O Sige Break Na Nga Tayo, Break Na Kung Break!!

lqButi pa yata MAG BREAK NA TAYO .
H A ! A-ANO KAMO ANG SABI MO .
Hindi na nito naulit ang kanyang sinabi at naiyak na lang itong sinisita ang boyfriend .
HU, HU, HU may nakakita sayo kahapon me kasama ka na namang babae, ang lumuluhang sinita siya ni Monica .

Medyo kinabahan ang dibdib ni ANDREW ng marinig niya ang unang sinabi nito at marahil ay mali lamang ang dinig niya at parang nakaringgan lang niya at di pala yung inakala niya at itong pangalawang sinabi ay pangkaraniwan na niyang naririnig sa kanyang girlfriend at medyo immune na siya’t di niya gaanong iniintindi .
HA EH SINO NAMAN BANG makati ang dilang nagsabi sayo niyan …. at saka di ba naman marami akong nakakasamang kaeskuwela nating babae dito EH BAKIT DI MO SINISITA , ang tanong na medyo tumaas ang boses .

EH IBA yun sinasabi ko ngayon , special yun at nagdate daw kayo , pangangatwiran pa ni Monica.
H A ! DI TOTOO YAN
WAG KA NANG MAGKAILA , bistado na kita , maraming beses mo nang ginagawa sa akin yan hu, hu, hu .

Parang nakakahalata na siya at medyo alam na niya ang tinutukoy nito dahil may nakakita sa kanila at maaaring naisumbong na siya pero malinis ang kanyang konsiensa at di niya magagawang humanap pa ng ibang pag-ibig dahil mahal niya ang babaeng ito at nagkataon lang na di siya makaiwas. Umiisip agad siya ng maidadahilan upang maibsan lang ang matinding pagseselos nito dahil makakita lang ito ng babae na kasama at kausap niya kahit matanda sa kanya ng malaki ay pinagseselosan niya .

HUU IKAW NAMAN , WAG KA NGANG BALAT-SIBUYAS , madali ka kasing inisin eh napagpapaniwala ka don , tsismiss lang yan , baka may naiingit lang sa ating labis na pagmamahalan. Hanggat di mo nakikita ng dalawang mga mata mo wag kang agad-agad maniniwala , hindi totoo yon .

Eh si Rowena na best friend ko, di pa ba ako naniniwala don .
H A ! at di na nakapagkaila pa si Andrew dahil mismong ang bestfriend nitong si Rowena ang nakakita sa kanila .

HA eh nagkataong nakasabay ko sa escalator mula sa paglabas ko sa panonood ng sine si Esther , nagkawentuhan at nagkamustahan lang kami sa loob ng Mall at siyempre niyaya kong kumain, eh alangan namang di kami magkukuwentuhan ng matagal-tagal eh alam mo naman na dati nating naging kaeskuwela yon sa elementary at ngayon lang kami nagkita at ano naman ang masama don,

HINDI LANG ISANG BESES, HINDI LANG DALAWANG BESES KUNDI MARAMING BESES NA GINAGAWA MO ITO SA AKIN hu, hu, hu tutal di na naman tayo magkasundo pa , bu-buti pa yata MAG BREAK NA LANG TAYO .
H A ! BA-BAKIT NAMAN NAGKAGANON?

At ang kanginang narinig niya ay totoo pala at kinilabutan siya at parang biglang gumuho ang mundo niya sa napakababaw naman ng dahilan para sila magbreak na . At siya sa idad niyang iyon ay parang nagmatured na ang kanyang pag-iisip samantalang ang kanyang girlfriend ay para talagang di pa nakaka-pag-adjust.

EH DI BA ANG SABI MO, ako lamang ang mamahalin mo at di ka na makikipag-usap sa ibang babae tapos ginagawa mo pa rin. AYOKO NA , AYOKO NA ginagawa mo lang akong pamasak-butas , gusto ko nang mag break na tayo,

HAA napaka-babaw naman talaga ng iyong mga dahilan para tayo mag break .

Maya-maya ay tinitigan niya ito at nakikiramdam at medyo nag-isip-isip , pumikit muna siya at pagkadilat ay muli na naman niyang tinitigan kung nagbibiro lamang ba ito o totoo na ang sinasabi. Nang makita nitong patuloy pa rin sa pagluha na medyo kagat pa ang labi at talagang sa tingin niya ay galit sa kanya at totoo nga at sincere nga talaga sa sinabi ay….

O SIGE , ikaw na nga ang bahala kung iyan ang gusto mo MAG BREAK NA NGA TAYO,
BREAK NA KUNG BREAK , toto-tohanin ko na ang ibinibintang mo , marami naman talagang nahuhumaling sa akin .
H A !

