Nagmahal ako ng Matandang Foreigner

older-man-younger-woman-dating
Photo credit: http://www.askheartbeat.com/ahb2010/the-love-of-my-life-is-30-years-older-than-me/

Magkahawak-kamay kami habang naglalakad sa kalye. Alam kong maraming mga matang mapanghusga ang nakatutok sa amin. Alam kong sa isipan nila, pera lang ang habol ko sa kanya. May iba pa riyan na mas matatalas ang dila. Hindi nila maiwasang magsalita ng “Walang delikadesa, tinitiis ang amoy lupa at nakikipagtalik sa kulubot upang magkapera at magka-green card lang!”

Alam kong sa pinasok kong relasyon, marami ang puwedeng manghusga sa akin. Walang pakialam ang ibang tao kahit siguro ipagsigawan kong ako’y residente na sa bansang kinaroroonan namin ng BF ko bago ko pa siya nakilala. Hindi rin siguro ako paniniwalaan kahit na sabihin kong naitaguyod ko ang pamilya ko sa sarili kong pagsisikap noong nangibang bansa ako.

Oo, nagmahal ako ng lalaking bente-singko anyos ang tanda sa akin. Pero bakit kung husgahan ako ng lipunan, parang alam nila ang pagkatao ko? Bakit marami ang mga taong kung tingnan ako mula ulo hanggang paa, parang isa akong kriminal at salot sa lipunan?

Naging manhid ako sa panghuhusga sa akin. O mas magandang sabihin na umiwas ako sa mga taong makikitid ang utak. Nakilala ko ang mga taong totoo sa akin lalo na iyong nirespeto ang relasyong mayroon ako.

Minahal ko siya hindi dahil sa pera niya. Sa katunayan, nalaman ko na lamang na may apat siyang negosyo noong mag-iisang taon na kami. Hindi ko rin siya minahal upang maging citizen ng bansa niya. Minahal ko siya dahil nakita ko kung gaano siya magpahalaga sa pamilya niya at sa mga tao sa paligid niya. Minahal ko siya dahil sa respeto niyang ipinakita sa akin. Minahal ko siya dahil sa pagkatao niya, hindi sa kung anong mayroon siya.

Hindi lahat ng nagmamahal sa foreigners, bata man ito o matanda, ay pera o citizenship ang habol. Kapag ang puso ang tumibok, hindi ito pumipili ng edad o nasyonalidad kaya walang karapatan ang sinuman na husgahan ang isang tulad ko na nagmahal nang totoo.

11 Comments

  1. Join narin ako da discussion share ko na rin ang experience ko. 19 years old ako at 53 years old naman ang bf kon aliman. SA madaling salita 33 years ang tinda niya sa akin. Take not virgin ako dahil laking probensyana nga. TAS MAS masakit pa nito may asawa at anak pa siya at hindi hiwalay. Iwan ko ba na develop ako sa kanya kahit pamilyado na siya. May nagsasabi kung kasya ba ung kanyang manoy sa akin at dahil marunong akung sumagot sa mga tao dahil nursing student ako noon walang malisya sa akin un. Ang sagot ko oo naman stretchable kaya tong akin. Jejeje natatawa sila. Minahal ko siya ng sobra sobra. Pero dahil sa situation namin na Kabit lang ako. Hindi ako naging masaya sa bandang huli after 10 years kumalas ako nakipag break ako. Sa ngayon masaya may asawa at anak narin ako at walang sabit tong napangasawa ko. Dahil single to thanks God. Ginawa ko na ang tama.

  2. Love doesn’t define our age or to whom we would like to be with, I understand na pinaguusapan k nila because you are with whites, discrimination talaga satin sobra, and girl you don’t need to explain to anyone wherever immigrant kn before you meet your man, nobody will care, envies and insecurity ang papatay sa mga intrigerang yan, even nakakatulong nga cya sayo financially at dahil sa mas matured cya sayo nakakarinig ka sa mga kabayan ng di maganda, simply, your lucky to have him even hindi mo sinasadya, malas nila kc wala sila, kung may chance sila na ganyan malamang susunggaban din nila, sk hindi lahat ng matanda amoy lupa loll come on pilipinas version 2.0 na po tayo ages doesn’t matter what matter is they love each other..push mo yan girl show them what you got hahahaha.

  3. push mo yan girl,inggit ang nasa puso ng mga iyan…,,ang kapatid ko nag asawa ng black american,,napakasuwerte niya dahil bihira lang siguro mahalin ka ng in-laws mo..ang kapatid ko sobrang mahal ng mother-in-law nya…more than 15 years ang age gap ng kapatid ko at ang husband nya…so what’s the big deal??nakaexperience din ng hindi maganda ang kapatid ko sa reaksyon ng mga makikitid na utak, but their relationship stays stronger and stronger..pinatunayan nila na wala sa edad at kulay ang pag-ibig..kudos to my sister and my brother in law…

  4. I get inspired with stories like yours, friend. I am 25 and I never had a boyfriend ever in all my life until this man, 49 years older than I am came along. Sounds “crazy”, right? Yes, people will say it’s crazy. I am a professional teacher and currently taking my masters in educ. management. I have two really good paying jobs and I am a modern, educated Filipina. I am independent and can stand on my own. I have never met a man like him. He is just so perfect for me and I believe “I was made for him”. I love being loved by him and loving him in return. Both of us are amaze with our love story everyday. It is just so amazing how two people from almost 3 generations apart are so romantically in love with each other. –well, just sharing and thank you for sharing your story, friend.

    • love is in the air..i prepared to be with matured people like them than to be with immature one na ikaw pa ang magdrive ng relationship nyo.

  5. My husband and I live in the Philippines. I am a lawyer here. I have no real interest in migrating, if not for our son. I lose my right to practice law here, at least until i get dual citizenship. Frankly I care very little about other people’s opinion. I know my value and my worth. People with narrow minds and cling to the myth that pinays are only in it for the green card and money, don’t realize how educated and accomplished the modern pinays are.

    In age there is more maturity and a sense of responsibility, something that you cannot find in youth.

  6. i was of the same situation as yours, but i am currently based here in UAE working as an auditor and a licensed accountant. My German fiance is 15 years older than I. I dont care kung anuman sabihin ng ibang tao about our relationship as long as I know that both of us are earning decently, respect and love each other. I am helping my family by my own though I know he is always there for a help just in case. I love him as he is, kung anuman ang pagkakakilala ko sa kanya, with sense of responsibility and an ideal family man. A simple employee of a German company with a satellite office here in UAE and even so, working so hard for a living, and after two years of relationship only to find out all the financial success that he had when we visit his country.

    We cannot say to whom and when we will find the right person for us. Maybe yes, we cannot deny the fact na yung iba ganun talaga ang nagiging sole purpose in finding and choosing their mates, and hindi tayo makaligtas sa mapanghusgang mata ng mga tao sa paligid natin.

    Sometimes i wonder, bakit hindi na lang nila intindihin ang mga buhay nila and try to improve their living either thru career advancement or whatever means that they have. Anyway, God bless to them 🙂

    I appreciate your blog 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published.