New Year’s Resolution: Ang Bersyon Ko

(Photo Credit: www.postconsumers.com)
(Photo Credit:  www.postconsumers.com)
(Photo Credit: www.postconsumers.com)

2015 na pala. New year na naman. Bilis ng araw ‘no? Parang kailan lang, kakagawa ko lang ng New Year’s Resolution dahil kailangan ipasa sa English class namin sa school. At heto na naman, gagawa na naman ako.

Sila rin. Kami. Tayo.

Bakit nga ba nauso pa ‘yan? Pero wag ka, paborito ko ang mga pagkakataong ganito. Kumikita kasi ako sa pagsusulat ng new year’s resolution ng ibang tao eh. Hehe. Ang weird ‘no? Kasi naman, may mga kaklase ako na tamad magsulat o ‘di kaya naman ay mahina sa English. At bilang malakas naman ang loob ko (ahem!), nag-o-offer ako ng serbisyo ko.

Kabisado ko na ang mga usual na linya ko sa mga sinusulat kong new year’s resolutions. Paiba-iba siyempre para sa bawat kliyente para hindi mapaghalatang isa lang ang gumawa. Alam kong may magandang kalidad naman yung mga sinusulat ko para sa mga kliyente ko, pero iba siyempre yung para sa sarili ko. Ako ang sumulat eh. Ako ang nakakaintindi ano ang dapat gawin, baguhin at pag-ibayuhin. Mula yun sa puso, unlike yung mga new year’s resolutions na gawa ko for commercial purposes na isip lang ang gamit ko: tamang grammar, check; tamang gamit ng salita, check; good sentence arrangement, check. Bahala na si teacher sa grade na ibibigay. Hehe.

Anyways, kung gagawa ka ng new year’s resolution para sa sarili mo, sana naman hindi ito manatili sa papel lamang. Aksyunan mo. At paano nga ba gumawa ng isang epektibong new year’s resolution? Below are my tips:

• Get a pen and a personal notebook. Isipin ang nakalipas na taon at isulat ang tatlong W: What Went Wrong. Ilista mo ang mga pangit na nangyari sa nagdaang taon that were beyond your control. Wag mo na alalahanin yung nga bagyo at lindol na nakalipas kasi wala ka na magagawa dun except ang pag’comply mo sa iyong basic obligation na tumulong ingatan ang environment para kahit paano ay maibsan itong mga natural calamities. Malamang naman nauna mo nang isipin ang mga magagandang nangyari sa nakalipas na taon at alam ko naipagpasalamat mo na yun nung nagdaang Pasko.

• Next, gawan mo ng summary ang mga gusto mo mangyari sa bagong taon na pumasok. Take into account what you want to achieve on the aspects of health, finances, family, work and personal well-being. Para hindi na maulit yung mga nagdaang pangyayari na hindi maganda sa buhay mo, gumawa ka ng pangako sa iyong sarili na magbabago ka at gagawa ka ng mga hakbang para hindi na maulit yun.

• Refer to a calendar for the year para ma-i-plot mo ang timeline para sa mga gagawin mong pagtupad sa iyong mga pangako. Kasi siyempre hindi naman pwede na puro ka lang set ng goals pero wala kang timeline kung kelan ang execution at ang pag-evaluate sa iyong expected outputs. Kung wala kang timeline, baka magising ka na naman next year na ganun ulit ang gusto mong baguhin. Pag ganun, wag ka nalang mag-aksaya ng oras. Sayang ang effort.

• Idetalye mo ang iyong action plans and the steps on how will you stay motivated para ma-accomplish mo ang iyong mga promises to yourself. Simulan na ang pagkilos.

Ang pagsisimula ng isang bagong taon ay isang magandang panahon para mag-isip ka ng pagbabago. Simulan mo sa iyong sarili and the rest will follow. Nagsusulat ka man ng new year’s resolution mo o hindi, alam kong alam mo na hatid ng bagong taon ang isang bagong pag-asa.
***********************************************************

About happy bear

60% extrovert. 🙂