Parang tila guguho din ang daigdig ni Monica nang ito ang isagot ng kanyang boyfriend .
Ang totoo ay nabigla lang siya at nasabi lang niya ito at di naman talaga sinabi ng bestfriend niya iyon at nananalakab at hinuhuli lang niya ito dahil may nagtsismis lamang sa kanya at nagkataong totoo pala . At ang bestfriend niya ay inilihim na lang ito sa kanya at ayaw nitong magkasira ang dalawa dahil lamang sa kanya .

Mag-dadalawang taon na silang magkasintahan ni Andrew at nagsumpaan na sila na kung makatapos na sila kapwa ng pag-aaral at nakapagtrabaho na ay magpapakasal na sila . Subalit bakit daw ba na-eensecure siya , napakaguwapo ng kanyang boyfriend at kahit na magboyfriend na sila ay marami pa ring nahuhumaling dito at kahit harapan at nakikita siya at alam na magboyfriend na sila ay lumalapit pa rin dito at umaakbay sa kanyang boyfriend at sanhi nito na di niya maiwasang magselos. Siya man ay maganda rin at marami din ang nahuhumaling sa kanya pero siya ay dalagang Pilipina at isang konserbatibo at ayaw niyang gawing laruan lang ang pag-ibig at iisa lang daw ang puso niya at iyon ay nakasanla na sa kanyang boyfriend at kung di rin lang sila magkakatuluyan ay baka magpapakatandang dalaga na lang daw siya.

Nang biglang naalala niya na nagtatalo sila .
O SIGE BREAK NA NGA TAYO…. EH BAKIT BA , IKAW LANG BA eh marami din namang nahuhumaling sa akin ah , na mas guwapo at mas matatalino pa sayo , nabigla lang naman akong sagutin ka , alam mo namang ang gusto kong maging boyfriend ay mas matalino pa sa akin.

Palibhasa ay kapwa 16 anyos pa lamang sila at ang ganoong idad ay di pa hinog ang kanilang mura pang pag-iisip at pabago-bago pa ng mga desisyon.

Nanlulumo si Andrew at siya man ay nabigla lang at di buo sa kalooban niyang sabihing magbreak na nga sila . Mahal na mahal niya ang babaeng ito at nasabi na niyang ito na ang babaeng papakasalan niya pagdating nga araw . Pero ewan daw ba niya , siguro daw ay baka hindi sila para sa isat isa . Munting kibot ay nagseselos ito sa kanya at ewan din ba niya di naman daw niya ipinagmamalaking guwapo siya eh bakit daw ba may makausap lang siyang babae ay parang hinahabol-habol na siya.
At naalala pa niya ang sabi ng isa niyang ka-classmate.

HOY ANDREW nakakainggit ka naman , eh halos lahat ng mga babae dito lalo na ang mga bading ay type ka…..eh ano bang katangian meron ka at matitigan mo lang ang babae ay hinahabol-habol ka na at ika pa ay makalaglag panty kung makakatitig ka.

At nangiti siya…
EH ano ba itong ka-classmate kong ito’t tila isang bulag eh nakikita naman niya itong hitsura ko…..eh kasalanan ko bang isilang akong kamukha ni PIOLO PASCUAL ha, ha, ha.

AT LUMIPAS PA ANG ILANG PANAHON at nasa college na sila at doon din kapwa sila nag-aaral at kahit nagkikita at nagkakasalubungan sila ay di pa rin nagbabati at di nagkikibuan na parang di magkakilala at parang hindi nagkaroon ng ugnayan nong nasa high school pa lang sila . Marahil ay totoong INFATUATION LAMANG O PUPPY LOVE lang ang dumapo sa kanila at kapwa dagli nilang nalimutan ang kanilang naging relasyon at pagmamahalan . O marahil naman ay kapwa sila mataas ang pagkakakilala nila sa sarili o kaya ay may mga palabra de onor.

Ngayon ay napakaganda lalo ni Monica lalo pa’t nahusto na ang idad at pagkadalaga nito . Lalong marami ang humahanga at nahuhumaling kanya . Ganondin si Andrew , lalong tumingkad ang pagkaguwapo nito at lalong mas maraming humahanga sa kanya at lihim na nahuhumaling na mga babae dito . Pero di niya ito pinapansin at di pa naghihilom ang sugat sa pusong iniwan ni Monica .

ISANG ARAW habang nagsisipag-review sila sa campus ng escuwelahan at mga nakaupo sila ay narinig ni Andrew ang pinag-uusapan ng kanyang dalawang kaeskuwelang lalake .

