Nancy Binay: Ano ngayon kung maitim siya?

nancy-binayMga kababayan, tigilan na natin ang kalokohang ito. Napagtanto kong hindi na tama at sobra na ang panlalait n’yo kay Senadora NANCY BINAY.

Kahit ano mang anomalya o issue na kinasasangkutan ng pamilya nila, hindi pa rin natin maiaalis ang katotohanan na tao din siya at may damdamin din na nasasaktan. Ibigay natin sa kanya ang respeto bilang tao.

Napansin ko kasi at nababasa ang mga panlalait na ginagawa natin sa pamilya nila na sumosobra na lalo na kay Nancy.

Ano na ang nangyari sa pinaniniwalaan natin na, “BLACK IS BEAUTIFUL.”

Bakit nilalait natin ang kulay ni Nancy? Bakit tila ginagawang katatawanan ang pagiging maitim niya? Naisip n’yo ba na nagiging mapanghusga na tayo at sumosobra na ang panghahamak natin sa kanya?

Higit sa lahat hindi lang naman si Nancy o pamilya Binay ang may kulay na maitim o kayumanggi sa Pilipinas. Kaya sa bawat panlalait na binibitaw natin sa kanya, sa bawat pagsabi o pagtawag sa kanya na baluga, kulay uling o aeta, may mga iba tayong kababayan na natatamaan.

Huwag naman natin iparamdam sa kapwa natin Filipino na dahil sa kulay nila ay wala na silang puwang sa mundo.

Damang-dama ko na talaga na sumosobra na tayo sa panlalait kay Nancy Binay.  Huwag naman natin husgahan ang tao dahil sa kulay nito. Alalahanin sana natin na ang totoong kulay ng Pinoy ay kayumanggi. Kaya si Nancy at ang pamilya nito ay simbolo ng tunay na Pilipino.

Kaya tigilan na ang panlalait sa kanyang kulay.

Sana makita at maramdaman natin ang salitang “Sobra.”

Turuan sana natin ang sarili na magbato ng salita sa kapwa natin nang hindi nakakasakit. Maghunos-dili at mag hinay-hinay. Baka sa sobrang panlalait mo sa kulay niya, magkaanak ka rin ng kasing itim o mas maitim pa sa kanya.

Ngayon itatanong ko sa ‘yo. Gusto mo ba na laitin ang magiging anak mo kung sakali? Nakasisiguro ako na hindi ang sagot mo dahil ayaw mo rin ng ganun, ‘di ba? Ayaw mo ng nilalait.

Aaminin ko makailang beses ko na rin na nasabi sa mga comment dito sa Facebook ang mga katagang “Ang itim nga ni Nancy.”

Pero pagkatapos nun napagtanto ko na oppps…parang may mali.

May parte sa isip ko na nagsasabi na mali nga na laitin siya sa kulay niya.

Kasi kulay niya ‘yan, balat niya ‘yan, ganyan siya ipinanganak.

Naalala ko noong bata ako na bilad ako sa araw at sa lahat ng magkakapatid, ako ang pinakamaitim.

Marami ang nagsasabi na “Ang itim mo, bakit ang ate mo ang puti-puti”

May mga nagsabi pa nga sa akin na

“Mas maganda ka sa ate mo kaya lang ang itim mo. “

Dahil sa mga pagkukumpara nila sa akin at sa ate ko, nagkaroon ako ng feeling na sana maputi rin ako.  May time na ayokona nang magbilad sa araw dahil ayokong umitim. Lumaki ako na nangangarap na maging kasing puti ng mga kapatid ko. Dahil naranasan kong maikumpara at masabihan ng maitim. Kaya nakatatak sa isip ko na hindi dapat ginagawang biro ang kung ano mang kulay ng isang tao.

Kung maputi ka at maitim siya, okay, fine, makuntento ka at magpasalamat sa kulay mo.

Kaya’t hinihimok ko ang lahat, lalo na ang mga mapanglait diyan na tigilan na, huwag na natin laitin ang kapwa natin.

Sobra na talaga, kaya tama na ang panlalait kay Nancy Binay.

