Nang Minsan Ika’y Naging Akin! :(

21722_955719541105830_7262584472298689657_nOpen-letter-part-1


Hindi ko alam kung paano ko uumipisahan ‘tong letter ko para sa’yo. Hindi ko alam kung bakit bigla mo akong iniwan. Hindi ko alam kung bakit biglang nagbago lahat. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang galit mo sa akin. Ang tanging alam ko lang ginawa ko lahat ng alam kong ikakasaya mo.

Ginawa ko lahat kung anong best para sa’yo. Sinasabi nila nasasakal na daw kita. Sa sobrang mahal kita at sobrang care ko sa’yo kasi nagiisang anak ka, naging oa ang pagiging protective ko sa’yo. Pinapaiwas kita sa gusto mo (pagda-drive ng malayo) oo nagtatampo ako kasi hndi ako ksama pero mas gsto kong ksma mo ako kasi alam kong safe ka.

Alam kong alam mo kung gano ka kahalaga sa akin. Alam ng pamilya mo kung gaano kita kamahal. Oo naging OA ako sa paga-alaga sa’yo. Oo nailayo ko mga taong minsang naging parte ng buhay mo. Pero ginawa ko yun dahil minsan ‘di na nila nilulugar ng tama ang sarili nila sa relasyon natin. Sa sobrang takot kong mawala ka hindi ko na napapansing nasasakal na kita. Sabi nila “TAYO” na talaga. Kasi nga lahat ng signs ng sinasabi nilang FOREVER at LIFETIME nakikita nila sa atin. Sobrang LEGAL natin sa parehong pamilya natin. Sobrang saya naman natin.

Sumasama ka pa nga sa iba’t ibang lugar na pinupuntahan natin. Nararamdaman ko na nga talaga na ikaw na! Ikw na talaga! Bago pa lahat ng plano natin, naalala ko ENGAGED na pala dapat ako nung Anniversary natin. Pero kako baka ‘di pa ito right time. Basta within this year! Sinave mo pa nga sa cellphone mo para ‘di natin makalimutan. Sa sobrang kampante kong ikaw na nga talaga nagpa-book ako! Ang saya kasi ito na talaga pinaka-memorable na gift ko sa’yo (sana) sa monthsary natin. PUERTO PRINCESA. Good for two. 4 days and 3 nights! Yeheey! Sobrang excited ako. Lapit na nun. June 10-13 yun. Pero hindi pa ako nakuntento para pasayahin ka. Naalala kong nagtampo ka dati sa parents mo kasi nga hindi ka naisama sa BORACAY. Naisip ko tutal hindi pa ako nakapunta dun at may pera pa naman ako. SURPRISE!!! Hello BORACAY! Booked na. Good for two din sana kaso mas masaya pag marami tayo. Sinama natin yung group of friends ko na nagiging friend mo na rin. Sobrang excited natin no? Hindi nga lang maitaon sa monthsary natin kasi may trabaho ako. Nagtanong ka na sa friend mo kung magkano ang gastos niya sa BORACAY. Pagi-ipunan mo na rin pala.

Lagi ko ngang pinagpa-pray na sana JUNE na! Sana OCTOBER na! Nakabili na ako ng waterproof na gamit para may picture tayo sa ilalim ng tubig. Nagkataon pang na-regaluhan ka ng FUJIFILM. Ito na yun kako! Madaming magandang memories ang magaganap. Naiiyak ako sa sobrang excitement pero ‘di ko pinapahalata. Pero bakit ganun? Sobrang saya naman natin at sobrang mahal natin ang isa’t isa? Pero BAKIT? Andami kong tanong na walang makasagot kasi nga wala na nga. BAKIT INIWAN MO AKO? BAKIT GALIT KA SA AKIN? BAKIT GANITO NA TAYO? ANONG NANGYARI SA LIFETIME NA PINAGMAMAYABANG NATIN? ‘DI BA SABI NATIN WALANG FOREVER PERO MERONG LIFETIME? YABANG PA NATIN ‘DI BA? ANONG NANGYARI? BAKIT NAGING BATO LAHAT? Sobrang dami kong tanong eh! Sagutin mo naman! NASASAKAL KA? HINDI MO NAGAGAWA YUNG GUSTO MONG GAWIN? HINDI MO MARAMDAMAN NA MAHAL KITA? Bakit kapag tinatanong kita hindi mo dine-defend mga sagot mo? Puro WALA! Ang hirap hirap kasi WALA TAYONG CLOSURE!

Nabalitaan ko naghahanap ka na ng iba. Kako sa sarili ko. Hindi yan. Kasi nga ayaw mo muna mag-girlfriend kamo. Kasi nga gusto mo muna i-enjoy lahat. Pero nabalitaan ko na naman may bago ka na. May bagong girlfriend ka na. I feel like dying! Nagmakaawa ako kung sino yun. Pero ayaw sabihin. Hindi pa daw kayo open. Iniisip ko HINDI TOTOO TO! Kasi nga mahal mo pa ako. Mahal pa kita. Pinupuntahan mo pa nga yung mga madalas nating puntahan eh.

