Nostalgia: Ang pagtatanim ng halaman sa mga paaralan

Larawan mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Isa sa mga gawaing pantahanan na itinuturo sa mga paaralan ang pagtatanim ng mga halaman. Kasabay kasi ng modernisasyon ay ang walang habas na pagputol sa mga punongkahoy.

Kaya naman, ibinahagi ng isang netizen na si “Ssenh Pascua” sa Facebook page na “Memories of Old Manila” ang nostalgic na larawan ng mga mag–aaral na nagtatanim o “gardening” bilang isang aralin sa mga paaralan.

“Gardening… Elementary days ko ito naranasan… Tanim namin ang walang kamatayang petsay. Naranasan niyo ba ito? Anong madalas ninyong itinatanim?”

Larawan mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Ikinatuwa naman ito ng mga netizens na nagbahagi ng kanilang karanasan hinggil dito.

“Oo, sa amin talong naman noong elementary tapos nang mag first year high school ako sa Golden Valley Academy, may gardening pa rin at petsay at mustasa naman hahahaha.”

“Yes. Nagdadamo at nagpa–plot ng taniman ng petsay, talong at mustasa. Pagandahan pa kami ng plot noon.”

“Yes na yes naman. Ang ganda ng na–produce naming garden at hitik sa gulay. Petsay, mustasa, ampalaya, talbos ng kamote, alugbati, bataw, okra, patola, upo at kangkong. Kapag namunga na, pinagpala ang mga janitor.

“Petsay, okra, talong, kamatis, kalabasa. Tuwing umaga after ng flag ceremony, kailangang linisin ang garden, bubunutin mga damong maliliit sa paligid ng plot.”

“Balik sana ‘yan para hindi puro gadgets hawak ng mga bata. Matutuwa sila diyan habang nagtatanim. Kami noon masaya kapag nakikita naming buhay na ang mga itinanim namin.”

Sa elementarya, itinuturo ito sa asignaturang “Edukasyong Pantahanan” o Home Economics sa Ingles. Pagdating sa hayskul, and tawag na rito ay Technology and Livelihood Education o TLE. 

Larawan mula sa Google Image Public Domain

Iminumungkahi ng ilang mga netizen na muling ituro
ng mga guro sa mga mag–aaral ang wasto at iba’t ibang paraan ng pagtatanim upang makatulong sa lumalalang problema sa kapaligiran.

Bukod dito, ang mga sariwang bunga nito ay maaaring maibenta o maiuwi sa kani–kanilang bahay upang lutuin at maiulam. Doble ang pakinabang!

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.