AH SI MONICA BA …. eh kapag akoy sinagot niyan at kahit na di pa kami nakakatapos ng pag-aaral ay yayayain ko na siyang magpakasal , eh mahirap na, baka me mas guwapo pa sa akin at matipuan ni Monica , mapurnada pa ha, ha, ha .

H A ! EH DI BA PARDS ang sabi mo patay na patay sayo si MONICA , eh bakit ma-eensecure ka pa kapag naging girlfriend mo na siya eh nasa iyo na ang lahat ng katangiang hinahanap ng isang babaeng katulad ni Monica na matalino na may kaya pa sa buhay at guwapong-guwapo pa ha, ha, ha . At saka isa pa pards me nabalitaan ako na me naging boyfriend na yan nong nasa high school pa siya . Eh kaya lang daw ay di guwapo at gunggong sa klase at napag-isip-sip siguro ni MONICA na napasubo lang siyang sagutin ang lalakeng iyon na isang bobo kaya nakipag-break na siya at gusto niyang maging boyfriend ay dapat mas matalino sa kanya , eh ikaw ay matalino at guwapo pa at kayang-kaya mo nang mapasagot iyon . At saka talagang mahinang klase ang naging boyfriend niya, isang bobo .

Biglang nagpanting ang tenga ni Andrew sa narinig at siya ang alam niyang pinariringgan .
AKO BA MGA PARDS ANG PINARIRINGGAN NINYO, ang inis na tanong ni Andrew .
BAKIT PARE , HINDI GUWAPO AT GUNGGONG SA KLASE ANG PINAG-UUSAPAN NAMIN AH , eh ikaw ay guwapo ka , eh bakit BOBO KA BA.

At bigla niyang inundayan ng suntok ang lalakeng iyon pati na ang manliligaw ni Monica .
Palibhasa ay malaking lalake at matcho pa ay nadaig niya ang manliligaw ni Monica at kabarkada nito .
GALIT NA GALIT SA KANYA SI MONICA ng malaman yon .
BAKIT MO GINAWA SA KANYA IYON , ANO BA PAKI-ALAM MO SA AMIN , di ba wala na naman tayo at matagal na tayong BREAK .

Eh kasi masamang magsalita at bastos ang lalakeng iyon , ang malumanay niyang sagot .
MASKI NA , WALA KA NG PAKIALAM SA AMIN , nagkanya-kanya na tayo ng landas, puppy love at di true love ang dumapo lang sa akin noon . Bata pa lang kasi ako noon at di ko nauunawaan ang kahulugan at totoong pag-ibig at ngayong nagkakaidad na ako ay naiintindihan ko na ang ngalan ng pag-ibig at HINDI PALA KITA MINAMAHAL…. may minamahal na akong iba .

H A !
Parang bombang sumabog sa pandinig ni Andrew ang sinabing iyon ni Monica .
Hindi siya makatulog ng gabing iyon at lagi niyang nasasa-isip si Monica. Hindi daw true love at puppy love lang ang dumapo sa kanya at ito ang katagang binitiwan sa kanya ni Monica. Naniniwala na siyang wala na ni katiting na pagmamahal sa kanya si Monica at iyon ay napatunayan niya dahil sa mga titig nitong may galit sa kanya , kung totoo raw na may pagtingin pa ito sa kanya ay di raw magagawang makatitig ito sa kanya ng tuwiran at medyo mahihiya .

Ngayon niya napagtantong talagang mahal niya si Monica , gusto niyang magkabalikan sila pero ano raw approach ang gagawin niya , alam niya na noon pa pa man ay me palabra de onor si Monica na kapag ayaw na niya ay talagang ayaw na niya, kapag sinabi nitong di na kita gusto ay talagang di na niya gusto , mataas ang pride nito .

OH DIYOS KO mahal na mahal ko po si Monica at kung hindi lang siya ang makakatuluyan ko ay baka magpapakatandang binata na lang ako .

SAMANTALA labis namang nagsisisi sa kanyang nabigla lamang na nasabi si Monica ke Andrew . Ngayon daw niyang napagtantong talagang mahal niya si Andrew at nalaman niyang mahal pa rin siya nito dahil ipinagtatanggol siya nito . Kaya lang ay nabigla siya at nasabi na niyang di na siya mahal at may minamahal na siyang iba kahit di totoo.

OH ANDREW MAHAL PA RIN KITA at ayaw ko lamang ipabatid sayo at magpahalata na iniibig pa rin kita. Yun inaakala kong puppy love o infatuation lamang ang nangyari sa akin ay di pala totoo , totoong mahal na mahal kita at ito ay true love na .