IMG_0322CALLAO, CALVARY! Pero wala na. WALA NA AKONG MAGAWA KUNDI ANG MANALANGIN NA SANA PANANDALIAN LANG ‘TO. Babalik ka ‘di ba? Hindi man sa ngayon pero sa future. NAGUGULUHAN KA LANG. Pero halos lahat na ng malalapit sa’yo sinasabing bumitaw na ako kasi mas masasaktan ako. You left me hanging You left me clueless. MAHAL MO PA KAYA AKO? Asan na pangako mo? Sabi mo SA AKIN KA LANG AT SA’YO LANG AKO. Naka-save lahat yan! Sa laptop ko, sa cp, sa utak ko at sa PUSO ko! Pinanindigan ko naman yun eh Hindi nga kita iniwan ‘di ba? Lumalaban ako. BAKIT KA SUMUKO? BAKIT KA BUMITAW SA SIMPLENG BAGAY? TATLONG TAON! BAKIT NAWALA NA LAHAT?

Isang araw lang please? Isang araw lang patutunayan kong lahat ng sinasabi mo MALI, God knows how much I Love You. Ang dami pa nating pending na pupuntahan. Titira pa tayo dun sa lupain namin na gustong gusto mo ‘yung lugar. Magpapatayo pa tayo ng Cupcake store natin, ‘di ba? Tapos sa taas nun apartment, katabi nun netshop mo at water station ni mama mo. Bryan, matutupad lahat ‘yun, ‘di ba? Kapag magka-work ka kamo tutulungan mo ako para matupad lahat ng plano natin. ‘Di ba ipagbe-bake pa kita ng RED VELVET na gusto mo? Sabi mo masarap ‘yung mga luto ko, ‘di ba? Tuturuan pa kita ng ibang dish ko, ‘di ba? Sabi mo ikaw naman magluluto in the future Tutulungan mo ako sa anak natin kapag dumumi o maliligo siya. Pangit ko! Balik ka na please?

I love you <3 Bryan Joseph Reyes!


Open-Letter-2

Naaalala mo ba nung gabing katext kita at tinanong mo kung anong ginagawa ko? Sabi ko gumagawa ako ng Video para sa project ko kay sir KP. Nagso-sorry ako kasi ang tagal kong magreply kako pa sa ‘yo rush. Pero ang totoo nun video nating dalawa yun. Birthday mo na kasi kinabukasan. Natapos ko ng madaling araw ‘yung video. Hindi kita gini-greet. Sobrang dami kong naiisip na surprises pero ‘di ko kaya nang mag-isa. Naalala ko wala nga pala akong pasok ng umaga kaya madali lang akong makahanap ng tutulong sa akin. Nag-order na ako ng 2 dozen ng cupcake. Chocolate flavor at vanilla kasi parehong favorite mo yun adik ka pa sa one piece nun. Kaya personalized na pinagawa ko. Tinawagan ko si Adrian kasi siya lang may susi ng apartment mo kasi ayaw kong maghawak baka mawala ko. Kako tulungan niya ako. Bumili ako ng maraming balloons. Nagpa-print ng pictures natin. Memorable pictures. Tinulungan nya akong palobohin yun. Iniwan ko muna siya. Kinuha ang cupcakes mo. 13900707_1217622951589814_283597191_n
Bumili ng 3 pang red balloon para sa mga pictures. Okay na lahat. Na-set na mga balloons sa higaan mo.13883944_1217642948254481_803057725_n
13900575_1217642964921146_615801918_n13942235_1217642974921145_1376440490_n

Mga pictures, yung video, speaker at yung cupcake. Nagtext ako sa’yo kako on the way na ako sa room mo. Su-surprise sana kita kaso tapos na larga mo. Pero tinuloy ko. Nagulat ka! Nakita ko sobrang saya mo. Yes! Napasaya ko yung taong mahal ko. Nag-text ako kay Ezzil. Sinabi ko sa kanya kailangan ko siya para may kasama kami ni Adrian mag-surprise kaso may pasok pa siya.

Sobrang taranta na namin kasi parang nahahalata mo na. Kako hintayin natin classmate ko kasi may kukunin ako. Mag-i-isang oras na ‘di pa niya larga. Akala ko papalpak na lahat. Pero thank you Lord! Maagang pinalarga sila Ezzil. Nauna na si Ezzil sa apartment. Binuhat yung sapatos nila ni Adrian, ni-lock kunwari yung apartment.

Pagkarating natin dun aligaga akong umakyat. Pinatugtog yung ONE SWEET DAY! Surpriiiiiiiiiiiise!!!! Sobrang shock ka. Sobrang natuwa ka! Ramdam namin yun! Bigla mo akong niyakap! Nasapak pa kita kasi kinilig talaga ako, sa sobrang kilig at saya mo nga ‘di mo naramdaman na nasapak kita Andaming kiss na natanggap ko. Saya saya ko. Sobra! Mas masaya ka nga lang. Kasi kamo WALA PANG GUMAGAWA SA’YO NUN! Kaya sabi ko sa sarili ko. Masanay ka na kasi simula pa lang yun ng pagpapakilig ko sa’yo.

