Nakaranas ka rin ba ng ganitong “open” party? ^__^

Ang sayawan [o part-party] nung late 70’s hanggang 90’s ay kadalasang ganito… ayon sa pagkakatanda ko ^_^

(Photo Credit: Facebook Batang 90s)
(Photo Credit: Facebook Batang 90s)

Naranasan mo ba ang partying noong dekada 70, 80? O kaya’y 90?

Naku, hindi pa kausuhan ang disco sa mga teenager noong araw hahaha, pero meron na rin yata, mahal nga lang… at nightclub pa ang naririnig ko sa mga matatanda noon.

Mga bandang mid-70’s nung teenager pa lang ako [O ‘wag na kayong magkuwenta ng edad ko hahaha], kadalasan noon ay may mga liga-liga sa mga barangay. Maraming kabataan ang palasali noon sa mga liga…’yung tipong napupuno ang paligid ng court sa mga manonood at maingay na nagsisipag-cheer sa kanilang teams.

Maraming barkadahan na rin noong panahon na ‘yun. Uso na rin ang me pangalan ang barkadahan lalo na kung players kayo ng basketball o volleyball.

At siyempre, dahil me mga barkadahan, kapag me nagbe-birthday, wow, pagkakataon na ‘yun para magka-party. Bahay-bahay lang ang sayawan… kadalasan me babakurang area… garden, bakanteng lote o kaya ay sasaraduhan ang kalye kung wala nang ibang choice. hahaha  Dedekorasyunan ng kung anu-ano. Pagkakataon na ‘yun para makakilala ka ng mas maraming kabataan.

‘Yung mga kalaban n’yo sa ibang barangay, nagiging kaibigan dahil sa party. ‘Yung mga may crush pagkakataon na para makasayaw ang ‘secret’ crush nila hahaha

Ang nakakatuwa lang, pag rugged o disco music, kakaunti lang ang tao sa dance floor, pero kapag sweet na, nakupowww..apaw. Puno. Siksikan. Lalo na kung medyo na-dim na ang lights…dami nang partners niyan! hahaha

Natatandaan ko noon ang mga salitang “binabakuran”… ‘yun ‘yung tatabihan mo na ang isang dalaga at hindi mo na hahayaang maisayaw ng iba. hahaha talaga

Mayroon din namang tinatawag na “change partners”…na biglang ina-announce ng DJ o operator ng sound system. Nakakatuwang magpapalitan ng partner, pero kadalasan,  me biglaang “hoohhhh” hiyawan na panunukso pag nagkapareha ang “love teams”. hahaha

Nandoon rin ‘yung sisigaw ang DJ operator ng “Ladies’ Choice”...naku..medyo kaunti lang ang kadalagahang tumatayo riyan. hehehe Marami pa kasi noon ang ‘dalagang Filipina’. Para bang mabubuking ka kung sino ang crush mo pag ikaw ang namili ng isasayaw!

Pag discotheque music na… kausuhan ng “Disco Fever” ng VST & Co, hahaha nagsisirampa na ang mga dance guru. Lalo na me swing na at boogie, parang mga contestants ng “Dance O Rama”.

Ang karamihan sa mga bisita, nakakasayaw lang pag sweet music, hehehe. Sway-sway lang kasi habang nakasampa ang mga braso sa dibdib ng guys, and vice versa, nakakalawit lang sa bewang ng babae ang mga guys. No sweat!  Nakakainis lang pag malamok hahaha titiisin mo ang kagat lalo na kung medyo crush mo ‘yung kasayaw mo! ^_^

Uso na rin ang mga gate crashers noon — ‘yung mga hindi imbitado pero pag halfway na ng party eh, nagsisipuslit papasok. Sa ganun naman kadalasang nagkakaroon ng bad tripan…pero ‘wag nang ikuwento. ^_^

Sa food and drinks, simple lang noon…walang mga beer, hard drinks o Emperaning.  Punch lang ang uso noon; juice na medyo nilagyan ng gin yata ‘yun at mga slice ng apple o oranges.

Basta…bahagi ng kabataan namin ‘yan noon. Something na malabo na yatang bumalik kasi iba na ang trip ng mga kabataan ngayon. “Let’s Dance” videos na ba ngayon?

Tara, mag #TBT na lang muna tayo!

1 Comment

  1. bumabakod ako dyan hehehe. isang styl ko dyan kakutsaba ko ang operator pag kasayaw ko na yong crush ko ng modern sabay lipat ng sweet musik yon hangang anim na sunod yon walang upuan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.