Nang Umawit ang Batang Babae

Ako po si Angel

Noong siya ay 8 years old pa lamang gusto na niyang umawit nang umawit. Habang may ginagawa siyang trabaho o kaya kapag siya ay naliligo, kumakanta siya para maging maganda ang boses o mas mahasa sa pag-awit.

Sa lahat ng kanyang ginagawa, sinasamahan niya ito ng pag-awit. Hindi niya kasi namamalayan na lumilipas ang oras, natatapos ang kanyang ginagawa nang halos hindi niya naramdaman ang pagod. Masarap kasing kumanta eh. Nalilibang mo ang sarili mo habang nangangarap ka na sana maging mahusay kang mang-aawit.

Habang pinanonood niya ang mga contest sa telebisyon, ‘yung ‘The Voice Kids’ halimbawa…sa isip niya, siya na ‘yung naroon at kumakanta. Siya ‘yung bumibirit at nag-aagawan ang mga coaches sa kanya!

Sa ganoong kaisipan pa nga lang, sumasaya na talaga siya at dala na niya ang sayang iyon sa kanyang pagtulog!

Isang araw, sinubukan niyang sumali sa pa-contest. Kaya lang hindi siya ang ang nanalo. hahaha Ok lang, sabi niya. At least nasubukan kong sumali. ^_^

Pero hindi siya tumigil sa kanyang pag-awit. Gusto niya pa ring ipagpatuloy ang kanyang pag-awit at doon niya na-realize na kahit ano pa ang kauwian ng pagtatangka niyang maging mahusay na mang-aawit, ang mahalaga pala ay basta nae-enjoy mo ang iyong ginagawa.

Kung nasa guhit man ng palad niya ang maging sikat na mang-aawit, bahala na. Basta ang tiyak…aawit siya araw-araw at magiging masaya!

Tara, kanta na tayo!

 

 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.