Nami-miss mo na ba yun? Sorry kung hindi ko na masyadong nagagawa ngayon yun simula nung November. Pero ‘di ba sinusurprise kita sa mga gusto mong bagay na ‘di mo ine-expect. Kaya minsan nga ‘di mo na sinasabi kasi ako na ang bumibili. Pero mahal kita eh. Gusto ko masaya ka. Kaya binibili ko Binibilhan pa kita ng favorite mong pabango HUGO. Limited edition. Kako kahit mahal na basta mapasaya kita. Sobrang worth it kasi nainis ka pa sa sarili mo kasi wala ka man lang mabigay sa akin. Pero kako okay na yun! Ikaw lang sapat na PERO SA ISANG IGLAP NAWALA ANG LAHAT NAWALA NA PARANG BULA. HINDI KO ALAM KUNG SAAN AKO NAGKULANG? Miss mo na ba yung ginagawa kong surprise sa’yo? Pangit, kako magi-ipon lang ako ng konti para sa Puerto Princesa ‘di ba? Kako wala muna akong mabibigay para lahat ng gusto mo at gusto ko mabili natin sa Puerto Princesa Lapit naman na eh Pangit balik ka na please.

I still Love You <3!


Open-Letter-part-3
(Sorry-po-sa-makakabasa)

Tara cards tayo! Naalala mo yung laro natin? Pusoy dos Matatalo lalagyan ng lipstick sa mukha! Nagmukha tayong clown dalawa Sa sobrang galing ko sa laro naputol pa ang lipstick ko dahil sa pagkatalo mo, hinabol habol mo pa nga ako sa cr, sala, kusina makaganti ka lang Naalala mo ba yung manonood tayo ng PEEMAK? Ikaw si Puak kasi pangit ka! Haha. Sobrang favorite mo pa yun kasi horror comedy.

Atsaka! Naalala mo pa ba kapag nanonood tayo ng mga movies na may nakakadiri tatakpan mo mata ko kasi hihimatayin ako. Haha! Ang sweet Tapos kapag nagutom ako ilalabas ang piatos na green! O kaya naman pupunta tayo ng USL para bumili ng kwek kwek. Woa! Craviiiiings….. Hindi mo hnhayaang pumayat ako. Dahil sa puro pagkain-movies-ride ang hobby natin sobrang naging mataba ako! Napagkamalan pa akong buntis.

Andaming nanira sa atin. Pero siyempre chin up! ‘Di tayo nagpatalo! IMG_1255Na-prove nating wala tayong ginagawang masama. The best pa sa ride natin?  Yung nawala tayo nung first time mong pumunta ng Callao Yang GPS mo kasi! Hindi nakikinig Turn left pala pero dere-deretso lang tayo papuntang Isabela na pala yun! Hahahaha.

Meron pa! Naalala mo ba nung grad. celebration ni Renato. Hahaha. Hinila kita sa malalim at muntik kang nalunod. Sorry pangit! Andami nating masasayang moments no? Kulang pa ang part 1-3 para sa kwento ko. Kasama kita sa kalokohan, pagiging bully. Kasama kita through ups and downs.

Tapos naalala mo ba yung nasusunog na pala yung mga bamboo sa kabilang lote ng bahay niyo tapos akala mo joke ko lang, nilalambing mo ako that time kaya sabi mo ayaw ko lang at gumagawa ako ng rason para ‘di mo ako lambingin! Haha. Kung hindi pa ako sumigaw eh ‘di mo ako titigilan.

Dumating din sa point na meron tayong unang anak, si Ichiro!!! Nasundan pa ni Akira at ni Wacky. Favorite line ko na sinasabi mo nun, nung nalaman mong may sakit ako “Pangit, anak lang yan. Pwede tayong mag-ampon, ang mahalaga eh mag-asawa tayo. At may anak naman na tayo” Ayiieee Sweet ka naman kasi talaga! Yung araw araw mong pinaparamdam na mahal mo ako, araw araw magkasama tayo.

Walang araw na hindi natin pinaparamdam na mahal natin ang isa’t isa at ‘di mawawala yung BRYAN at LEI IMG_1246na nagpapatunay ng FOREVER at LIFETIME. Pero bakit bigla mo akong iniwan sa ere? Sobrang saya naman natin. Hindi ako naging cold, hindi ka naging cold. Lumuwas ako ng Ilocos na sobrang saya natin, may plano. Na kukuha na tayo ng sarili nating Apartment.

