No to “bone buying”: Witty campaign posters ng mga doggos, kinaaliwan sa socmed

Imahe mula sa Philippine Pawlitics?

Nalalapit na ang pagtatapos ng bilangan para sa 2019 Philippine eleksiyon. Halos lahat ay nakatutok at inaabangan ang mga pangalang kabilang sa listahan ng mga nanalo sa kani-kaniyang distrito at maging sa senado.

Sa kabila ng mga aberya sa pagboto ay marami ang nagtiyaga at naghintay masiguro lamang na bilang ang kanilang boto. Andiyan din ang mahabang pila at mainit na panahon na dumagdag sa iniinda ng mga botante.

Sa gitna ng mga kaganapang ito ay agaw-pansin sa social media ang mga ibinahaging larawan ng Facebook page na “Philippine Pawlitics.”

Kinaaliwan ang kanilang post na naglalaman ng witty campaign posters na may iba’t ibang mukha ng mga aso at nakatutuwang bansag na tumatak sa mga tao.

I-click ang imahe para makita ang post

Ang grupo ng “pawliticians” na ito ay binubuo ng 13 na aso.

Sila ay sina Aw Aw Lejano na kilala bilang “Doggo ng Pilipino,” Bark Aquino na kilala bilang “Bark sa Senado,” at JV Ejercipaw na kilala bilang “The GoodBoi.”

Hindi rin nagpahuli sina St Bernardo ang Gara na nagsasabing “Ang Gara ng Ulam,” General Buto na nagsasabing “Galit ako sa Bato Gusto ko Buto,” Pom Go na nagsasabing “Go Pom Go,” Neri Corginales na nagsasabing “Call me,” Juan Pawnce Enrile na nagsasabing “Gusto Ko Happy Tayo,” at Larry Gadog na nagsasabing “Mga Doggo.”

Kabilang rin dito sina Chow Diokno na may katagang “Tahol ng Katarungan… Aw Aw,”  Grace Paw na may katagang “Give Me Your Paw,” Nancy Be Nice na may bansag na “Ka Kulay mo, Ka Doggo Mo,” at Bone Revilla na may katagang “Andito na si..”

Imahe mula sa Philippine Pawlitics?

Hindi napigilan ng ilang netizens na mag-comment dahil sa kakaibang saya na dulot ng poster.

“Hahaha! Ang brilliant po ng gumawa nito. Great job! Iba ang ‘pawlitika’ dito. Nakaka-arf arf! Hahaha! Cutie,” sabi ng isang Facebook user na si NM.

“Dito na lang ako boboto. Hahaha,” sabi ni ANC.

“OMG! I love to vote them all! Nakakatuwa sila,” ayon kay BCLM sa Facebook.

“Naku kung real-life pawliticians mga ito mag-eeffort talaga ako bumoto,” sabi naman ni PH.

Imahe mula sa Philippine Pawlitics?

May ilan ring nagkomento tungkol sa di-tamang pag-uugnay sa mga aso sa politika.

Sa pagsasara ng eleksiyon ay nagpahiwatig ng isang mithiin ang mga doggo pawliticians na ito.

“No to bone buying!” ang muli nilang paalala sa madla.

Dahil din sa posters, nagpahayag ang mga netizens ng kanilang pagnanais na “maka-buto.”

Kayo, sino “ibu-buto” niyo?

Source :

Facebook