Nasaan ang Hustisya? “Kidapawan City massacre”

Credit to the owner of the photo

KIDAPAWAN3

Pagkagising ko ng umaga, bumungad na lang sa akin ang balita sa newsfeed ng Facebook ko — ang pangyayari tungkol sa rally massacre. Bago pa man tayo mapunta sa topic natin tungkol sa di magandang pangyayari sa Mindanao. Alamin muna natin kung saan bang bahagi ng mindanao ang Kidapawan city.

Kidapawan, officially the City of Kidapawan or often referred to as simply Kidapawan City, is the capital city of Cotabato Province. Wikipedia

Total population: 125,447.

Ang Kidapawan city ang kabisera ng Probinsya ng Cotabatokidapawan

Balik tayo sa topic natin. Sobrang nakakalungkot ang pangyayari kung saan napakabrutal ng pangyayari. Di mo akalain ng dahil lang sa isang Protesta ng mga pobreng magsasaka may mga  nasawing  buhay.
Mga kapulisan sa Kidapawan, ano po ba ang protocol bilang police kung mayroong rally? May karanasan po ba kayo kung paano ihandle ang mga ganoong sitwasyon? Bakit nangyare  ang madugong rally at bakit kelangan may buhay na kelangan malagas? Yan ang sumagi sa isipan ko ngayon? May kakayahan ba ang mga kapulisan sa Probinsya na maghandle ng mga malaki at biglaang mga protesta.
Di ko po lubos na maiisip na dahil sa paghingi ng tulong, para lang makakuha ng Bigas dahil gutom ang pamilya nila,ginawa ng magsasaka ang protesta para mabigyan pansin ang hinaing nila. Alam po natin na panahon ng tag init at may El Nino ngayon kung saan maraming sakahan na dumaranas tag tuyot. Marami ang mga pananim na nasalanta at napurwessyo dahil lang sa pagbabago ng klima. Sa mga nakalipas na panahon ay nag iba na ang  panahon dahil sa kalamidad dahil sa climate change, may El nino at La nina. Kalamidad kung saan hindi lang tayo apektado kundi buong mundo.
Kidapawan Massacre kung saan di katanggap tanggap sa ating puso at isipan. Nasaan ang Hustisya sa karumal dumal na pangyayari. May mga nasawi na mga magsasaka at ilang dosena ang nasugatan? Nasaan ang Hustisya Kidapawan Police? Mga kawawang mga magsasaka kung saan ang hiling lamang ay mabigyan ng ayuda at konting tulong para makaraos. Food aid para sa kanilang  pamilya at  konting ayuda para sa kanilang sakahan.Mahirap maging magsasaka at babad ka sa sobrang init ng araw at konting pera lang ang maiuwi sa kanya pamilya. Kadalasan pa ng magsasaka ay baon na sa utang dahil sa sobrang mahal ng mga abuno at iba pang kailangan para sa sakahan.
     Nakakaawa ang mga pobreng magsasaka, hindi man lang sila binigyan ng pagkakataon na masulosyunan ang kanilang hiling na pagkain  sa kanilang pamilya at para sa kanilang sakahan. https://www.youtube.com/watch?v=1LTSoLh-JBc  credited to this video. Panoorin niyo at kayo na ang manghusga, kung meron  kapabayaan ang ating mga kapulisan sa nangyari. Hindi ito isang biro biro lang, at sana mabigyan ng hustisya ang mga kawawang mga magsasaka. Kung sino man ang may sala at may sa pasimuno sa brutal na pag disperse ng protesta, kelangan may managot? Nasaan ang Human Right, Nasaan ang Human Right? Di ito dapat mangyari dahil sa itoy di katanggap tanggap bilang mamamayang Pilipino.
Ako, bilang estudyante dati malapit sa Mendiola,  naranasan ko na ang iba’t ibang rally sa Mendiola. Ang hiling ko lang sana maging maayos ang protesta. Di naman kelangan maging madugo at ang sa amin lang sana maging matiwasay lang sana at mabigyan ng solusyon ang mga kahilingan ng mga magsasaka. Sana lang po, ito na sana po sana ang huling protesta na madugo, ayaw po nating maulit ito muli. Kaawa awa ang pamilya ng nawalan at naulila. Isang simpleng magsasaka na ang  tanging hiling lang ang mabigyan ng konting suporta ng Gobyerno. Maisip natin, nasaan ang budget na galing sa Gobyerno, Nasan ang pondo?  Mga pondo sana para magamit ng magbubukid. Saan na ang mga buwis ng sambayanang Pilipino. Di ba dapat maibalik ang dapat para sa mga magsasakang Pilipino.
Korupsiyon na naman ba ito,bakit ano ng nangyari sa ating bansang Pilipinas? Mga nasa pwesto ng ating pamahalaan, isbis na sila ang aagapay sa mga nangangailangan sila pa mismo ang nangsasalamantala at nanabotahe. Sana lang po maging aral na sa atin ang di magandang nangyari sa Kidapawan City.
Mga nasa Pamahalaan,umaksyon naman sana kayo?Kaya tayong mamayang Pilipino,malapit na ang halalan/eleksyon, sana maging mapagmasid, maging mautak, at pumili ng karapat dapat na mamuno para sa bayan.
Gumising na tayo sa katotohanan, at wag magbulag bulagan at pumili tayo ng kandidato na may malasakit sa bayan at may pagmamahal sa sa kapwa.
Kaya gising, gising tayo! Hoy Gising!!
for more blog: visit me at www.orbittingtrends.net