Magsasama na tayo. Anong nangyari? Bryan… Hanggang ngayon nandito yung PAIN na iniwan mo oh! Tulungan mo naman akong i-get rid ‘to Sabi nila ang taong bubuo ulit sa ‘yo eh ang taong nang-iwan sa ‘yo! Balik ka na oh! Malapit na yung travel date ng BORACAY mo. Pangit Ako na lang please! Next year na natin ipapatayo yung Apartment na negosyo natin, yung Cupcake store sabi mo pa nga ikaw mag-manage. Pangit, kahit ubusin mo na yung mga cupcakes. Papayag na ako! Papayag na akong ikaw na lang mag-manage at kahit maubos pa yun. Yung gift pa natin kay mama mo na water station. Balik ka na please! Pupunta pa tayong Thailand! Naghihintay si Ma’am Marvie dun!

Hihintayin ko ang pagbabalik mo Pero sana SANA MAHAL PA KITA 🙁


Memories-Part-1

December 22, 2013. Sweetest date we have Kain dito. Kwentuhan dyan. Nagulat na lang ako habang kinakalikot ko ang laptop mo, bigla mo akong niyakap sa likod ko At tuluyang nakatulog. Sa sobrang sarap ng yakap mo ‘di ko namalayang nakatulog na rin pala ako.

Dumating ang pasko, masaya nating binati ang isa’t isa. Hindi nga lang masyadong nakikisama si Globe. Medyo late receiver tayo kaya wala tayong magawa kundi mag-update sa facebook kung anong kaganapan na sa ating pasko.

2014
Bagong taon na! Wala pa ring pinagbago. Masaya pa rin tayo. Kahit simpleng mag-kaibigan lang. Unang dalaw ko sa Alcala. Unang New Year kong kasama kita kahit sa chapel man lang.

February na! Wala akong ka-valentine. Pero dahil isang taong naging parte ng relasyon natin (your male ex-bestfriend), pinagsama tayo. Nagsama tayo magdamag hanggang matapos ang foundation day. Naaalala ko pa yung hotdog na naka-dalawang bili tayo kasi nga favorite ko. Tapos yung favorite nating pareho na buko juice! Solb na ako. Kahit papaano hindi naging malungkot ang valentine ko.

March! Rush na ng projects. Tumawag si bff mo. Tinulungan kita/namin para mahabol ang project. And YES! Isang kembot na lang ga-graduate ka na sa isang kurso mo Proud girlfriend here!

April! Gabi bago ang graduation mo, nagpatulong na ako para sa gift mo. Doodle art with frame at tshirt mo Nagsinungaling akong nasa Manila ako para surpresahin ka! Tadah! Asa gilid mo lang ako. Nagtatago Palabas na kayo ng gate. Gulat na gulat ka ng nadatnan mo akong bitbit ang mga regalo ko sa’yo. Nakakakilig kasi pinakilala mo ako agad kila Tita Uuwi na sana ako kaso hinila mo ako.

Gusto mo may picture tayoIMG_0876. In-insist din ni tita na magkaroon tayong tatlo ng picture. Ang lakas na ng ulan! Gusto mo pa rin akong makasama kaso naghihintay na sila mama. It was my first time to run in the rain with the man I love the most. Napaka-romantic para sa akin.

Dumating na ang Mayo. Kailangan naming bumyahe papuntang Sta. Ana at Quirino. Napakalungkot! Kasi hindi tayo magkikita ng ilang araw. Pero kinaya naman ‘di ba? Update update sa facebook! Nakauwi na rin sa wakas. Kaso nga lang ba-byahe naman kami pa-norte. Yakang yaka kako! Makakausap naman kita thru fon Nakauwi na ulit!

Back to normal (OJT), twas a surprise! Nung tumawag ka at naghihintay ka na pala sa labas para sunduin ako. Naging hobby na natin ang pasayahin ang isa’t isa sa simpleng bagay bagay. August! Itong buwan na ‘to isa sa pinakamasayang buwan sa buhay ko. Nang magpunta kayo ng mga pinsan mo sa bahay para sa okasyon ng pamangkin ko Hindi ko alam pero knkabahan ako. Sa sobrang takot at kaba natin, hindi na natin alam ang isasagot natin sa pamilya ko Pero alam kong nakakahalata sila. Eng seye nemen kese! Haha!

Naaalala mo ba nung uuwi na kayo pero ‘di kayo pinapauwi ng nanay at tatay ko gang ‘di kayo kumanta? You and Me ang kinanta mo. Sobrang naiiyak ako sa kilig! September! Papalapit na rin ang kaarawan mo. Isip isip isip! Tadaaaah! Video presentation/personalized cupcakes/balloons/pictures! Excited na may halong kaba ang nararamdaman ko baka ‘di ko maihabol ang “project kuno” ko. Salamat! Salamat kasi na-appreciate mo! Ramdam na ramdam namin yung kilig at saya mo nung araw na yun Tapos yung gabing nasa Induction ball ako. Hinintay mo ako. Kahit gutom ka na. Sweeet!