26 Comments

  1. Ms. Blogger, sana maintindihan mo na nadadamay lang ang kulay ni Nancy at ng kanyang pamilya dahil na rin sa kagagawan ng kanilang angkan. Kung gumagawa ba naman sila ng mabuti at tumutupad sa batas sana hindi na humantong sa hayagang panlilibak ng panlabas na anyo. Actually, malaki ang kasalanan nila sa mga maitim or brown-skinned na mga tao dahil nadadamay pati yung mga matitinong kakulay nila ng balat. Hindi kita aakusahang Binay-aran o kung anupaman. Entitled ka at ang kung sino man sa kanyang opinyon. Kung ang pagiging ethical and morally upright ang iyong ipinaglalaban dahil isa kang kristyano at maka-Filipino, okay sa akin yan. Ang tanong lang eh kung ang iyong binibigyang pagpapahalaga sa iyong ipinaglalaban ay karapat-dapat ba? O baka naman may bahid talaga ng katiwalian at pandarambong? Mahirap depensahan ang sarili lalo na kung ang depensa mo ay malabnaw at walang saysay. (“Pinupulitika lang ako”) Uulitin ko, ang usapin ng kulay ng balat ay walang kinalaman dito. Nadamay lang po.

  2. hindi naman po kasi yung kulay lang niya ang maitim, pati po pag-uugali at ang nagisnang pagkabuhay – puro itim po at mga balakin sa pilipinas maitim din. hindi kami nanghuhusga dahil hindi na mahuhusgahan pa ang napatunayan na. Ang paghusga kung akala pa lang, sa pamilya po nila, napatunayan na ang kaitiman ng buong katauhan at pag-uugali nila, at siyempre kita ang pagkaitim ng balat nila.
    Huwag mong sabihin na simbolo sila ng tunay na piipino, masakit kang magsalita sa mga tunay na pilipinong katulad namin.

  3. These people are character assassinator in nature.. Binays being accused doesn’t mean they’re quilty of the crimes filed against them. People who called Binays names are educated idiots. I agree with the Blogger, Prosecute Binays based on the allegations and prove it otherwise, not by bullying them. Patas na laban, yan ang demokrasya.

  4. TAMA, TAO DIN SILA AT ANG MAKATAO KAPAG NAGKAMALI O MAY NAGAWANG KASALANAN AY MARUNONG HUMINGI NG TAWAD KAYA DAPAT GAWIN NG MGA BINAY KUNG SILA AY MAKA-TAO AY HUMINGI SILA NG TAWAD SA SAMBAYANANG PILIPINO AT ISULI NILA ANG MGA NINAKAW NILA SA MAMAMAYAN NG PILIPINAS. PATI NA RIN ANG MGA NINAKAW MO, ISA KA NILANG TAGAPAGTANGGOL KAYA MALAMANG NA ISA KA RIN SA KANILA. MGA BUWAYA KAYO. MAPUTULAN SANA KAYO NG MGA PAA AT KAMAY AT MABULAG NG MAHABANG PANAHON BAGO KAYO MAMATAY. KASING ITIM NG KULAY NYO ANG INYONG BUDHI.

  5. Ang aking opinion: kapag nagpapapansin daw at gusto kang pasikatin ng isang tao tiyak lahat na puweding sabihin sayo ay maririnig mo…kasi nga daw kapag ang isang tao hindi ka nya gusto kahit anong itsura mo di ka niya papansinin at di ka pasisikatin kapag daw pinansin ka at dinedma mo lang siya naku humanda ka na dahil sa inggit aaryada at kung ikaw artista o politiko matutuwa ka kasi po lalo sisikat ka….at the end of the day iisipin natin na tayo pala ay Pinoy. Kapag nabasa ng mga anak natin ang mga isinusulat natin dito na walang pakundangan nakakatuwa kasi po baka ang generation nila ay huwag naman po sana…baka sila ay mas magagaling pa kaysa naunang henerasyon, Amen.

  6. A piece of shit go to hell pareho lng kayo ng pamilyang ipinagtanggol mo bobo na demonyo pa sunog na kaluluwa nyo .

  7. Si Nancy Binay – Maitim na nga, panget pa, wala pang alam sa pamamalakad ng bansa, masama pa ang ugali… In short, Nancy Binay is a gifted lady… You and your family brainwashed almost all of the illiterate casts of Makati by committing direct bribery to control them. Hindi lahat ng taga Makati ay gusto kayo mga baboy!!!! Ang may mga pinag-aralan at wala sa city hall, hindi kayo gusto! TraPo!

    • Ang tanong sino dapat sisihin kung bakit nasa pwesto ang mga Binay? Di bat tayo rin Filipino ang bumoto sa kanila. Isip isip. Majority votes win, that’s how democracy works.

