Nag-iisa, Wala Na Sila

All alone (Photo credit: popjargononline)
All alone (Photo credit: popjargononline)
All alone (Photo credit: popjargononline)
All alone (Photo credit: popjargononline)

Paano nga ba maging masaya? Ewan ko ba, nakalimutan ko na din yata. Dati kasi, ang alam ko ay ang pamilya ko ang nagpapasaya sakin. Basta masaya sila, masaya na rin ako. Pero hindi rin pala, nakapapagod din pala na pasayahin sila at mag-pretend na masaya ka kasi masaya sila.

Tatlong taon na akong nasa abroad, at sa tatlong taon na iyun, magugulat ka na wala akong ipon. Isa ako sa mga OFW na nakikipagsapalaran sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang pamilya sa Pinas. Pero take note, single ako, pero wala pa ring ipon. Ang dami kasing gastos. May babayaran dito, bayaran doon. Birthday ng aso pati ng pusa. Lahat na lang yata ng okasyon, ako ang bida at paborito nilang puntahan si manong LBC para kumuha ng pera na padala.

Noong isang taon, umuwi ako sa Pilipinas. May naging boyfriend kasi ako kaya ipinakilala ko sa pamilya ko. Akala ko OK lang. Akala ko tanggap na nila. Pero ang sakit pala na marinig galing sa sarili mong ina na “kaya ka pala walang perang bakla ka, nanlalalake ka pa”. Gusto ko sana mangatwiran na lahat ng pera ko ay napunta sa kanila pero di din naman ako mananalo kasi siya ang ina. Ang hirap maging bakla. Pag minahal ka, iisipin pineperahan ka. Pag ikaw naman ang nagmahal, iisipin nilang naglulustay ka ng pera.

Ngayon, wala na si jowa,. Wala na rin akong pamilya. Di na kasi ako nagpapadala kaya wala nang text at tawag galing sa kanila. Ewan ko nga ba, pero kung iisipin mo, piso lang naman ang text sa roaming. Balita ko nga 2 pesos lang ang tawag sa Sun Cellular pag overseas call. Free din naman ang chat sa Skype at YM pero nakakaalala lang kasi sila kapag katapusan na at remmittance day na. Malungkot na realidad. Nagkasakit nga ako at naospital pero di ako kinamusta, at sa 125 comments sa post ko sa FB na nasa ospital ako eh walang comment galing sa pamilya ko.

Uuwi pa ba ako ng Pilipinas? Ewan ko, baka hindi na. Siguro, baka pagdating ng araw na alam ko na ulit kung paano maging masaya. Kapag naghilom na ang sakit at ang sugat na ibinigay ng sarili kong pamilya na inakala kong nagbibigay sakin ng saya. Sisimulan ko nang matuto kung paano maging masaya na mag-isa, kasi yun ang gusto ni inay – mabuhay ako at tumanda ng mag-isa.

Ikaw, nag-iisa ka na rin ba? Balitaan tayo ha, bigayan tayo ng tip kung paano makaahon sa lungkot ng nag-iisa.

2 Comments

  1. Mahirap talaga yong pakiramdam na nag-iisa ka sa mundo lalo na at ang inaasahan mong reresbak sayo pamilya mo at sila pa rin naman mismo ang mag down sayo. Nandito rin ako sa ibang bansa at walang ni kamag-anak, may mga kaibigan, oo but may buhay din sila at kanya2 rin kami ng pagsusumikap. Palagi rin akong nagpapadala noon, kahit hirap pinapadalhan ko sila kahit pa sabihing last penny ko na lang. Tapus sa huli ako pa ang may pagkukulang at kung tatanungin mo kung saan napunta ang pera, ma offend sila dahil kung magbigay daw dapat hindi kwentahin kasi nga kung magbigay ka dapat kusa at hindi kinikwenta. Ang dami pang request…akala nila pinupulot ko ang pera dito. Dahil sa marami silang anak, iniisip ko kalagayan nila at kahit papaano tinutulungan at kung may sasabihin akong plano sa mga bata, paplanu pa raw ako eh buwan2 ba akong nagpapadala…? Nakakatuwang isipin, pasalamat nga sila kahit pa sa ugali nila may nag-iisip na tumutulong para sa kinabukasan ng mga anak nila, ang hilig mag-anak ni di man lang iniisip kung ano ang maging kinabukasan ng mga anak nilang dosena na. may isa rin akong kapatid na noong ako ay bata pa, tratuhin akong di kapatid nya. I wished nga noon kapitbahay nalang kami at hindi magkapatid para naman maging close kami at mahalin nya ako. Mas importante pa ang kapit bahay namin noon at yong distant relatives namin at lahat kami pamilya nya kaaway nya. sa panahong yon wala kaming ginawang mabuti para sa kanya. Time comes ngayon may sakit sya at hingi ng hingi at sa aming magkakapatid ako lang ang tumutulong sa kanila. Itinataguyud ko pa rin na makatulong, BUT pag wala ako, di ako nagpapadala….. Walang makakapilit sa akin at saka kahit may pera ako it is my CHOICE. Life is a choice you know, so does happiness…tatagan mo ang loob mo, somehow makakita ka rin ng mga mabubuting tao at ituring kang tunay na KAPAMILYA….

Leave a Reply

Your email address will not be published.