Naghihintay pa rin ako sa Iyo Aking Sinta.

Waiting (Photo Credit: Thoughtsfromheart.weebly)
Waiting (Photo Credit: Thoughtsfromheart.weebly)

Para sa iyong pinakamamahal, gagawin mo ang lahat. Kahit ang magpakatanga gagawin mo, pati nga paghihintay sa wala, magagawa mo eh.

Waiting     (Photo Credit:   Thoughtsfromheart.weebly)
Waiting (Photo Credit: Thoughtsfromheart.weebly)

May mahal ako, hindi ko alam kung nasaan siya. Hindi ko alam kung kami pa ba o hindi na. Sabi ko nga sa mga tropa ko at mga nagtatangkang manligaw sa akin: “May boyfriend ako, pero nawawala.”

“Nawawala” kasi bigla na lang siyang naglaho. Hindi na nagtext, tumawag, pumunta sa amin, nagchat sa facebook o sumulat man lang. Walang iniiwanang dahilan. ‘Di ko alam kung bakit nagkaganoon. Ayos pa naman kami nang huling pag-uusap namin sa cellphone.

May ILOVEYOU at ILOVEYOUTOO pa nga eh.

Simula nang hindi siya nagpaparamdam, mapraning praning ako sa pag-iisip kung nasaan siya, kung ano nangyari at biglang naging komplikado ang relasyon na akala ko ay masaya. Masayahin ako, maingay at madaldal na dalaga, pero nang mangyari ang sinasabi kong biglang pagkawala niya, hindi na ako makitang nakangiti o nakikipag-uusap ng mga kaklase ko. Napapraning sila sa pagtahimik ko, hindi kasi sila sanay.

Pinipilit kong maging masaya, pero napapalitan ito ng luha dahil sa mga negative thoughts na naiisip ko. Maraming nabahala dahil alam nilang mahal na mahal ko itong taong to. Nalasing ako at umiyak, nailabas ko lahat ng sakit sa mga katropa ko. Hindi nila ako iniwan, pinayuhan pa nila ako.

Ang pakiramdam ko na nag-iisa ako ay biglang nawala dahil sa kanila.  Sabi nila ‘wag na raw akong umasa, pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung bakit bigla ako naging positive thinker. Siguro, dahil mahal ko siya, kaya ako ay umaasa pa rin nang nakangiti. Dahil rin siguro sa mga pangako niya na ‘di ako iiwanan at sa mga salita niyang mahal na mahal niya ako at ako ang babaeng pakakasalan niya.

Aking sinta andito parin ako, naghihintay sa pagbabalik mo, sa yakap at halik mo. Sasalubungin kita ng matamis kong yakap, halik at ngiti. Sasambitin ko ang mga salitang “Babe, namiss kita. Sabi ko sa ‘yo, ‘di kita iiwan eh. Mahal na mahal kita.”

author:  yaanieyan

p.e./mj