New Relationship Status: It’s “CONSTIPATED!”

Status (Photo Credit: Homorazzi)
Status (Photo Credit: Homorazzi)
Status    (Photo Credit:    Homorazzi)
Status (Photo Credit: Homorazzi)

I was reading my news feed this morning then something caught my attention, it says “New Relationship Status: It’s Constipated!” At first I thought t it was a mockery of “It’s Complicated” however it was explained as –

Isang bagong tawag sa isang relasyong HIRAP ILABAS ang nararamdaman sa isat’isa.

Kung sino mang pilosopong Tasyo unang nagsabi nun, isa kang henyo.haha. That was smart funny; it does make sense, of course if you’ll take it figuratively or metaphorically and not the “unable to shit”  itself.

Kadalasang nangyayari ito sa mga magkaibigan na nahulog ang loob sa isat’isa dahil sa kaka kain nila ng siomai together, yun nga lang hindi nila kayang AMININ o nahihirapan silang ILABAS ang kanilang nararamdaman because they don’t want to jeopardize their friendship, takot silang mawala kung ano ang meron sila.

O kaya naman saksakan ng TORPE si Lalake, takot siya sa rejection o di kaya’y hindi lang talaga niya alam kung pano iparating sa kanyang prinsesa ang kanyang matinding pag nanasa, este damdamin.

Ikaw naman babae,  alam mong patay na patay din sa iyo si lalaki dahil nung sinabi mong cute siya sa bago niyang t-shirt, my goodness, araw –araw na niyang sinusuot, o di kaya’y sa tuwing binabangit mo ang crush mo sumasagot siya ng “crush mo yun??taena mas gwapo naman ako dun”. Ngayon sumagi narin sa iyong isipan na ikaw nalang kaya unang mag tapat,ngunit nangibabaw ang iyong SUPER EGO, na nag sasabing “babae ka, hindi dapat ikaw ang gumawa ng first move” teka nga wala naman masama kung magpapakatotoo ka diba? Others might think na kapag ginawa mo to parang ikaw narin nanligaw, parang ang palay na ang lumapit sa manok. Eh pa petiks petiks yung manok, eh di ikaw na magpa tuka.haha. There is nothing wrong kung umamin ka man ng pag tingin,wala ka naman inaagaw,wala ka naman sinasaktan, for me it’s not morally degrading.

Just like the medical condition na constipation, this kind of feeling really sucks, gusto mo siyang yakapin,halikan,alagaan habang buhay ngunit hindi mo magawa, dahil nga nag hihintayan kayo. Nasasaktan ka kapag may kasama siyang iba, hindi din naman daw niya boyfriend/girlfriend yun dahil nga ikaw ang gusto niya. Isang taon na kayong constipated,isang taon na kayong nag papakiramdaman,you are waiting for the right time to take the first step, but it’s already taking you a colossal time, sometimes, all you have to do is jump.

author:  tepay

p.e./mj