October! Salamat muli sa pagpapasaya sa akin. Simpleng date at cake sa kaarawan ko! Sobrang saya ko Buwan na unti-unting napapalapit ka na sa pamilya ko. IMG_3360At buwan na unti-unting umaamin na tayo November! Naiiyak ako kasi ilang linggo kitang hindi makakasama gawa ng semestrial break. Pero kako ‘di hadlang ang sembreak na yan sa kasiyahan natin! Unang video call Nag-tour tayo sa loob ng bahay nyo gamit nga lang ang skype (LDR FEELS) Decembeeeeeeer!!

Happy one year! Ang bilis ng oras! Naaalala ko pa na sinabi nating magsasama rin tayo balang araw sa Christmas at New Year.


Memories-Part-2

2015!
Happy new year Pangit! pangalawang new year na merong IKAW at AKO. Konting tiis na lang magiging TAYO na ang dalawang salitang yan February! Valentines na naman. Siyempre ikaw na ang kasama ko niyan. Soyo soyo! Kasi kahit sobrang busy ko andyan ka pa rin sa tabi ko. Simula 2014 ikaw kasama ko sa mga contest ko. Mapa-umaga man o gabi! Napaka-supportive mo na kahit kailan hindi ka umalis sa tabi ko. Gabi na pero asa tabi pa rin kita.

Naalala mo ba yung kumpulang estudyante sa SSC office? Magkahawak tayo ng kamay at sabay na naglalakad. Nang biglang may sumigaw “Kuya, Ate walang forever po!” Haha. Lahat sila nagtawanan. Tumigil tayo at tinignan sila. Bigla nating sinabing “Walang FOREVER, pero may LIFETIME” Tapos natahimik sila. Sabay sabi nilang “Wow! Sige po. Happy Valentines.” At naglakad tayo ng sabay habang nagtatawanan, bumili pa tayo ng candy na may ilaw at sabay sabi na naman nilang “Pero wala pa rin pong FOREVER” Pak lang! Taga-cheer pa kita sa pag-gawa ng Red Velvet at Cake in a jar ko tapos kapag may tira ikaw ang kakain! Hahaha. Minsan pa makakatulog ka na lang sa binti ko habang nagkwe-kwentuhan tayo sa kubo.

March! Thank you pangit! Thank you for being my inspiration. Konti na lang. Konting konti na lang! Ga-graduate na rin ako Lapit na pangit! April! Ito na! Nangako akong saka tayo magiging official kapag naka-graduate ako at nagkaroon ng work! And God is good April 12!IMG_1261 Most memorable date ever! Diploma Job ! Most awaited part! Kinagabihan, nang nakauwi ka na sa apartment nagtext ka at tinanong mo kung anong sinabi sa akin nila mama at papa tungkol sa atin. Kako tinatanong lang kung ano na ba status natin. Ang sagot ko lang “wala kaming status” At nakakakilig na reply mo “Wala ng walang status na sagot! Basta tayo na. Okay?” Ako naman si pakipot, kako “Grabe. ligaw naman!” Kaso mapilit ka. Kaya “oo na! Tayo na! ” Matagal kong hinintay yun. Haha! At alam kong tama ang desisyon kong sagutin ka. Kasi Dec. 2013 pa tayo naghihintayan eh. Halos 2 taon na pakiramdaman Naalala mo yung celebration ni Ren sa Villa? Naglaro tayo sa playground na parang bata Dumaan ang maraming araw. Pumunta tayo sa lugar na dalawa lang tayo. CALLAO, CALVARY, ST. CLAIRE! Halos lahat na ng kainan natin napuntahan na at nakainan na natin Paano ba ako papayat kung may boyfriend akong masyado akong spoiled pagdating sa pagkain Uuwi si Tito ng may chocolates. Itatabi mo na ang KITKAT na super favorite ko! Thank you Dumating na rin yung point na sinasama ka na sa mga lakad ng pamilya namin na naging pamilya mo na rin ILOCOS, LA UNION, BAGUIO. 20160324_161928
IMG_1812
11096726_955721647772286_8085354916142096008_n

11127562_955716757772775_352792553843753312_nDaming lugar na napuntahan natin kasama ang pamilya ko. Super duper memorable! Kapag ba-byahe tayo. Solo natin sa gitna tapos magkayakap na natutulog o kaya naman magkahawak ang kamay habang nasa biyahe tapos makakatulog na lang tayo na para bang walang bukas kung makayakap at makahawak tayo sa isa’t isa.


Memories-Part-3

Daming kaganapan an 2015 natin. Dumating ‘yung araw na sobrang nanghina ako nang malaman kong na-disgrasya ka sa motor. Sinabi ko agad kila papa yun. Gusto ka sana nilang puntahan kaso kako huwag na at ako na lang. Um-absent ako sa class ko para makita ka. Ingat ka sa susunod, mahal!