        • Your answer is absolutely true. The question is who to blame? There you have it,. It’s the Filipinos who sell their votes, and who suffer from it? Isn’t it the entire nation?. Blame it on the rain.

      • I’ve done my part by not voting a single one of the Binays, but I guess, that’s how Pinas system works… Stupid people, not even a worthy citizen, voting garbage politicians! The only way to change our country is to rectify our voting system. Bawal bumoto mga hindi nagbabayad ng buwis!

  8. I do respect the blogger/writers opinion but PLEASE….look at/in the headlines, see and feel what the people are saying…

    They’re Black or let’s say it Brown or to make it more appealing – FAIR in complexion but because of that colour we as the people of the republic of the Philippines simply states that their colour reflects on what they do and say…

    Maitim na Kulay – Maitim na Budhi dahil sa mga kayabangang pinagagawa ng kanilang pamilya
    Maitim na Kulay – Maitim na Balak dahil sa kasiguraduhang pagka-panalo sa 2016 elections
    Maitim na Kulay – Maitim na Panunungkulan sa Makati at sa iba pa
    Maitim na Kulay – Maitim na Bulsa dahil sa kaban ng bayan nakorakot na pera
    Maitim na Kulay – Maitim na talaga eh

    So going back to the blogger/writer should you tend to express an opinion please be mindful as well to double or triple check on the current events as a lot of people will attack at you but yet as you have noticed there’s a total of 10 who have expressed their hatred or let us just say lack of amor to your chosen topic/person.

    Regards

  9. WALA NAMAN TALAGANG MASAMA KUNG MAITIM…… ANG MASAMA AY, MAITIM NA NGA MAGNANAKAW PA, KUNSINTIDOR AT SINUNGALING….. KAYA ANG PANGIT NA ITSURA NI NANCY AY LALONG NAGIGING PANGIT DAHILSA KANYANG UGALI.

  10. Sa totoo lang, wala nmn kameng pake kung maitim sila. Kaso pinapakita nila sa lhat na sila ay arogante, inconsistent, mapagmataas, hindi sumusunod sa batas, at walang utang na loob.
    Khit hnd ko na isama ung ‘magnanakaw’ at ‘sinungaling’, dahil baka sabhn nio d pa napatunayan un, pero umaalingasaw pa rin ang kaitiman.
    Itong article na ito, masyadong bias. Halatang bulag ang may gawa.

  11. You missed the point…hindi hitsura kundi budhi…nasabi mo yan bilang writer kasi guilty ka na sa hitsura ka nanglait…ako hindi dahil ang basehan ko ay ang pinagagawa nila…magkano ba bayad sayo? Tangna mo wag ka.na magsulat

  12. kung ayw nilang malait mahusgahan aba tingilan nila ang pag nanakaw sa kaban ng taong bayan kayo kumakain ng masasarap nakakabili ng gamit na milyon milyon magagarang sasakyan bahay kung ano ano pa dahil sa pera ng taong bayan na kinurakut ninyo

  13. Katamad basahin sa sobrang haba. Paulit ulit lang naman. Oo na tunay silang pilipino dahil sa kulay nila pero di sapat na batayan un para maawa na kami sa kanila. Kung sila nga di naawa sa mga pilipinong nghihirap, ung dapat para sa taong bayan eh binulsa pa nila. Ung dapat para sa mga mahihirap kinurakot pa nila. Para ano? Mgpalagay ng elevator sa bahay nila???

  14. Yeah I agree, we should criticize not bash… However, the frustrations of the netizens is the cause of the bashing. Over na kc ang corruption ng pamilya nyo pero playing victim and righteous pa kayo… We just assume na hindi kayo nasasaktan kasi di rin kayo nakokonsensya…lol

  15. Oo nga sobra na pagnanakaw namin este panlalait samen. Ang bobo ng writer ng article na to, masosobrahan saken to pag ako nanalo sa 2016. Mabuhay ang mga Binay!

  16. ang bobo ng writer na to…hindi ang panlabas ni Nancy ang nilalait ng mga netizens kundi ang sobrang kaitiman ng budhi nya at ng lahi nya!! bobo! magkano binayad sayong bobo ka! ang pait pa ng grammar mo! pwe!

Leave a Reply to Reggie Rex Garcia Cancel reply

Your email address will not be published.