Naaalala N’yo Pa Ba ang SARMENTA-GOMEZ CASE Kung Saan Sangkot si MAYOR SANCHEZ?

sarmenta-gomez

June 29, 1993, natagpuan sa magkaibang lugar malapit sa Calauan ang mga kaawa-awang bangkay ng magkasintahang sina Eileen Sarmenta at Allan Gomez, mga mag-aaral ng UP Los Baños. Ayon sa mga naunang imbestigasyon ng Presidential Anti-Crime Commission o PACC na pinamumunuan ni Joseph Estrada, ang motibo sa krimen ay “love triangle” at si Kit Alqueza ang itinuturong utak sa pagpatay kay Gomez na kanyang kaibigan. Hindi ito pinaniwalaan ng karamihan at maging ang mga magulang ng nasawi ay sumuporta sa pagiging inosente ni Alqueza. May mga nagsasabing muntik na itong maging katulad ng kaso ni Pepsi Paloma na ayon sa iba ay pinagtakpan ng mga magkukumpareng makapangyarihan.

Pumutok at nadawit ang pangalan ng alkalde nang lumantad ang star witnesses na sina Aurelio Centeno at Vicencio Malabanan na parehong mga bodyguards ni Sanchez. Ayon sa kanila ay sila ang naatasang magmaneho ng ambulansyang ginamit sa pagdukot kina Eileen at Allan, pero mariin nilang ipinahayag na hindi sila kasali sa panggagahasa at pagpatay na naganap.

Noong una ay sinabihan silang may dadamputin lang na gun runner at tulak ng droga, ngunit sa huli ay nalaman nilang nandoon sila sa loob ng UP upang “mag-grocery” ng babaeng ireregalo kay mayor. Kasama sa line-up ng mga goons ay sila Luis Corcolon, Rogelio Corcolon, Baldwin Brion, Zoilo Ama, Pepito Kawit, at George Medialdea (noo’y Deputy Chief ng PNP Calauan). Ayon sa mga testigo, dinukot na rin nila si Allan upang walang bulilyaso dahil kasama nito si Eileen noong matagpuan sila sa Agrix complex.

sanchez 2

Dinala ang dalawa sa Erais Farm na pagmamay-ari ng kanilang mayor. Habang nagpapakasasa ang alkalde sa regalong natanggap sa loob ng kanyang silid ay binubugbog naman sa labas ng mga galamay niya si Gomez. Matapos maisagawa ang kamanyakan ay ipinaubaya na niya sa kanyang mga “anak” ang dalaga at ang binata.

[youtube http://www.youtube.com/watch?v=h07W3ZBPVaU?rel=0]

Habang nagbibiyahe patungong Calauan ay binaril si Allan sa loob ng sasakyan at itinapon ang kanyang katawan sa daan. Sa isang tubuhan sa Sitio Paputok naman dinala si Eileen upang halinhinang gahasain ng anim na kalalakihan. Matapos noon ay binaril din siya…

CLICK HERE TO CONTINUE READING

 

JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 34-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains several blogs namely NoBenta, Noong Ako ay Bata Pa…, Paul & Xander, and Frontispiece 2.0.