New Modus Operandi? I’m Not Sure, Pero POSSIBLE.. So BEWARE!

(Photo Credit: Usacoverbands)
(Photo Credit: Usacoverbands)

Hi mga ka-DF!

I just want to share my experience yesterday. This happened at SM Mall of Asia GROCERY. At around quarter to 10pm. August 29, 2012. Though I’m not 100% sure if this is another way ng mga GANGs to victimize people esp.  those people na hindi aware sa mga iba’t-ibang modus operandi na naglipana.

Fortunately, God is always beside me. He always save me from whatever possible crime or accidents.

Thank you God.

This happened at SM Mall of Asia GROCERY. At around quarter to 10pm. August 29, 2012.

Yesterday, galing ako from Alabang Town Center to buy gift for my sister. After I bought her (my sister) a gift,  I went to SM Mall of Asia at around 9 pm, kasi she(my sister) was there and her bestfriend sa Vikings dun sila nagcelebrate ng birthday nya kasi free dun ang buffet mo pag birthday mo. I went there para after nun sabay sabay na kami uuwi.

After nila kumain, umalis na agad kami sa vikings kasi nagmamadali na din kami makauwi at kailangan din namin mahabol ang grocery ng MOA dahil may kailangan din bilhin ang sister ko for her school work. Masaya lang kami nagkwekwentuhan papunta sa grocery. Pagdating namin sa mismong grocery ng MOA dali-dali agad kami pumasok kaya we didn’t notice na nasa may labas ng grocery store ang package counter.

Nakatayo kami between the counter and carts. Nag-uusap kami at hinahanap ang package counter. I saw an SM grocery crew so I asked him quickly where is the package counter, and he replied naman agad at tinuro pa na nasa labas nga daw. So I said Ok, thank you. Then when we are about to go sa package counter, nakakagulat na may bigla na lang lumapit sa amin na TWO LADIES without knowing where did they came from, nasa late 30’s ang age and mga 5’8 ang taas. Mukha sila mga instik. So at first, I though they were going to ask something like asan  ang ganito or ganyan. Nagulat kami ng sister ko at best friend niya kasi ganito approach sa ‘min.

TWO LADIES: “Hi! Miss Excuse lang, PUWEDE BA NAMIN TIGNAN LAMAN NG BAGS N’YO?”

3 of US: HO? eh kararating nga lang namin, at bakit n’yo  kailangan tignan? (habang nagkatinginan kaming tatlo) (napatingin ako sa paligid at I just noticed na nakatingin na sa amin ang two guards at ibang empleyado ng mall.)

Sinisenyasan ko ang dalawa kong kasama na huwag magbubukas ng bag.

Nakapagtataka lang bakit hindi sila muna agad sa guard lumapit. Medyo napatingin pa ako sa mata nung dalawang babae.  Kaya siguro hindi ko agad nasabi na sa guard ho tayo banda.

TWO LADIES; they quickly replied na, SAGLIT nga lang, may hinahanap kasi kami na bag na nawawala. (Medyo nagtaray na ang isang babae, while the other lady bigla naglakad papalayo at hindi ko na din napansin kung saan nagpunta dahil sinisigurado ko na ang dalawa kong kasama ay katabi ko at hindi nila basta bubuksan ang bag nila.

3 of US: Nagkatinginan pa kami nang matagal. then tinarayan ko na din ang lady at sinabihan ko na eh kakarating nga lang namin at, sinabi ng dalawa ko kasama : EH PURO SCHOOL THINGS LANG HO ANG LAMAN  NG BAG NAMIN. (nakaback pack silang dalawa at ako nkasidebag lang)

Parang saglit kami nawala sa sarili at binuksan ang bag, pero hindi pa din namin hinayaan na mahawakan nila ang bag namin.

During that time kasi nasa isip ko baka magkaiskandalo at mapagkamalan pa kaming magnanakaw kaya pinakita namin laman ng bag nmin.

3 of US:  oh eto oh.

LADY: Hindi yun kasya diyan, Red Bag yun at malaki, maliit yang bag mo kaya hindi yun kasya dyan.

ME: Napaisip ako at sinabi ko sa sarili na HA? eh bakit mo pa pinagpilitan tignan bag namin eh alam mo pala hindi kasya sa bag ko?

Buti na lang, hindi RED bag ang binili ko sa Jansport sa ATC, kasi kung nagkataon, NAKU! Baka palabasin pa nila na yun ang hinahanap nila.

KAYA pala iba ang kutob ko sa RED bag kahapon kung yun ang bibilhin ko. thank you god talaga..

LADY: sinilip ang dalawang bag.

Nung wala silang nakita, bigla na din sila umalis.

LOOKS can be deceiving, during this time, kahit sino pwede maging biktima. Mabuti na lamang at hindi kami naging biktima. At dahil aware pa din kami sa iba’t ibang modus operandi.

LESSONS on this.

1 NEVER/ AVOID looking into their eyes esp. pag hindi niyo sila kilala.

2. Matanda man o bata, Maayos man ang pananamit at mas lalo kung hindi. WAG agad ientertain. They can easily catch up your attention once you look into their eyes. LIKE what had happened to us, medyo napatingin kasi kami agad sa mata nila.

3. NEVER magpapadala sa AWA.

4. WAG maging biktima. MAGSIGURO. BEWARE.

5. Magsearch sa internet about sa iba’t ibang modus operandi so you can have an idea sa mga STYLES nila.

6.If possible, stay away from them. Go to Safe places.  like near or beside guards, police stations, or any other safe and secured places.

7. Be ready with your camera & video cam just incase, pasimple mo kuhanan ng picture ang mukha ng kaduda dudang tao.

If anyone who has an experience like us, please do not hesitate to post it or to report it sa mga pulis or here.

STAY SAFE. BEWARE.

FEEL FREE to leave comments.

2 Comments

  1. Unfortunately because of such attempts ng mga criminals like these.. people become soooo avoiding of “suspicious” people… like this one.. giving advise na like totally avoid even well dressed people.. What if ordinary tao lang pumunta sa MOA… and an elder pa.. who may need assistance… kung matutumba.. would you care to help??? Ako. kayumanngi..ordinary lang… and when I enter medyo soyal places like restos, and even shops… when I come in and ther are sosyal as in MAPUTI,MAKINIS,MATANGKAD, ENGLISH-SPEAKING, with ALL ORIGINAL ENSEMBLE IN THEM…boy do they look down on me.. walk away like I am a criminal already… Is it because I look ordinary? I’d ask a sales lady for assistance on a product, these Sosyal people stare like am sort of a taga boondok native.. yeah.. that’s probably the right term they thought of people like me.. mga natives… Kaya… all because of modus operandi by criminals so people become sooooooo pathetic albeit paranoid of all native colored people and give no benefit of the doubt that not all native like me are criminals… kainis!

Leave a Reply

Your email address will not be published.