HU, HU, HU OH ANDREW BAKIT KA GANYAN , BAKIT NAGAGAWA MO AKONG TIKISIN , BAKIT DI MO AKONG MULING SUYUIN , NAGPAPAKIPOT LAMANG AKO , MAHAL NA MAHAL PA RIN KITA hu, hu, hu .

Pinagsisihan niya ngayon ang ginawa niyang pagsita at pag-alipusta at pinagdiinang di na niya mahal si Andrew na may mahal na siyang iba. Natatakot siya ngayon na baka nga isiping totoo ang sinabi niya ay di na siya lapitan at isang araw ay makita niyang may iba na itong minamahal . Gusto na niyang sumuko , gusto na niyang isuko ang mataas na pride niya , kaya lang ay nag-iisip siya na baka kung siya ang lalapit at magpapakababa at sabihin niyang di na siya nagagalit at binabawi na niya ang sinabi niyang BREAK na sila at pwede nang muling ibalik na nila ang kahapon ay sabihin nitong…I’m sorry may mahal na akong iba ay baka siya naman ang mapahiya at bumaba pa ang kanyang pagkatao ..

LUMIPAS PA ULI ANG ILANG PANAHON at tapos na sila kapwa sa kanilang pag-aaral at nagtratrabaho na at talagang limot na nila ang bawat isa. Hindi na alam kung ano na ang naging kapalaran nila at wala ng balita sa buhay-buhay nila .

Isang araw ay nakatanggap sila ng isang “ Notice “ na magkakaroon sila ng high school class re-union . Nakasaad dito ang venue , oras at ang dapat na isusuot para daw maging memorable at kakaiba sa ibang nag celebrate na ng class re-union ay papag-suutin sila ng naging suot nila nong sila ay gumaradwet . Dapat daw sa mga lalake ay nakasuot ito ng slack na pantalong itim at long sleeve na puti na naka-necktie at sapatos na leather na itim at sa mga babae naman ay over-all ding puti .

Excited na excited silang magkikita sila ng mga dating kaeskuwela nila sa mahabang panahon na di sila nagkikita lalong-lalo na si Andrew .

ANO NA KAYA ANG HITSURA ng mga kaeskuwela ko , malaki kaya ang mga pinagbago , si-s i Mo-monica kaya ay lalo pang gumanda, me-me asawa na kaya siya , naaalala pa kaya niya ako tulad ng pag-aalala ko sa kanya , mga nakatapos na kaya sila ng pag-aaral , mga engineers , mga doctors , mga abogado at arkitektong katulad ko at yun iba ay mga vocational course na lamang ang kinuha. O ang iba naman kaya ay maagang nakapag-asawa o ang iba ay mga dalaga’t binata pa na tulad ko .

AHH MAHAL KONG MONICA , sabik na sabik na akong makita ka , sa-sana ay wala ka pa ring asawa , sa-sana ay iniisip mo rin ako , sa-sana ay maisip mong naging magboyfriend tayo at sana ay di mo pa ako nalilimutan.
Ganondin pala ang iniisip ni Monica
Ano na kaya ang buhay ng mokong na iyon , me-me asawa na kaya siya , naalala rin kaya niya ako tulad ng pag-aala ko sa kanya. Lalo pa kaya siyang naging guwapo at lalo sigurong pinagkakaguluhan ng mga babae .
At bigla siyang naiyak
HU, HU, HU BAKIT BA NAPAKATAAS NAMAN NG PRIDE KO , BAKIT NAMAN AKO AGAD NAGPADALOS-DALOS NG PAGSASALITA AT PAGHUHUSGA , BAKIT BA DI KO MAN LANG PINAHALAGAHAN ANG KANYANG PALIWANAG NA BAKA NGA TOTOO ANG KANYANG SINASABI…
BAKIT BA NASABI KONG MAG BREAK NA KAMI .
Pero bigla na naman siyang nainis…
HUDAS KA ANDREW , bakit tinitikis mo ako , alam mo namang isa akong babae at nagpapakipot lamang hu, hu, hu talagang mahal na mahal kita.
Maya-maya ay naisip niya
BA-BAKA KAYA NAG-ASAWA NA SIYA , at kinabahan siya
At bigla namang nagbago ang kanyang isip .
HUU bakit ko ba naisip ang lokong iyon eh marami namang nararahuyo sa akin , kaya tabla na kami… eh kaya lang ay ayaw ko pang pumili sa kanila at di pa ako nagsasawa sa pagkadalaga .