August! Birthday ni baby Maaga kang pumunta sa bahay kasi tumulong ka na rin sa prepare. Habang tinitignan kita nung tumutulong ka, nai-imagine ko. Ang swerte ko rin sa’yo. Nakikita ko na yung magiging future natin, ‘pag birthday ng baby natin. Or kung ano mang okasyon! Na-in love ako lalo sa ‘yo. The way you helped my family, the way you love me, the way you care and support me in everything I want to do at ang mas nakaka-antig ay yung sabay tayong nagluluto, naglilinis ng apartment, naghuhugas ng pinggan, nag-aayos, naglalaba. Kahit sobrang pagod natin nagagawa nating maglambingan at mag-comfort. Ugh! That feeling!

13884466_1217641124921330_1996870113_nSeptember! Siyempre hindi ko makakalimutan ang birthday ng baby ko. Nagpagawa ako ng cake na personalized. With your favorite Braso de mercedes Tapos yung dancing candle na pink Sorry out of stock yung blue kaya yun na lang! Ewan ko ba kung bakit ‘di ka pa rin natatauhan sa mga surprises ko! Binalot ko lang naman yung box ng cake ng bond paper eh! Hindi mo pa napansin? Ni-lock pa kita sa cr Ayiieee! Kinikilig ka nun. Yang smirk mo sa akin ibang iba Tadah! Surprise baby Days, weeks, months passed by! Nothings changed! We still love and care.

December! Christmaaaaaaas! Malapit na kitang makasama ng Christmas. Hiniling mo man na diyan matulog sa inyo kaso ‘di pa pwede. Hay Buwan din kung kailan namatay ang baby nating si Ichiro. Thank you for lifting me up. Alam mong sobrang mahal ko si Ichiro. Sa tuwing nalulungkot ako andiyan ka para tulungan akong maka-move on sa kanya.


Memories-Part-4

2016!

Pangit! Malapit na New year na ulit! 3 yrs nang kasama kita tuwing new year! Wala pa ring pagbabago. Kain dito, gala dyan, swimming dito Naaalala mo pa ba na tuwing gagala tayo. Bigla na lang akong mauuntog sa helmet mo? Hahaha! Nakakatulog kasi ako sa ‘yo ih! Alam mo na Kaya ginagawa mo minsan habang nakakapit ako sa’yo, hahawakan mo kamay ko at naka-one hand ka! Aba matindi O ‘di kaya hahawakan mo legs ko baka kasi nangangalay na. At bigla mong itatanong “Okay ka lang pangit?” Sa tuwing sinasagot ko yan ng “opo” sasabihin mo “Labyu!”

Tapos itatapat mo na pisngi mo sa akin at nagpapahalik ka. Way mo mga yun para ‘di ako makatulog Daily routine na nating pakiligin at pasayahin ang isa’t isa kahit minsan nagkaka-abnormalan February! 3 valentine na kasama ka Daming bitter oh! Kain dito, kain dyan! Hay Those feeling! March! Isang kembot na lang ulit!!!!
Dalawa na ang diploma mo Super proud Girlfriend! O siyempre, ako na naman ‘tong nanunurpresa sa’yo.

April 12! HAPPY 1st ANNIVERSARY!!! Mahal! Ito na oh! Isang taon na tayong official Bongga! Boodle Queen ang celebration natin! Hihi. Nabinyagan din ang fujifilm mo. Hahaha.

April 17! Happy 2nd Graduation. Akala mo ‘di ako makakapunta!Duh!IMG_2367
Andun lang ako sa tabi ni Tito. Ilabas ang mahiwagang Fujifilm! Si Tito pa ang nag-capture ng picture nating dalawa. Thank you! Thank you nang marami! Happy family talaga nangyari. Nagtanong pa si Tito kung saan natin gustong kumain, hanggang sa nakarating tayo sa Hotel Roma. Family picture! Ang saya saya! Sobraaaaaaa…… Ni hindi ko mawari kung gang kailan matatapos ang kasiyahang ito kasama ka.

Naaalala mo ba na tuwing kumakain tayo sa Mang-inasal? Maga-agawan tayo ng lecheflan nung crema de leche! Tapos may matandang kinikilig sa ating dalawa. Haha! Nagiispadahan tayo ng kutsara para ‘do maagawan ng lecheflan.

April 22! Celebration mo sa pagtatapos mo. Magka-away man tayo pero agad ding nagbati. Ginabi na ako sa bahay niyo kaya sinabi nila tito at tita na ihatid mo ako gang bahay. Best feeling! Habang nagda-drive ka, magkahawak tayo ng kamay, naglalambingan kasabay ang pagbuhos ng malakas na ulan. Sobrang sweet at romantic ng gabing yun habang nagpa-plano tayo. Sinabi mo pang “May 5 ko kukunin yung credentials ko pangit. After nun hanap na ako ng work. Kuha na lang tayo ng apartment natin para magkasama tayo gang gabi” sobrang kinikilig ako nun kasi sa’yo na nanggaling ang mga salitang yun. No need for you to find a job pangit. Meron na ‘di ba? Nabigyan ka na Iniisip na rin natin yung apartment na ipapatayo natin tapos sa baba nun water station ni Tita, sa gitna naman yung internet shop mo at sa dulo naman ang cupcake store natin. Ang sarap sa feeling na nagpa-plano na tayo for our future. Tapos madaming tao ang kinikilig sa ating dalawa. Kahit sa posts! Hay. Ang sarap mabuhay kasama ka.

