘yung visa mo tapos papabayaan ka na sa huli. Ang ending, hindi mo alam ang gagawin mo. Uuwi ka ba? Mag TNT? O mangungutang pang-exit? Na pag balik mo galing exit hindi mo alam kung saan ka ulit mag-aapply?

HIndi sa nananakot ako, reminder lang po ito sa mga taong nagbabalak na pumunta sa Middle East na visit visa lang ang dala. Kahit sana papaano, saliksikin muna nila kung ano ang pupuntahan nila, kausapin nila ‘yung tao na tutulong o kukuha sa kanila kung ano ba talaga ang kailangan kung mag-aapply. Ano ang kailangan malaman sa trabaho na papasukin mo, pag-aralan ang kailangan para hindi “bahala na” ang maging trabaho mo pagdating sa bansang pupuntahan mo. At sa pag alis mo ng bansa magbaon ka, lalo na sa mga aalis na walang kamag-anakan sa pupuntahan . Baunin mo ang lakas ng loob, pasensya, pagigigng matiisin, sipag at tyaga at higit sa lahat ay panalangin. Paghandaan ang hamon ng buhay. Pagdating dito, dapat mabilis mag-adjust ang buhay mo kasi iba ang kultura, pagkain at paniniwala. Kung susubukan mo, galingan mo, paghandaan mo, idalangin mo. Kaya mo ‘yan dahil Pinoy ka.

author: Rodimus

p.e./kf

1 Comment

  1. siguro kaya ayaw ng kapatid ko na nasa DFA na mag work ako overseas dahil sa libo libong sama ng loob na nararanasan ng mga OFW…mahirap nga….at sana gabayan kayo ng Dyos palagi…

Leave a Reply

Your email address will not be published.