Nang Ako ay Iyong Inalala

PAUNANG SALITA: May mga mali-maling spelling po ang entry kong ito dahil hindi ako masyadong bihasa sa pagbaybay ng salita sa Tagalog/Filipino lalo na at may katulad silang “word” sa aking kinalakhang “language” na Cebuano/Bisaya. Kung hindi naman po kanais-nais para sa akin ang pagkaka-baybay (spell ito diba?) i-Inglesin ko na lang po. Paumanhin po.

18 ng Pebrero, taong kasalukuyan (2012):

Ako ay kasalukuyang nakikipagtalo sa pag-inspire sa aking sarili na gawin ang requirements ko sa school at sa nagdudumugong Inglisan, kawalan ng inspirasyon sumasaglit-saglit sa diwa ko ang tawag na natanggap ko kagabi, at ewan ko ba pero matagal na din akong pinapasulat ng aking isip (at damdamin) tungkol dito. Isa sa mga mekanismo para ako ay tuluyang makawala sa ala-ala ng nakalipas. At nanalo sa paligsahan ang pagsulat ko sa entry na ito, buwan din ang binilang bago ako naglakas-loob (ngayon na nga) na isulat ito.

Uy, masyadong seryoso naman ‘to. Bakit kaya pag-Tagalog o Filipino eh, naiisip kong ang pormal talaga ng tabas ng aking dila, hindi naman ako sanay at medyo nahihiya sa paggamit nito dahil baka may mga mali-mali akong nagagamit na salita o yung Bisaya/Cebuano words ang nagagamit ko, kaso sabi naman ng Sir ko sa English dati, ang Bisaya/Cebuano words na nag-uugat sa Spanish ay ini-incorporate na daw sa Tagalog/Filipino ngayon o mas tama ata na sabihin na ginagamit na din ito sa Filipino, may pinagkaiba ang Tagalog at Filipino sa pagkaka-alam ko pero hindi ko matukoy kung alin sa mga salitang ginagamit ang nag-iiba-iba.” Pacensya na medyo lumigaw ng landas ang isip ko, na lagi naman talaga kung ako ay nakakausap mo.

Anyway, kakatapos lang ng Valentines (almost a week na din ano), at kagabi mga 08:00 PM something, may unknown caller ako. Hindi pa naman ako nag-hehello agad pag-unknown/restricted number, baka kasi yung pinag-tataguan kong tao ang tumatawag, tapos nag-phone booth lang, ganun, kaya medyo praning ako, pero sinagot ko pa rin naghintay na magpakilala ang nasa kabilang linya, just to be sure, tapos after a moment nagalita naman yung tao, kaya lang OK lang ba na sasabihan ka ng “Hello, hindi mo na ba ako kilala?” Huuuwwwwhaat? Ano yung? Hindi ko na kilala? Teka, unknown number to te, adik ba ‘tong caller na ito? Well, after a few seconds gumana naman ang aking utak at nag-flash din sa isip ko kung sino siya kaya nag-confirm ako ng identity. Tama naman pala ako, safe ako doon sa pinag-tataguan ko, pero hindi dito sa ka-usap ko. Madalian lang naman pala yung pag-uusap namin, out of the blue eh, nangangamusta lang tapos goodbye na. Pabor sa akin, busy ako eh hindi ko nga lang maderecho na ayaw kong mag-paistorbo.

At ayun naging busy ulit ako, nawala na sa isip ko, tapos pa-tulog na para maaga na naman na makikiabaka sa pagsusulat, kaso may istorbo sa beauty sleep, may follow-up pa pala na midnight call.

“Uhmiged! Baket ba? Sabi mo ok ka lang at wala namang problema. Ano bang nangyari sa’yo?  After kailan ba? Half year na ata yun at tatawag-tawag ka? Sinapian ka ba? Hindi na “tayo” at busy ang beauty sleep ko kaya don’t expect na nagmamadali pa akong sumagot sa iyo. At please naman, hindi naman nakakapagbalik ng kilig ang endearment na medyo palihim mong isinisingit sa aking silent moments (pagbibigay-galang moment dahil ikaw ang tumawag kaya magsalita ka!) medyo creepy po kaya yun, tulad ka na tuloy sa taong iniiwasan ko sa kasalukuyan.”