DUMATING ANG TAKDANG ARAW NA IYON at oras na lang ang binibilang ay biglang kinabahan si Andrew .
AHH di nga pala ako nakabili ng isusuot kong black na slack na pantalon at long sleeve na puti. At kung bibili pa ako ay gagabihin na ako at baka matraffic pa ako bago makarating sa department store at kung makauwi ay gabing-gabi na .
Oh Diyos ko ano na ang isusuot ko , kung magsusuot naman ako ng maong na pantalon ay baka magmistulang tanga ako at maging center of attraction pa, nakakahiya naman.

Ahh at bigla niyang naalala yun ipinanggraduate niya nong high school .
Bu-buo pa naman siguro iyon at baka magkakasya pa sa akin at di naman ako tumaba at lumaki pa ng husto at ganito pa rin , siguro ay magkakasya pa rin iyon , at kung lumaki man ako ay bahagya na lang siguro at siguro ay magiging bitin lamang sa akin eh uso naman ngayon ang bitin , eh si Michael Jackson nga ay puro bitin ang isinusuot at ngayon nga ay uso na rin na nakasuot ka ng amerikana na rubber shoes ang suot ha, ha, ha at siya’y nagkalakas ng loob .

Sa-sana ay narooon pa iyon sa aparador namin at buo pa at walang nakahiram .
TUWANG-TUWA SIYA at kasyang-kasya pa at medyo bitin nga lang sa kanya ng bahagya pati ang long sleeve na puti pero ang problema ay AMOY UMOK NA ITO at PARANG TINAGULAMIN NA.

Alas sinco pa naman ng hapon at me oras pa para labhan at ida-dryer na lang at ng madali itong matutuyo dahil manipis naman ito at papapasadahan na lang sa pagplantsa .

Nang matapos malabhan , palibhasa ay wala ng sikat ng araw at kahit na naparaan sa dryer ay mamasa-masa pa rin ito at ang bulsa ay may kakapalan at sa tantiya niya ay di matutuyo.

UMUUSOK ANG PLANTSA sa paghagod nito at pawisang-pawisan ang kanyang nanay . Una nitong pinalantsa ang kabaligtaran para matuyo agad lalo na ang bulsa na may kakapalan nang BIGLANG MAG BROWN-OUT .

NAKU PO INAY PANO NA MATUTUYO YAN ang pag-aalala ni Andrew dahil malapit ng mag-alas siete na ng gabi sa tinakdang oras .

EH me kulang dalawang oras pa naman eh kahit naman late kang dumating ano naman ang masama don . Eh isasampay ko na lang na nakabaligtad at ng mahipan ng hangin at ng matuyo ang namamasa pang bulsa ika ng nanay niya .

Hanggang sa malapit na ang oras ay di pa nagkakakoryente at naka-gasera na lamang sila.
Naligo pang muli si Andrew at nang naghahanap siya ng isusuot niyang brief ay wala siyang makita.
INAY nasaan ba ang mga brief ko at wala akong makita ni isa man dito .
HA eh hindi mo ba alam na dinala mong lahat sa inuupahan mong apartment sa Maynila .
HA NAKU…pano to inay wala akong isusuot na brief eh aalis na ako .
EH IKAW NAMAN KASI, di man lang nagtira diyan at ng pag-uwi mo ay may maisuot ka…eh di magsuot ka na lang ng PANTY ng ate mo..marami diyan sari-sari pang kulay .
HA! INAY NAMAN…PANTY PAGSUSUOTIN NINYO AKO .
EH hindi naman nila makikita iyan ah , maghuhubo ka ba naman doon at ipapakita mo ang suot mo…eh tutal maluwag naman ang suot mong pantalon eh hindi na halata iyan at mas komportable sayo kahit mas mataba sayo ang ate mo .
LABAG MAN sa kalooban ni Andrew ay isinuot na rin niya at wala na siyang magagawa pa at gahol na talaga siya sa oras kung bibili pa siya sa palengke o sa department store .

ABA okey naman pala at komportableng isuot at di na mahahalatang PANTY ang suot ko he, he, he .

Naghahadali na rin niyang isinuot ang slack na pantalon na de-garter lamang ang ipina-sadya niyang ipatahi noon dahil ito ang uso nong kapanahunan nila at gusto talaga niya ang de garter para madaling isuot at di niya type ang magsuot ng sinturon na sinlalaki ng paa ng kabayo ang buckle na uso noon .

Sa pakiwari niya ay batang-bata pa siya sa suot niyang iyon ay tila nagbabalik ang kanyang ala-ala noong na sa high school pa siya at lalong pomogi pa siya .

