Nanay, napaanak sa eroplano patungong Isabela

Image from 24 Oras

Kasabay ng paggunita ng Mother’s Day noong linggo ay ang panganganak naman ng isang ina habang nakasakay sa eroplano papuntang Isabela.

Image from 24 Oras

Ayon sa ulat ng 24 Oras, nanganak ang ginang na si Shirley Obias habang nasa himpapawid ang eroplano na galing sa bayan ng Divilacan sa Isabela patungong Cauayan City sa probinsya rin ng Isabela.

Ang bouncing baby girl ay pang-pitong anak ni Obias na kaniyang pinangalanan na “Sky.” Memorable kasi ito.

Image from 24 Oras

Parehong nasa magandang kalagayan ngayon si Obias at ang bagong silang na sanggol.

Hindi basta-basta ang panganganak dahil nangangailangan ito ng masusing pag-aasikaso at komplikadong proseso. Sa isang maling galaw lamang ay maaaring malagay sa peligro ang buhay ng ina at ng sanggol.

Paano naman kung ang isang babae ay manganak nang hindi inaasahan habang nasa himpapawid?

Ito pala ay posible basta’t maingat ang mga nagsasagawa ng pag-asiste upang hindi magkakaroon ng kontaminasyon ang ina at sanggol.

Marami na ring naitalang kaso ng mga nanay na nanganak habang sakay ng eroplano.

Noong 2016, isang pasahero ng Philippine Airlines ang nanganak sa loob ng eroplano na pansamantala munang lumapag sa India upang isugod sa hospital ang nanay at ang kaniyang premature na anak.

Habang noong 2018 naman, isang 21-anyos na babae ang nanganak sa eroplano ng Turkish Airlines. Buti na lamang at doktor ang kaniyang asawa at tinulungan din sila ng mga cabin crew upang maisilang nang maayos ang sanggol.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.