Nora Aunor: Walang Kupas sa Acting

nora“WALANG HIMALA!

Ang sigaw ni NORA AUNOR sa sikat niyang pelikula na HIMALA.

Nora Aunor, tunay kang alamat at maituturing na biyaya ng industriya ng pelikulang Pilipino.  Sa panahon ngayon, marami na ang nagsusulputan, naggagandahang mga artista na nangangarap na sumikat at makilala.

Pero wala sila sa kalingkingan ni Nora Aunor.  Dahil ang iba, biglaang sikat subalit basta na lamang mawawala.  Para bang kabute na bigla na lang susulpot pagkaraan ng ilang buwan o taon ay mawawala na sa sirkulasyon.  Hind ikatulad ni Nora na magpahanggang ngayon,  patuloy pa ring kumikinang sa larangan ng pag-arte.

Walang kupas at hindi pa nalalaos dahil nakasisilaw pa rin ang kinang n’ya.  Maliit pa ako noong napanood ko ang pelikula niyang Himala.  Iang beses ko na rin itong napanood dahil makailang beses na rin itong ipinalabas sa telebisyon.

Halos ilang taon na ang lumipas, subalit magaling pa rin itong umarte sa harap ng kamera. Natural at hindi pilit, katulad ng iilan nating artista sa ngayon masyado silang hirap sa pag arte.  Tipong halos pigain na nila ang utak nila subali’t wala par ing mapipiga.  Hindi mo pa rin mararamdaman ang emosyon. Walang dating, trying hard at kulang sa emosyon na parang, “Matamis na sinigang at maanghang na leche flan.”

Ganun ang tingin ko sa pag-arte ng mga baguhang artista ngayon. Masyadong pilit at dinadaan na lamang sa bihis at porma.  Aba’y kung itsura lang naman pala ang kayang ibalandra, sana nag-model na lang sila sa film ng camera. Malas lang nila at nauso na ang digital camera. Hindi naman nilalait ko ang acting nila.  Nais ko lang ikumpara ang acting nila kay NORA AUNOR.

Bilang televiewer, naniniwala ako na may kakayahan akong manghusga at magkumpara dahil ako ay may mata.Ibang iba talaga si Nora Aunor kapag aking ikukumpara sa baguhang artista na kung umiyak ay para bang naipit na daga at naapakang pusa.

Hindi katulad ni Nora sa kanyang mga pelikula katulad na lamang ng “Naglalayag, Sidhi, Himala, Flor Comtemplacion at iba pa.  Kaya ang masasabi ko lang sa mga baguhang artista, bakit hindi n’yo subukan panoorin ang pelikula niya.  Maniwala kayo; marami kayong matututunan.

Isabay n’yo na rin ang pag vocalization tuwing umaga baka sakaling gumaganda ang boses ninyo katulad niya.  Kung hindi n’yo kayang kantahin ang…

People who needs people, are the luckiest people in the world…” Kahit pearly shells man lang sana (hehehehe) Minsan naisip ko ang mga producer ngayon at iba’t ibang tv station ay nagsasayang lang ng pera sa mga artista nilang lousy acting naman.Walang dating,  nagmumukha lang praning na pakaway-kaway at sinasabayan ng plastic na ngiti.  Funny ngiti, mukha namang nandidiri.

Ayusin n’yo naman ang acting ninyo para naman hindi ako mawalan ng ganang panoorin kayo, upang sa ganun hindi ko maisip na nagsasayang lang ako ng kuryente.

Gayahin n’yo si NORA AUNOR.  Kung hindi n’yo kayang maging Superstar, anong star kaya ang bagay na itawag sa inyo? Magic Star? Magic Star, na idinadaan na lang sa Magic?  Ang lahat kung kumanta, lip sync? Pag sumayaw, galawgaw? Idinadaan sa pagpapa-cute at pagyakap-yakap sa ka Love theme at umaarteng mag-jowa, pero hindi naman.Hay naku, huwag n’yo na akong pinagloloko dahil kumita na yan.

Tingnan n’yo si NORA AUNOR.  Walang himala, pero ang laking himala na magpahanggang ngayon,  tuloy pa rin ang pag-aarangkada niya.

Nora Aunor, the Superstar.  Nag-iisa ka.

Tunay kang alamat at wala kang katulad!

http://tl.wikipedia.org/wiki/Nora_Aunor

About mjsweetiecarreon

My writings are filled with angst. Deep emotions and a wild imagination are a source of creativity. It is powerful and consuming. I like to entertain people through my stories. Life is one colorful rollercoaster ride . http://www.facebook.com/maryjoy.carreon.9