Noong Nahulog ako!

Image credit: Favim

Tama nga ba talaga?

Tama nga bang tumingin ako sa iyong mga mata?

Tama nga bang naniwala ako kahit wala naman talaga?

Akala ko kasi, may nararamdaman ka.

Akala ko nga kasi, parehas ang ating nadarama.

 

Umasa lang naman ako, hindi ba?

Umasa lang naman ako kasi iyon ang aking nakikita.

 

Bakit ba kasi nagtext ka pa?

At sinabi ang mga katagang “Hi” na madalas naman sabihin ng iba.

Dahil sa isang mensahe doon na nagsimula.

Itong nararamdaman, na una pa man, dapat ay pinigilan na.

 

Sana noong una pa lang, nakita ko na ang lahat ay hindi totoo.

Ang pagtawag mo sa akin sa telepono!

Ang pagtetext sa akin kung kamusta na ako!

Ang pagsabay sa akin pauwi!

Ang pagsasabi sa ‘kin ng “Ingat”

Ang pagtetext sa ‘kin ng “Goodnight”

Ang pagpapaalala sa akin ng “Kain na”

Ang pagtatanong ng “Nakauwi ka na ba?”

 

Bakit ba kasi hindi ko nakita?

Na ang lahat ng ginawa mo ay hindi totoo.

Na ang lahat ng mga sinabi mo ay pawang nakasanayan mo nang gawin sa ibang tao.

 

Bakit ba kasi nahulog ako?

Sa ‘yo na wala naman balak sumalo?

Ngayon tuloy nasaktan ako.

At nasasaktan ako. Hindi pa nawawala ang sakit ng pagkabagsak ko.

Akala ko kasi naghihintay ka para saluhin ako.

Ngunit mali pala ako, nakatingin ka sa iba noong oras na nahuhulog na ako.

Hindi mo nga napansin na nahuhulog na pala ako.

At noong bumagsak na ako.

Tumakbo ka!

Tumakbo ka palayo!

Hindi mo napansin na nasaktan pala ako sa pagkabagsak ko.

Hindi mo napansin kasi iba ang tinitingnan mo!

 

Tumakbo ka na nga, unti-unti nang nawawala

Hindi na kita makita.

Nagsawa ka na nga.

Panandalian lang talaga ang iyong mga ginawa.

 

Matapos kong mahulog bakit bigla na lang nawala.

Hindi na kagaya ng dati.

Hindi na tumatawag sa telepono.

Wala na ang pagtatanong kung kamusta na nga ba ako.

Mag-isa na lang ulit sa pag-uwi.

Hindi na naririnig ang “Ingat”.

Wala na ang mga mensaheng  “Goodnight”.

Wala na ang pagpapaalala ng “Kain na”.

Wala nang nagtatanong ng “Nakauwi ka na ba?”

 

Nawala na ang lahat.

Lahat ng inaakala kong magtatagal.

Natapos na, sapagkat tumakbo ka na at unti-unti na ngang naglalaho.

black-black-and-white-cute-fashion-flowers-favim-com-111327

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.