Mahal ko. Sobrang mahal kita! Napi-picture ko ng ikaw ang kasama kong tumanda Kahit kailan hindi ako magsisising ikaw ang sinagot ko! Mahal…. Salamat sa tatlong taong nakasama kita. May halakhak at iyak. Maraming salamat sa pagpapahalaga sa mga salitang AKIN KA LANG, SA YO LANG AKO!

………
Dumating ang kinakatakutan ko April 23 nang bigla kang naglaho. Nang hindi ko nalalaman kung ano ba talaga ang dahilan…
April 26 kinumpirma mong wala na nga talagang TAYO.

Paalam Paalam mahal ko. Salamat sa lahat. Sana kahit minsan maisip mo lahat Maalala mong may isang LEI na nagmahal at nag-alaga sa ‘yo nang lubos.


To the woman whom you’re dealing with right now.

Please! Please take good care of my love. Ayaw niya ng maarte, ayaw niya ng pinaghihinalaan siya, ayaw niya yung nasasampal siya. Favorite niya ang tinola. Please lagi mo siyang lutuan nun. Every morning egg yung papakain mo. Yun kasi nagpapataba sa kanya at more on sabaw!

Please Huwag mo din siyang aagawan ng Ferrero. Makikipag-away yan makuha lang ang chocolate niya. Huwag na huwag mong mababangga o masisira ang ano mang gamit niya lalo na ang motor o bagay na regalo nila tito at tita. I swear! Kaya nyang makipaghiwalay para lang dun. Mababaw pero totoo!

Favorite pabango nya ang HUGO. Surpresahin mo siya tuwing kaarawan niya o anumang okasyon na special sa kanya. O kahit walang dahilan para mag-surprise ka. Gawin mo. At kapag matutulog kayo, dapat nakayakap ka sa kanya, o kaya magkayakap kayo, kung hindi naman atleast magkahawak man lang kayo ng kamay. Sa ganung paraan, mahimbing ang tulog niya. Gisingin mo siya sa tuwing humihilik siya. No Sting, no Cobra, moderate ang chicken, no fats. Masama para sa kanya. Huwag mong hahayaang pagpawisan ang likod niya, lagi mong iche-check kung basa. At kahit anong antok mo please!!!!! Tyagain mong punasan ang pawis niya. Lagi kang mag-stock ng tubig niya. I-remind lagi na maagang matulog. Favorite niya ang crema de leche ng Mang-inasal. Huwag mong aagawin ang lecheflan nun ah? Painumin mo din siya ng Yakult. Bilhan mo siya ng piattos na green.

Huwag na huwag kang sasagot ng phone calls lalo na kung magkasama kayo dalawa, unless important. Kung unknown number ang magtetext o tatawag i-abot mo sa kanya at huwag na huwag ikaw ang sasagot kung ‘di mo kilala. At kung kilala mo man at chikahan lang its a big no no. Isama mo siya sa mga lakad mo. Madalas magduda yan pero hindi ibig sabihin wala siyang tiwala sa’yo.

Dear, ikaw na ang gagawa ng mga bagay na ako sana ang gumagawa. Ikaw na ang pinapakisamahan niya, please do it. You need to get his mom’s heart (know what I mean?) nagi-isang anak si Bryie. Tuwing uuwi si tito, mais ang gusto niya. And always!!! Mag-mano ka. To gain respect. Please. Make tito be proud again sa taong pakikisamahan nila lalo na ang anak nila. Sobrang mahal ko yang pamilyang yan, sobrang mahal namin ng pamilya ko at sobrang mahal ko yan. Alam ko ikaw na makakasama niya sa dream naming maging RIDER. Please magi-ingat kayo! I swear to God! Uunahin kitang mu-multuhin (Joke!) Huwag mong pipigilan ang gusto niyang gawin.

Dear! Alagaan mo siya at mahalin. Nasa sa’yo na siya ngayon. Pero ‘di mo pa pagma-may ari. Huwag mo siyang saktan. Gawin mo lahat ng makakapagpasaya sa kanya. Kung hindi…….

Handa akong bawiin siya kung kinakailangan!


Ending!

