Nang dahil sa ‘isang kutsara’….

IPhoto credit: Lea & Perrins Philippines FB Page)
IPhoto credit: Lea & Perrins Philippines FB Page)
IPhoto credit: Lea & Perrins Philippines FB Page)

Sa grocery……

“Ayos ito ah! May promo ang Lea & Perrins Worcestershire Sauce dito sa Pilipinas.”

Cooking, plating, taking pictures and posting after. Blogging of foods sa Foodipino, at sa Definitely Filipino ng mga inspirational blogs. Like for family, business tips, commentary and etc. – my other source of happiness aside from the happiness derived from my family. My hobby, my diversion, my stress reliever & my close friends. The best medicine to divert my nervous breakdown & the best time for my family together.

Dati na akong gumagamit ng Lea & Perrins, may kamahalan, pero mas tipid na pang seasoning, pang marinate sa karne at sa kahit na anong lutuin. Kaya naman nang nakita ko ang kanilang promo sa bottle, hindi ako nagdalawang isip na magpadala ng entry.

Katuwaan lang, total mahilig naman akong mag post sa Facebook Pages ko at sa personal page ko. May blogsite din ako ng mga lutong bahay na ulam.  Hindi nga lang updated dahil kung kailan sipagin saka ino-open at nilalagyan ng recipe.

Ayos! Napaka-fair ng Lea & Perrins, hindi lang nila binasehan ang votes, kundi pati ang recipe at ang visuality pa. Karamihan kasi ngayon kapag “Facebook likes” eh doon nakabase ang iyong pagkapanalo. Ayaw ko rin naman ng ganun.

Actually, sa dami nga ng FB friends ko, I got 52 votes nga lang eh! Hirap daw kasi sila mag-vote. And this is really a good decision of Lea & Perrins para walang double votes, etc.

Finally, unexpected na makasama sa finalists. Marami rin kasi ang nag-submit ng entry.  Iyong isipin pa lang na napabilang sa 20 finalists ay winner na winner na. What more pa kaya ang mapasali sa cooking challenge, hindi ba?

Iyong paborito kong panoorin na mga cooking show, ay puwede ko rin palang maranasan sa hindi inaasahang pagkakataon.

Wow! Napakinabangan rin sa wakas ang pag-picture, post at ang pagluluto ko.  Higit sa lahat, mas excited ako na makapagluto sa kusina ng isang culinary school.  Lalo na at nalaman ko na sa Enderun Colleges pala gaganapin ang cook off. School ng pang rich people at parang nasa abroad ang scenery ng paligid ng Enderun Colleges.

Hanep! Iba ang kalan!  Good luck to me dahil malamang hindi ko kabisado ang kalan o init ng kalan….malamang ma over cooked ang entry ko, hahaha!

Iba ang happiness lalo na at napaka-accommodating ng mga staff, organizers at ng brand. Alaga ang mga finalist. Napaka-friendly rin karamihan sa mga 20 finalists. Masaya ang bonding moments, kahit nagkasakit ako after ng orientation. Doon pa lang ay panalo na.

Maraming karanasan na sobrang nakapagbigay ng kakaibang enjoyment at happiness. Knowing na ang ibang finalist eh, talagang sumasali na sa mga cooking contest noon pa. Pero mas natuwa ako doon sa pinaka-baby na finalist, 18 years old lang siya.

Pero ako, sumali ako dahil talagang subok ko na talaga ang paggamit ng Lea & Perrins. Kaya naman, super happy na nanalo ng 3rd Place sa chicken category sa visual or picture category ng cash prize, certificate at gift packs of Lea & Perrins and Heinz product.

As I promised, whatever the result, if I won, half of my winning will go to the charity na 5 years ko nang binabahaginan ng kunting blessings ko. Marami na ang mararating ng cash prize na natanggap. Sabi nga, gawin ang mga bagay na nakapagpapasaya, basta walang inaapakang tao o inaagrabyado.

Umpisa na siguro ito ng pagsali ko sa mga cooking contest. Hindi dahil sa prize kundi sa mga experiences na maaaring matutuhan at babaunin kahit saan mapunta or maipasa ko sa aking anak na nag-aaral ng HRM.

Nang dahil sa Isang Kutsara Challenge?

Isang bahagi ng buhay ko ang nagkaroon ng katuparan.