Sorry talaga pero, konti na lang, magsasabi na ako, na ako na talaga ang babaeng may expiry date ang pang-unawa sa bawat tao lalo na kung ito ay may kinalaman sa word na boypren.

Ang sa akin lang, bakit ka tumatawag? May post-valentine fever ka? Na-alala mo ako? Ganoon? After that?

Ana nga ba yung THAT naming yan?

Derecha-hang salita (straight to the point), ako po ay iniwanan ng taong aking minahal (‘yung tumatawag) sa panahon na ako ay nasa malayo, atubili sa pag-aaral, nagbibilang ng araw ng bakasyon para makauwi ng Pinas, pero yun nga nakatanggap na lang ako ng mensahe ng pamamaalam. Hindi ko alam ang rason kung bakit, walang panahon makipag-usap sa Internet nuon, text message lang ang nangyaring palitan, dalawang mensahe lang ata. At yun po ang ending ng dalawang taong mahigit na pakikipaglampungan pakikipag-relasyon ko sa taong iyon.

Ano nga ba yung naramdaman ko ng panahon na iyon? Panibugho (ako ba eh nanligaw para manibugho?)? Galit? Sakit? Cry me a river or the Pacific Ocean (kung kaya mo ‘te, go!)?

Sa totoo lang, mas naramdaman ko ang pagkadismaya. Of all feelings naman, puso, pagkadismaya pa?

Sa nasabi ko nga maka-ilang ulit na, ako ay nasa malayo, nasabi ko na rin papauwi ako para sa bakasyon. Excited akong umuwi, oo at puntahan siya sa lugar nila. Kahit po siguro ako eh nasa Pinas, PLDT ang drama naming dalawa, LDR pala, 😉 kaya ako ay nagtatangka na sumugod sa kanila pagkauwi, kasama sa nakaplano kong bakasyon kasi ang magbiyahe sa mga kaibigan kong nasa malalayo. Para na rin makapagusap ng personal tungkol sa buhay-buhay at sa relasyong namamagitan sa amin. Plano yun kaya alam niya, pero hindi eh, hindi ko alam bakit hindi niya ako hinintay na magusap kami ng personal, maiiba siguro ang takbo ng pangyayari kung personal yun kaya i-tinext na lang niya ako (pero siguro naman may nakakabasa na din sa inyo ng tinatakbo ng isip ko tungkol dito, ibig kung sabihin yung pinupunto ko sa magiging takbo ng relasyon namin). At simpleng I don’t love you anymore lang pala hindi pa ako nahintay para face to face talaga. (Nakasave din naman ako nang pam-pamasahe, OKs lang pala.)

At dahil sa tingin ko masyadong walang respeto sa akin at sa pinagsamahan namin, yung pakikipag-break sa akin eh sa text, nakakadismaya naman talaga yun, diba? Diba? (Nasa ugali ko na din po pala na hintayin ang lalaki ang makipag-break, kasi sila yung nanliligaw so sila din magdeclare dapat na tapos na pero kung panahon na din naman ang lumipas at nagiging timang na ang tao sa kagaguhan ko eh nagsasabi din naman po ako na dapat tapusin na.)

Sa akin naman talaga wala lang, break kung break. Tanggap ko ang anumang nangyayari kasi hiningi ko siya kay Lord. Pramis!

Nang dumating siya, humihiningi ako kay Lord ng taong AKING mamahalin yung magmamahal at magtitiyaga ako na pagyamanin ang relasyon ng ilang buwan o mga years, eh kasi naman, bago siya inaabot lang ng buwan (kung i-cacalculate mo ang oras na nakarelationship mode ako, minus the times na para akong timang na naghahanap ng excuse para hindi ka makita kahit nasa harap kana ng gate ng school ko at kahit 5 mins lang ang hinihingi mo) ang pinakamahaba kong relasyon (mula High School, 3rd year College ako ng ibinigay siya) at sinabi ko na kahit ako ang maging martir sa ibibigay Niya ok lang basta ipasubok Niya sa akin na ako ay magmahal—may makakapagpatunay po sa ipinag-panalangin kong ito.