Pagdating niya doon ay wala pa rin palang koryente at gumagamit na lang sila ng charge-chable na fluorescence lamp na mahina lamang ang voltage o watts at kahit papaano ay nagkakaanigan sila. Muling nagbabalik sa kanya ang kapanahunan nila nong high school pa sila at mga nagmimistulang mga teen-ager pa silang lahat dahil sa mga suot nilang tulad noong araw na pare-preho ng kulay at style At napansin niyang halos parang tila mga bago ang mga suot na mga damit at siya lamang ang luma . Hindi nga lamang niya gaanong maaninag dahil may kalabuan ang charge-chable na fluorescence lamp .

HALIKAN SA PISNGI SA ISAT-ISA , MALALAKE MAN AT MABABAE, pero di man lang niya nahagilap ng tingin si Monica dahil may kalabuan ang paligid ng auditorium na kanilang pinagdadausan ng program . Yon pala ay nasa isang sulok lamang si Monica na una ng dumating sa kanya at nakaupo lamang sa isang sulok ng mesa at may kakuwentuhan na ito at habang nakikipagkumustahan ito ay umiikot ang paningin nito at pinagmamasdan lamang siya . .

KUWENTUHAN , HARUTAN , TAWANAN AT MGA BIRUAN sa nakatakdang programang nagaganap ng oras na iyon nang biglang sumindi ang koryente at nagkita-kita sila.

YAHOOO ….ang katakot-takot na sigawan .
Lalong nagkagulo at lumakas ang hiyawan at ingayan ng magka-aninagan sila .
Nag-uumpisa na ang sayawan at ang lahat ng mga kaescuwela nila ay nagsisipagsayawan na pero si Andrew ay di man lang tumatayo at ayaw makisayaw. Ayaw din makisayaw ni Monica at ang dahilan niya ay maya-maya na lang daw na parang tila may hinihintay na gustong makasayaw ito .

Para tuloy nagi-guilty si Monica na iniisip niya , bakit kaya ayaw makipagsayaw ni Andrew.
At naalala niya…. baka daw siguro ay ayaw niyang makikita siyang may kausap at me kasayaw na ibang babae at siya ang hinihintay …. at naisip niya..

SIGURO AY MAHAL PA RIN SIYA NITO at nahihiya lang na isayaw siya nito .
Mahaba-haba na rin ang oras ng kanilang programa at halos maghahatinggabi na at ika ng pinaka-emcee ay sisimulan na nila ang kanilang ginawang sorpresa na pinaka-main event makatapos makakain .

SAMANTALA ng mga oras na iyon ay kabang-kaba , iritang-irita at di mapakali si Andrew dahil ng mabuhay na ang koryente ay may napansin siya sa kanyang sarili . Balak niyang bumalik sa kanyang sasakyan o magpunta man lang sa CR ay di niya magawa dahil nagsalita na ang pinaka-emcee ng programa na nasa gitna at wala na siyang dadaanang iba kundi sa gitna lamang dahil sadyang inayos ang mga lamesa at mga silya na pabilog at binigyan ng malaking space ang pinaka-gitna upang pagdausan ng pagsasayawan. Kung siya’y pupunta pa sa sasakyan niya o mag ccr ay doon din ang daan niya at makikita siya at magiging center of attraction pa siya at ang ginawa na lang niya ay naupo na lamang siya at maghihintay ng pagkakataon .

Nagpatuloy sa pagsasalita ang pinaka-emcee.
NAG-ENJOY BA KAYOOO……SA TINGIN KO AY PARANG NAGSISIBALIK SA INYO ANG NAKARAAN AT PAWANG MGA NAGSIBATA KAYO SA MGA SUOT NINYONG IYAN AH …

DI BAA KWELAA HA, HA, HA .
OO N A M A N N…..P A T I I S I P N A T I N N HA, HA, HA, HA, HA, HA, HA , ang sabay-sabay na sagot ng magkaka-eskuwela .

At sinabi ng emcee na ang pinaka-main event ng kanilang programa ay magpe-perform ng pagsayaw ang pinakamagaling sa pagsayaw noong araw na sila Andrew at Monica .

UMAATIKABONG PALAKPAKAN AT HIYAWAN ng banggitin na ang pangalan ng dalawa .

ILANG MINUTO NA ANG NAGDAAN ay ayaw pang tumayo si Andrew .
Kabisado na si Andrew ng kanyang mga kaeskuwela na may gagawin na naman itong sorpresang gimmick kaya ayaw tumayo.
Ano na naman kaya ang iniisip at gagawin ni MR. GIMMICK ha, ha, ha ika ng isa…

EH KAYA NGA SIYA TINAWAG NA MR GIMMICK , maraming gimmick, eh hintayin na lang natin ang sorpresang gagawin niya ha, ha, ha , sagot naman nong isa pa .

ILANG MINUTO PA ULI ANG NAKAKARAAN….nag-alala na si Monica , si Andrew na lamang ang hinihintay na tumayo para magsayaw na sila sa harapan eh bakit ayaw pa nito , nakakahiya naman ika niya .

