NAKAKAUMAY

Naranasan mo na bang maumay o manawa sa isang bagay na lagi mong ginagawa o naging parte na ng buhay mo sa araw-araw? Ano nga ba ang pakiramdam?

Minsan, dumarating talaga sa buhay natin ang maumay o manawa, tulad ng ginagawa natin sa araw-araw: Paggising sa umaga, maliligo at maghahanda sa pagpasok sa trabaho, pagdating mo namn sa trabaho mag-uumpisa ka na sa trabaho at maghihintay ng walong oras para makauwi, pag-uwi mo naman kakain,matutulog at pagkagising panibagong oras na naman ang bibilangin mo upang matapos ulit ang isang araw..haayzz…lagi na lang bang ganito? Nakakaumay!
Maging sa ating mga kaibigan hindi ba’t minsan nakakaramdam din tayo ng pagkaumay? O sa ating kasintahan; sa araw araw na ginawa ba naman ng Diyos eh sya ang lagi mo na lang kausap..kabiruan..o kung ano pa man..kung kaya’t kapag nakakatagpo tayo ng bago, nagiging sabik tayo na kilalanin at ang tendency nun eh nawawala sa eksena ang nauna mong kakilala o minahal.
Naghahanap tayo ng iba, katulad lang yan ng ulam, nakakasawa na puro na lang karne o manok ang ulam..nakakaumay! Kung kaya’t tayo ay nagluluto at naghahangad ng ibang putahe naman. Katulad nating mga OFW sa abroad, nakakaumay man ang paulit –ulit na trabaho at ang pabalik-balik sa abroad, kailangan nating gawin para sa ating mga pamilyang umaasa sa atin..haayyss nakakasawa na! yun na lamang ang tangi nating masasabi..!

Ngunit maumay man tayo ng ilang beses, ang mga bagay na ginagawa natin sa araw-araw sa trabaho man o sa bahay, mga kaibigan natin na laging kausap at kasintahan na ating pinili at minahal, ang paulit-ulit nating ulam, ang lahat ng ito ay naging parte na ng ating buhay. Makahanap man tayo ng kapalit o ibahin man natin ang routine nito,minsan babalikbalikan pa rin natin lahat. May makalimutan man tayo, nakatatak na sa atin ang lahat ng ito. Kailangan pa din nating gawin ang ibang bagay sa aking mga nabanggit dahil ika nga, no choice.

About tawengskie

emoemohang Makata.. :p..