So, tanggap ko po ang nangyari dahil sa akin po ay masubukan ko ang umibig at iparanas ito sa iba, dahil sa mga past relationship ko, parang nangyari eh basta ko lang pinagbigyan ang tao na ipakitang mahal niya ako. (Nag-sisisi talaga ako sa mga kagaguhan ko nuon.)

Reminiscing, anyway at iyon nga ang prelude at ending ng “love” story namin.

Post-break up, I was still the normal girl, hindi nga lang ako nagkataon na nakapag-usap ng masinsinan sa mga best friend ko para ilabas ang aking isinasaloob (kaya nga siguro nai-share ko ito dito ngayon). Tapos frequent na akong naglalagi sa DF site para magbasa, basa lang po, minsan lang ako magcomment at second entry ko pa ito, kasi busy ulit sa school. In time naman na puro single ka pa, single sila, single ako, single blah blah, ang bagong mga posts, na mas lalaong nagpa-alala sa akin na may isa akong istoryang gustong ibahagi.

At ayun aside from reading single-ness entries, na-adik din ako in viewing wedding photos and videos, dreaming of that man who will sweep me off my feet. Fairytale moment masyado, siguro dahil doon ako masyadong kinikilig, tapos hindi naman masama mag-dream.

Tapos, nang birthday ni Ex (yung caller) at nang Pasko, I sent him a card naman kahit paano. We had been in a relationship din naman, kaya I tried to still make the friendly acts, ganoon naman dapat, ‘di ba? Kaya lang, disappointing si Ex. Ang sagot lang naman niya sa akin pagkareceive niya noon eh “thank you dito ha at sorry na pero I don’t love you anymore”. OK ka lang? Bawal magpadala ng card ang tao? Wala naman akong sweet nothings doon sa card eh. Bakit ganun? Feeling hindi pa talaga ako nakakaget-over sa iyo? Humahaba heerr (hair) mo dong.

Anyway, isang tip na nakuha ko dito, post break-up etiquette na din ata ‘to, wag ka namang makatawag na parang tayo pa rin, office hours, meaning daytime mo lang ako pwede tawagan naman, malay mo nasa gimik ako o hindi kaya ay nakikipagdate *shivers*  liban na lang talaga kung may maitutulong ako sa kailangan mo kaya napapasugod ka ng tawag sa gabi, hindi yung parang nagpapakiramdaman tayo sa linya. Mahal ang long distance call, kinokonsensya mo ako.

Tapos ngayon pa naman eh linya ko na ang  “nakakastress kayong mga lalaki” dala nang isang nakakapanindig balahibo ko na “accidental”date (ibang story na ito). Binalik naman sa akin ng kuya ko, dito sa kung saan man ako ngayon, “bakit? akala mo hindi kayo nakakastress mga babae?” —-(share ko lang mahaba na din naman ang pinatulan mong sharing ko).

Bitter na nga pala kung ampalaya, masasabi ko lang din, I tried— noong tayo pa, na gawin ang nararapat, nararamdaman at naayon sa hiniling ko sa Kanya, pero kung yung hiningi ko pala kay Lord, ay yung nakadaan na bago sa iyo, sana may chance pa akong i-tama ang maling sapantaha kong ikaw yung binigay. At kung lumipas na talaga yung chance ko sa true love dahil gaga ako, parusa ko iyon sa hindi pakakikinig, pero baka may next in line pa, hindi pa nga lang ako handa na hilingin yung next in line, pahinga muna kasi sabi eh True Love Waits Ü

Masyado pa siguro talaga akong bata na nakikihalubilo sa iba’t-ibang taon ang agwat ng edad sa akin kaya grabe kagulo ang utak ko. Sana lang, hindi ito mabasa ng mga taong more or less involved o ng mga kakilala namin. Pero kung mabasa man nila, at ako ay kanilang makilala, saloobin ko ito, and this is my story- uhmm, parts of it lang pala.

 author:  cydcherisse

p.e./mj

About cydcherisse

Revolving around the topics of life.