Nagsimula sa Pagiging Textmates

(Photo Credit: www.snapthepix.com)
(Photo Credit:  www.snapthepix.com)
(Photo Credit: www.snapthepix.com)

DESTINY. Wow, big word. If I remember it right, sabi ng teacher ko sa English ang destiny daw ay ang invisible supremacy that can control what will happen in the future. Sa Tagalog, ito ang TADHANA. Kung ako ang tatanungin niyo nung ang edad ko ay nasa early 20s pa lamang, kalokohan ang maniwala dito. Guiding principle ko nga ang walang kamatayang “Destiny is not a matter of chance. It is a matter of choice”. Pero noon yun. Kasi ngayon, it is with a sweet smile that I say destiny has really been good to me — for bringing in a man who loves me deeply and accepts me for what and who I am.

Hindi naman ako hopeless romantic. At some points in my life I even avoided getting into romantic relationships kasi sakit sa ulo lang ang dala nito sa buhay ko. Nadala na rin kasi ako. I have been with a boyfriend na kulang na lang ay patayin ako sa sama ng loob and would even hurt me physically. And take note, I stand the three years of our relationship together. Now, that’s katangahan. And when I finally had the courage to walk away from the relationship, I became a better me. So para sakin mas mabuti nang walang karelasyon, wala pang sakit sa ulo and sakit sa bulsa at times.
But that one Wednesday afternoon of August 2011 brought me waves of hope na somehow there are good things coming up. I just came from Baclaran Church that day and was ecstatic to inform my gay friend that he is being invited to host a birthday bash by a cousin of mine. I got out my phone and texted him right away. But the response I received made me pinch myself kasi napakatanga ko talaga. I thought I know my gay friend’s mobile number by heart that is why I haven’t double checked na kasi bago phone ko at wala sa phonebook ko number niya. Yun na nga, naligaw pala text ko.

“Sino po sila? Hindi po ako si Jaime.” — 0920xxxxx62

“Oh, sorry. My fault. Never mind, just delete my number.”

“Ok.” — 0920xxxxx62

“Baka naman pwede kita maging kaibigan.” — 0920xxxxx62

I didn’t respond. Makulit din itong tambay na ‘to, naisip ko. Hinayaan ko lang ang cellphone ko, tinamad ako magbasa ng texts niya. But when I was about to sleep, I told myself why don’t I give in to the flow. Most especially that I need something to veer my mind away from pressures at work. I pressed keys on my cellphone, and the exchange of text messages goes on and on.

Grabe, 2am na yata ako nakatulog. I couldn’t imagine myself being sooo corny, nag-indulge ako sa ganung klaseng kagagahan. Buti nalang I can work at home if ever hindi ako magising ng maaga. Napag-alaman ko na isa siyang Criminology graduate sa Maynila, taga-Batangas, ulilang lubos at kasalukuyang nagsasaka sa lupang naiwan ng mga magulang niya para may maipangtustos sa pag-aaral ng bunso niyang kapatid. May girlfriend siya pero hindi pa daw niya nakikita kasi nag-abroad. Kung gusto ko nga daw ay buksan ko ang email add niya para makita ko ang mga email sa kanya ng girlfriend niya. Ayoko nga mangialam, sabi ko sa sarili ko.

The exchange of text messages ay naging routine naming dalawa. We often talked about politics, business, at kung anu-ano pa. Kahit sa text at tawag lang kami nag-co-communicate, nabuo na sa isip ko kung anong klaseng tao siya. Ma-prinsipyo, madaming pangarap sa buhay. Then one day he confessed na napapamahal na daw ako sa kanya. I was taken aback, kasi may girlfriend siyang tao. But he insisted na feeling niya daw ay pinaglalaruan lang siya ng babae kasi halos two months nang wala silang communication. I gave myself the benefit of the doubt.

To cut the story short, I reciprocated the love he has for me. Wala akong pakialam kung sabihin ng ibang tao na napaka-cheap ko at pumatol ako sa isang ka-textmate na magsasaka lang. Hindi naman ako tumitingin sa estado ng isang tao. I look more into what composes his soul and I saw a brilliant stone inside. Importante din, mahal niya ako.

Then we met two months after we became officially a couple. Hiyang-hiya talaga ako, hindi ako sanay sa ganito. Eyeball. A dinner at a fastfood chain at nakita ko pano siya magkamay kumain. Ako muna ang nagbayad, kawawa naman yung tao. Then it all started from there. He became my kakampi, my adviser, my buddy. Ngayon he is working as a security guard and I don’t mind if he still has his uniforms on kapag sumusundo sa akin sa office ko sa Makati. Totoo siyang tao. Proud ako sa kanya. And a few months from now, we will be husband and wife in the eyes of God and of man. Oo, ikakasal na kami. And I am so much happy. Destiny, it is. Nagsimula sa pagiging textmates at ngayon ay sabay na tinatahak ang aming journey to forever.

**************************************************************************

About happy bear

60% extrovert. 🙂