Napanood Mo Na Ba? Paradise or Oblivion (Documentary)

images (2)Merely complaining without posting an alternative offers nothing – Jaque Fresco

Isa itong maikling Dokumentaryo ukol sa layunin ng The Venus Project, na sinimulan ng founder nito na si Jacque Fresco. Sa kasalukuyan ay ginagawa pa rin ang Pelikula at hindi pa nailalabas sa “BIG SCREEN”. Sa aking palagay ay napaka-ambitious ng layunin ng proyekto na ito, isang idealist si Jaque na nangangarap ng isang napakalaking pagba-bago sa ating mundo, isang pagbabago na di umano ay lulutas sa lahat ng problemang kinaha-harap ng bawat isa sa atin.

Sa simula ng dokyu na eto ay tinalakay n’ya nang bahagya ang napakaraming problema ng mundo, kagaya ng kahirapan at pagka-gutom, krimen, alitan ng mga bansa o giyera at marami pang iba, na ayon sa kanya ay kailanman, ay hindi kelanman malulutas ng kahit anong Gobyerno, pano nga naman maayos ng gobyerno ang mga problemang ito kung ang sistema mismo ng pagkakaroon ng isang gobyerno ay mali, O’nga naman no? kelan ba naimbento ang gobyerno nayan? ‘nung naimbento ba ang gobyerno nawalan ng mahirap? Well, merong mga bansang kakaunti ang mahihirap, pero I doubt na merong  bansang walang mahirap, lalo na sa ibang bansa na mas mahirap pa satin, buti nga tayo nakakapag-internet at nakakapag-post ng mga reklamo natin sa buhay, wala naman tayong binibigay na solusyon, ano kaya yun?(repressive regimes?, please see quote above) Isip isip din ng solution pag may time haha. Sa ngayon, ay sasang-ayunan ko muna si Mr. Jaque, at ise-share sa inyo ang kanyang mga idelohiya.

Kelan ba nagsimula ang kahirapan sa mundo? Hmm, di ko exactly alam ang date, pero matagal na, mula nung unang panahon pa ay maraming tao na ang nakakaranas ng pagkagutom, dahil narin ito sa kakulangan natin sa kaalaman kung papaano ba mag-produce ng kasalukuyang mga pagkain, naresolba ang problemang ito ng natuto tayong mag-produce ng mga pagkain sa mabilis at madaming paraan sa tulong ng teknolohiya, nariyan ang mga naglalakihang factory ng fertilizers at food processing machines, mga sistema upang sumapat ang kakayahan nating gumawa ng sapat, para sa pangangailangan natin. Ang tanong bakit marami pa ring mahirap at nagugutom ngayon kung may sapat naman tayong kapasidad sa pag-gawa ng pagkain? Anyare? Nga-nga?

Dito na papasok ang usaping pera, at D’yos ko, hindi ako sigurado kung sapat ba ang isang blog para sa usaping kaperahan, basically, ayon din kay Jaque, mali rin raw ang sistema ng pera, matagal naring naimbento ito, ngunit naging pangunahing dahilan din ‘to sa paghihirap ng maraming tao, dahil dito ay maraming kumpanya ang naging primary mission ay PROFIT, sa tingin mo ba sa dami ng mayaman na kumpanya sa mundo, ay hindi nila kayang pakainin ang napakaraming nagugutom na tao? I doubt. Dahil din dito, ay maraming resources ang nasasakyang, napapansin mo ba na madaming gamit ang nasisira right after ma-expire ang warranty nila? Bakit kaya?

Ito ay dahil dinisenyo talaga ang mga produktong ito na masira after ng warranty, nang sa gayon ay kelangan ulit nating bumili, ‘nyemas pano sila kikita kung di masisira mga gamit natin, galing no? Sooner or later din daw, ay matatalo ng machine ang mga tao pag dating sa human labor, so pano na tayong mga nasa third world countries? Na, ang tanging alam para kumita ng pera, na pambili ng pagkain ay pagta-trabaho? Nga-nga nalang din? Naging puno’t dulo din ang kaperahan sa alitan sa maraming bagay, maraming kumpanya din ang ginawang business ang firearms at mass destructive weapons, isipin mo kung ang resources na ginamit para sa mga ito ay ginamit para sa ikabubuti ng marami, di’ba?