Palibhasa ay talagang mahal niya si Andrew ay di na siya nahiya at di na nakapaghintay at di na nakapagpigil na kahit alangang siya pa ang unang bumati at sumuko at mag-abot ng kamay at magyayayang makipagsayaw ke Andrew ay napilitan na rin siyang alisin ang kanyang palabra de onor .

Lumapit siya at nangmistulang siya pa ang lalake .
MAY I DANCE WITH YOU , ang medyo ngumiti at pagbibiro nito , PEACE NA TAYO tara na nakakahiya sa kanila ang bulong pa nito .

H A ! na parang nagulat pa siya at parang nagising sa mahabang pagkakatulog si Andrew at namanghang nasa harapan niya ang isang tila prinsesang nag-aanyaya na isayaw siya samantalang siya ang lalake.
Pero ang sagot niya ay

A-AYOKONG MAKIPAGSAYAW SAYO
H A !
Parang napahiya si Monica …. at para di tuluyang mapahiya ay di na siya nagpakipot pa
O SIGE , OO NA …OO NA , BINABAWI KO NA ANG SINABI KONG BREAK NA TAYO , MAHAL NA ULIT KITA , tayo na hinihintay na tayo , hihiyain ba natin sila MA-MAHAL KO , espesyal daw ito sa para sa atin at dalawa lang tayong magsasayaw sa gitna , ang nagtapang-tapangang si Monica .

HI-HINDI NGA PWEDE , A-AYOKO TALAGANG MAKIPAGSAYAW SAYO .

Lalong nag-alala si Monica , inakala niyang galit pa ito sa kanya at ginagantihan siya at hinihiya siya dahil pinagtitinginan na sila .

EH BAKIT NGA …. ANG KULIT MO NAMAN , EH BINABAWI KO NA NAMAN ANG SABI KONG BREAK NA TAYO , MAHAL NA ULIT KITA , ISINUSUKO KO NA ANG PALABRA DE ONOR KO…. BINGI KA BA , ang tila naiinis na talaga siya .

Ah eh eh ka-kasi , BA-BALIGTAD PALA ANG SUOT KONG PANTALON.
H A !

At natawa si Monica , palibhasa ay matalino at sa isang iglap ay nakaisip agad ng paraan para makombinsi at pumayag na si Andrew .

EH SIGE , parang coincidence at naging blessing pa sayo ito at marahil ay iisiping sadyang nagsuot ka ng baligtad at ito ang gimmick mo at alam naman ng ating mga ka-classmate na may naiisip ka na namang bagong gimmick at iisiping iyan nga ang GIMMICK MO .

Natawa na rin si Andrew at nawala na ang kanyang hiya at naisip niyang talagang matalino si Monica at ang hindi niya naiisip ay naisip agad nito samantalang noong araw ay marunong at agad-agad siyang nakakapag-isip ng mga gimmick.
At nang nagsasayaw na sila ay biglang nagtawanan ang mga ka-classmate nila sa pagsasayaw nila ng BOOGIE at pinaiikot-ikot pa niya ang kanyang puwet at nakikitang baligtad nga ang suot niyang pantalon at sa di inaasahan ay biglang nawarak ang pundya nito dahil na rin siguro sa kalumaan at nakita tuloy ang kapiraso ng brief niyang puti na tila kupas na ..

HOOY ANDREW …. HINDI KA NAKAPAGPALIT NG BRIEF MO …. KUPAS NA KUPAS NA YAN HA, HA, HA, HA, HA, HA, HA, HA .

At biglang meron pang sumunod na sumigaw,
HOOY ANDREW TALAGANG WARAK ANG PANTALON MO AT DI MO NAPAPANSIN , EH BAKA MAY LUMIPAD DYAN at abot-abot ang tawanan na halos sumakit ang tiyan.

Pero parang di nadidinig ni Andrew ang sigaw at lalo pa nitong pinag-iige ang pagsayaw at lalong lumaki ang gawak ng pantalon at sanhi na lalong naghagikgikan ang kanyang mga kaeskuwela dahil kita ng lahat ang likod ng kanyang brief na tila kupas na .
At patuloy ang kanilang pagsasayaw at lalo pang pinag-iige ni Andrew ang maharot at magaslaw na sayaw at hindi talagang napapansin na nawarak ang pundya ng pantalon na marahil kung mapansin ay di na niya iinuhin at matutuwa pa nga at napapabor at napaganda ang hindi inaasahang ganitong gimmick na nagawa niya .
Pero habang nagtatagal ay lumalaki ang gawak ng pantalon at napansin at naaninag ng mga ka-classmate niyang PANTY pala ang suot niya sa halip na brief .