Bryan. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Kung saan ako nagkamali. Kung anong nagawa kong dahilan para iwan mo ako. Pero salamat. Salamat dahil sa ‘yo nakita ko at naramdaman ko ang salitang PAGPAPAHALAGA sa mga taong nakapaligid sa atin. Isa lang hiling ko. Yun ay ipaalam mo kung saan ako nagkamali. Sobrang hinabol kita kahit alam kong mali at pangit sa mata ng iba. Pinilit ko sarili ko sa taong ayaw na sa akin na hindi ko alam ang dahilan kung bakit. Bigla kang bumitaw. Kinain mo lahat ng pangako mong “walang bibitaw”. Bigla kang sumuko na para bang nagkaroon ka ng death threat para sukuan ako. Nangako kang AKO’Y SA’YO at IKA’Y AKIN. Ang sakit isipin na lahat ng pangakong yun NAPAKO ng taong minahal ko at ng pamilya ko. Ang dami kong gustong sabihin pero hahayaan ko na lang mawala lahat! Iniisip ko na lang, nanggaling ako sa coma ng tatlong taon at sa panaginip ko nakasama kita at nakilala. Pero salamat. Salamat sa ‘yo at sa pamilya mo. Salamat sa pagtanggap sa akin. Sobrang minahal ko kayo. Na kahit kailan ‘di ako nagkaroon ng hinanakit sa nanay mo o sa tatay mo. Sobrang mahal ko sila na parang tunay kong magulang. Salamat sa magulang mo bilang pagtanggap sa akin na parang isang tunay na anak.

Bryan. ‘Di ko man malaman ngayon kung ano ang tunay na dahilan bakit bigla mong sinira ang salitang LIFETIME natin. Yung lifetime na lagi nating sinasabi. Lahat ng gusto mo binibigay ko yung mga bagay na ayaw mong ibigay ko because its too much. Sooner or later? Malalaman ko ang lahat. Sa ngayon all I have to do is to move forward. Thank you for making me feel special before. Never akong nagsising minahal at sinagot kita. Siguro, nagsisisi lang akong sobra kitang minahal at pinagkatiwalaan. Pasensya na kung ‘di ako PERFECT. Pasensya at ‘di ko name-meet yung STANDARD mo. Lahat ng pangarap nating dalawa na sana TAYO ang tutupad, AKO na lang ang tutupad non. Yung cupcake store, mangyayari yun in God’s time.

Yung apartment na pangarap natin? Matutupad din yun. Kahit MAG-ISA ko mangyayari yun. Gayunpaman. Salamat ng marami. Salamat sa HALAKHAK at IYAK na naranasan ko sa pagsasama natin. Salamat sa lahat lahat! Sana yung kinakasama mo ngayon (oo alam ko may bago ka na) mabigay lahat ng gusto mo. Sana alagaan ka ng higit pa sa paga-alaga ko sa’yo at sana higitan niya ang pagmamahal ko sa’yo. Salamat. You’re always be my pansit buddy Food, buddy Movie, buddy Travel, buddy Skype/Video call buddy na umaabot pa gang madaling araw Nakaukit sa puso ko at nakatatak sa isip ko yung masasayang araw na kasama kita. Yung paggawa mo ng loombands ko, bracelet, pagsama sa akin sa mga kalokohan ko. Sa paggawa ng cake. Yung pagsuporta mo sa laban ko mapalaro, luto o sayaw man. Pag appreciate mo sa bawat effort ko at mga niluluto ko para sa’yo. Mami-miss ko yung “smirk” mo tuwing kinikilig ka o nanlalambing. Tuwing nagpapalambing ka yung pagiging baby mo. Yung ugali mong uutot sa harap ko! Yung paglo-lock mo sa kwarto kapag maliligo ka kasi alam mong nanakawan kita ng picture. Yung itsura mo kapag bababa ka ng kotse o ng van nang patagilid kasi alam mong tutusukin ko ‘yang pwit mo Oh! Yung pagsama mo sa pagiging bully ko. At saka yung pagtingin natin ng Rilakkuma sa taas ng MOV. Yung pagpunta natin sa Callao na kapag nakarating na tayo sa dulo aalis na tayo agad. Atsaka yung tuwing nagswi-swimming tayo sa Ilocos, sabay tayo lulusong sa dagat tapos susugurin ang malalaking alon. Yung pagkuha mo ng picture sa akin habang nag-aayos ako ng katawan. Tapos yung pag-drive ko ng pick-up na muntik ka nang atakihin sa puso. At yung pagkanta mo ng You and Me. Kakantahin pa natin nang sabay ‘yung kantang You and I tapos Stay at Nami-miss ka na rin ni Emem. Yung pag-video call ninyo. O kaya bigla kaming mapapatawag sa ‘yo kasi gusto niyang kausap ka. Yung sa ‘yo siya pupunta sa tuwing umiiyak siya Hayaan mo. Bryan! Lahat ng masasayang alaala natin hindi ko basta bastang kakalimutan. Hahayaan kong panahon mismo ang magbabaon ng mga ito sa limot Sanaaaa…. Kung babalik ka man. SANA MAHAL PA KITA!

Paalam, mahal ko.

Bryan-Lei signing off………..

IMG_1919

 

1 Comment

  1. Kaya mu yan Lei. Siguro God have greater plans. Its not your lost. Kaya mu yan, naniniwala ako. Nakilala kita bilang isang matapang na babae. We all know na malalagpasan mu to. Stay strong! 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published.