Ayon sa kanya, para maresolba ang napakaraming problema na ito, ay dapat nating baguhin ang sistema, ang kultura, ang pinakang-ugat, kung pera ang dahilan ng problema, bakit nga kaya hindi natin tangalin ang pera sa sistema? “You can’t solve a problem with the same level of thinking that created it. – Einstein“ Hindi na raw ito malulutas ng kahit anong batas, ilang milyong batas naba ang na-establish sa buong mundo, wala nabang patayan, alitan at nagugutom? Madami pa din diba? Naniniwala s’ya na ang tao ay hindi isinilang na may bahid ng kasakiman, ganid, at kasamaan, at ang kapaligiran ang pangunahing salarin para sa mga kaugalian ng isang tao, imbis daw na turuan natin ang ilang milyong sundalo paano pumatay ng kalaban, bakit nga kaya hindi natin sila turuan paano uminti ng ibang lahi? Tumulong at makipagkaibigan nang sa gayon ay hindi na kailangan ng giyera?

Isa pang problema sa pera at gobyerno ay hindi hawak ng gobyerno ang pera, hindi sila ang may control dito, bagkus ay mga pribadong tao na may hawak ng mga pangunahing bangko, so kapag may proyektong kelangan ang isang gobyerno at wala silang sapat na kita para maisagawa ang proyektong ito, ay kelangan nilang umutang sa isang bangko, ang masaklap, pag naisagawa ang mga proyektong ito at hindi ito naging matagumpay, ay mga mamamayan ng bansa ang nagbabayad sa inutang ng gobyerno.

Siya ay nanawagan sa mga sayantipiko at matatalinong tao, architects, engineers at lahat ng maaring tumulong para isakatuparan ang proyektong ito, mga taong magdidisenyo ng ideal na s’yudad kung saan walang sistema ng pera, at lahat ng pangangailangan natin ay maaari nating makuha ng walang price tag, tinawag n’ya itong resource-based economy, para maisakatuparan daw ito ay kinakailangan magkaroon ng isang malawakang survey kung saan dapat malaman natin kung ano-ano ba ang mga pangangailan sa isang lugar, ano-ano ba ang mga available resources sa lugar na ito at gawing isa ang mundo, sa pamamagitan daw ng mga data na ito ay maaring maging computerized ang pamamahala sa buong mundo, basically, base sa mga makakalap na data, ay made-determine natin kung ano-ano ba ang pangangailan ng isang lugar at maibibigay ang mga ito ayon din sa data ng mga resources na available, dahil dito ay maii-distribute ang lahat ng resources ng mundo equally, lahat tayo makakain ng fried chicken at ice cream. Saya diba?

Well, hangang d’yan na lang ang mga detalyeng maibibigay ko.  For more comprehensive details, panoorin n’yo na lang sa youtube. Sa totoo lang medyo naiiyak ako n’ung pinanonood ko ‘to.  Hindi ko alam kung nababaitan lang ba ako sa kanya o tinatamaan ako sa mga sinasabi n’ya, o siguro, masyadong totoo ang mga ito at masakit itong tanggapin.  Natutuwa din ako at hindi ko mapigilang maniwala na posibleng magkaron ng halos perpektong mundo na ninanais n’ya, ngunit hindi ko rin mapigilang magduda, medyo cliché na sa mga blog ko ang quotes ni joker, pero sorry, some men just want to watch the world burn.  

Paano kung may mga taong likas talagang masama? Hindi ko mapigilang hindi magtanong, Mare-repair pa nga ba natin ang mga nasira ng sistemang tayo mismo ang gumawa? Sa kasulukuyang estado ng pag-iisip ng mga tao, possible pa nga kaya na lahat tayo ay yakapin ang isang napakalaking pagbabago? Masakit mang isipin, elitism man na matatawag, pero sa aking palagay, kung mangyayari nga ito, e dapat may qualifications din, sabagay hindi naman ito agad agad mangyayari, ewan ko din, malay mo, paunti-unti bawat isa sa atin ay mawalan ng bahid ng kasamaan at magkaisa, hindi rin natin masasabi, ikaw? ano sa palagay mo?

NOTE: For all intent and purposes, I’m not getting anything from this and I have no intentions on infringement of copyrights; credits belong to the creators of these movie(s), this article(s) in any form, are not meant to promote or advertise these movie(s), I am simply sharing and recommending movie(s) that I think would make a significant change and/or lessons to its watchers.