HOOY ANDREW..LANGHIYA KA , EH PANTY PALA NG NANAY MO ANG SUOT MO AH ha, ha, ha .

HA ! NAKUP DIYOS KO at naalala niyang panty nga pala ang suot niya .
Pero saglit lang iyon at nawala agad ang kanyang pagkakapahiya at umandar na muli ang kanyang kalokohan at naisip niyang ito na nga ang kanyang naisip na gimmick para mapatawa niya ng husto ang kanyang mga ka-classmates .
HESUS MARIA HOSEPH at napaantanda at napapikit na lamang ang matanda na nilang naging teacher sa GOOD MANNER ANG RIGHT CONDUCT subject .

ABA CLICK AH , maganda ang naisip na gimmick ng lokong si Andrew ha, ha, ha, ha, ha
ITO NA ANG PINAKA-MASAYANG RE-UNION NA HINDI NATIN MALILIMUTAN , at di pa matapos- tapos ang tawanan .
At nang makatapos sila sa mahaharot na sayaw sa tugtuging isinayaw nila ay pinatay na ang lahat ng ilaw at DIM LIGHT na lang ang itinira at isinunod naman nila ang malambing at sweet na sayaw sa tugtuging me damdaming pag-ibig na pinasikat noong araw na sinabayan na rin ng pagsayaw ng kanilang mga kaeskuwela .

Tila kapit-tukong ayaw ng maghiwalay ang dalawa . Damang-dama nila ngayon kapwa ang tila nakakapasong init ng kanilang mga katawang magkadikit at pawang nakapikit at dinadama ang walang kahulilip na kaligayahang nalalasap nila na minsan na nilang nadama noong naging magboyfriend pa sila at ng lumaon ay nasumpungan na lamang nilang nagkakalapat na ang kanilang mga uhaw na labing ngayon lamang nila muling naulit at nalasap noong naging magboyfriend pa sila .
Nabigla pa sila na tapos na pala ang malambing na tugtugin ay magkayakap pa sila at binuhay na pala ang mga ilaw at pinagtitinginan sila at pinapalakpakan .
At nagsalita ang pinaka-emcee ,

MGA KASAMA ANG SUSUNOD NA OKASYON NA ATING DADALUHAN AY ANG ENGRANDENG KASALAN NINA MONICA AT ANDREW AT LAHAT TAYO AY MAGIGING ABAY .

YAHOO , TULOY NA ANG KASALAN ang malakas na sigawan ha, ha, ha, ha, ha, ha, ha, ha, ha .

H A ! at kapwa pa sila nagulat
At nang matapos na ang kanilang programa .
O ANO iuuwi na kita , ang bulong ni Andrew.
H A ! a-anong iuuwi , ang tila nabigla namang si Monica .
Eh di…. ITATANAN NA KITA
H A ! ITATANAN….ABA AYOKO ma-matanda na ako at isang konserbatibo at a-ayaw ng mga magulang ko ng TANAN….MA-MAMANHIKAN KA MUNA , sagot naman ni Monica na tila aayaw pa .
AHH AYOKO matagal pa iyon , baka maunahan pa ako ng iba ika naman ni Andrew.
At inulit pa .
O ANO IUUWI NA KITA TALAGA , SAGOT AGAD
Pero di pa rin makasagot si Monica at waring nag-iisip pang talaga.
O SIGE KUNG AYAW MO…OKEY LANG…kangina ay nagkita at nagkausap kami ni Olga na matagal ng may gusto sa akin at dalaga pa rin pala at nakita kong lalo pang naging seksi na dati’y iniisnob ko lang at ayaw kong patulan dahil tayo’y magboyfriend na noon .
HAA HINTAAYY O OO OO NA , SI-SIGE SASAMA NA AKO….. TANAN NA KUNG TANAN .
……..Wakas……

10 Comments

  1. Wow…nkakatuwa naman ang story n toh…nkakawala ng pgod basahin..and it’s a good thing to know na parang my magic tlg ang love..sulit..i can’t wait to read the continuation of this story….exciting…..!!!!!

  2. True love is worth the wait…and if you are really meant to be God will make a way….I love this story so much..so kilig:-)

  3. nakaktuwa po yung story kasi nangyayari tlga sya sa totoong buhay!Sana po ay gumawa pa kayo ng mga storya na ganito na makakatulong sa mga kabataan upang mamulat sila sa kung ano ba talaga ang tunay n kahulugan ng tiwala at pag-ibig!gOD BLESS PO AT MORE POWER

Leave a Reply

Your email address will not be published.