Nag-Uulat Sa Gitna Ng Delubyo

11/10/2013 8:55:50 AM
(Photo Credit:medianewser)

Define JOURNALIST.

Hindi biro ang mag-ulat ng ganito. Delikado, malaking sugal sa kalusugan, at kung mamalas-malasin ay baka ‘di pa maganda ang kakahitnatnan mo, possible ka pang mapahiya kung sakaling pumalpak ka na magiging trending ka sa internet dahil dun. ‘Yan ay kung hindi ka mag-iingat sa gitna ng isang napakapeligrosong sitwasyon.

Ano ang ibig kong sabihin? Ang serye ng mga ulat noong nakaraang Biyernes ng umaga – sa kasagsagan ng bagyong Yolanda sa Leyte – ay isa sa mga tila “defining moment” ng role ng media sa kasalukuyang kabihasnan.

Habang tinitignan ko ang mga special coverage ng mga news channels mula pa nong Biyernes ng tanghali hanggang kagabi, at ang pag-aanalisa ng mga video nila sa YouTube, aba, par aka naman yatang nakikipagpatintero kay Kamatayan kung ika’y napapalibutan ng matinding buhos ng ulan at sorbang bilis ng bugso ng hangin.

Bakit ko sinasabi ang mga ito? Dahil ko kung ano ang linya ng propesyon nag ginagalawan nila. Nag-aral din ako d’yan. Alam ko na kelangang maihatid mo ang mga balita “as it is.” As in nangyayari pa; “spur of the moment” ba. Ika nga samga headlines – mainit-init o nagbabaga pa.

At alam ko, hindi naman mainit ang bagyo eh. Pero literal ka naman masyado. Mainit siya sa mga oras ng alas-7 ng umaga dahil sa mga oras na ‘yun ay kasalukuyang binabayo ang ilang lalawigan sa ating bansa ng bagyong Haiyan (o sa ating bokabularyo ng mga bagyong pnagalan, Yolanda), particular na ang hagupit nito sa Leyte… ang tila magimbal na pagising ng maamamng panahon sa mga tao roon.

Nag-trending si Atom Araullo sa katapangan ng kanyang ginawa. Kung titignan ang video ng report nioya, halos binuwis na nga ang sarili sa pag-uulat na ‘yun eh. Ikaw ba naman, nasa labas ka, binubuhusan ka ng bugso ng hangin at ulan, at mantakin mo, focused ka nun (sa kabutihang palad , may helmet siyang suot; talagang maingat pa rin).

Pero alam mo, hindi lang dapat si Atom Araullo (pati ang kanyang news team) ang saluduhan dito. Dahil halos bawat sinuman na nag-cover sa mga kaganapan rito, ke kapamilya man o ibang network, ay nagtrabaho at tinaya rin nila ang sarili nila para lang maihatid ang mga nagaganap doon. Siyempre, nag-iingat lang din suila dahil tai pa rin naman sila kahit sila ang mas literal na “waterproof.”

Kung tama ang aking pagkakaalala, maliban kay Araullo, sila Erwin Tufo, Gerald Garcia at Benjie Dorango ng TV5, Michaela Papa, Love Añover, at Jiggy Manicad ng GMA 7, at ultimo si Manong Ted Failon ng ABS-CBN, ay may kani-kanila pati na rin yung ibang mga regional at local TV news network personnel na andun ang presensya sa nagugulantang probinsya.

Pero bakit si Atom lang ang nag-trend? ‘Di ko alam (at walang halong kulay ni Janet Lim-Napoles yan ha?).

Click here to read the entire article. Also, attached into the post are the videos of reports from Atom Araullo, Micaela Papa, and Benjie Dorango.
Author: slickmaster | ©2013 septermber twenty-eight productions

 

Enhanced by Zemanta

2 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published.