Na-missed call ‘nyo lang kami…

Sawang-sawa na ko… lagi ko na lang naririnig:
– Yung mga call center agents masungit, hindi namamansin.
– Yung mga call center agents may STD, HIV, liberated masyado.
– Yung mga call center agents hindi dapat sineseryoso, parausan lang.
– Yung mga call center agents masyadong pasosyal.
– Yung mga call center agents nagbabago na ng ugali pag nasa industriya na.
– Yung mga call center agents nagiging madamot na, milyonaryo na kasi.

I’ve been a part of this industry for over two years now. And I feel it’s my right to at least defend, or justify the community that has sustained me for so long.

Kahit saan ka magpunta, kahit nakasakay ka lang sa MRT o sa bus, naririnig ko lagi yung mga bulungan. Akala mo para kaming salot ng lipunan. Akala mo hindi rin kami mga Pilipino pag ituring nila.

Pero bakit nga ba ganyan lagi ang tingin sa mga call center reps?

Misunderstood lang kami, dahil maliit ang call center industry kumpara sa ibang industriya. Mataas ang mortality rate sa pagpasok dito, maraming bumabagsak. Katunayan 3% lang ang passing rate ng applications. Tatlo lang sa isandaang aplikante ang pumapasa.

Hindi ako nagyayabang, nagsasabi lang ako ng totoo.

At para sa’kin, yung kaunting bilang namin ang dahilan kaya hindi lang kami kilala ng karamihan. Kung siguro kalahati kami ng lahat ng mga empleyado sa ‘Pinas, mas lalong mababawasan yung mga haka-haka sa mga call center employees.

Please don’t judge us, because stereotyping is bullshit. And generalizing someone’s attitude because of rumors spreading like wildfire shows no logic nor proper reason.

Oh sorry English yan, baka sabihin na naman ng iba pa-sosyal. Tagalugin ko:

‘Wag sana kayong manghusga. Hindi lahat ng tsismis totoo.

Well, yung ugali lang siguro ni Marian Rivera yung tsismis na totoo at obvious, anyways…

Hindi lahat ng call center agents isnabero. Pagod lang kami saka puyat madalas, and in fairness marami akong kilalang reps na outgoing at kalog. ‘Pag makilala nyo ko ng personal, aakalain nyo hindi ako call center rep, dahil kahit kelan hindi ako nagsusungit sa mga tao. Hindi ako nagbubuhat ng sarili kong bangko, couch ‘pre baka pwede pa. Yun nga lang aaminin ko marami talagang masungit na agents, pero hindi lahat ganun. Sana lang mag-effort sila bawasan ang kasungitan, hassle ‘pre, aksaya sa muscles.

Hindi lahat ng call center agents pokpok. Open-minded lang kami. At open sa mga sensitive issues. At marami akong kilala sa industriya na talagang respectable at conservative, at hindi mo kayang bastusin. Marami ngang temptations, pero control lang yan ‘pre. At meron akong naging mga kaibigan na babae na totoong gagalangin mo, yung mga tipong pang-altar talaga.

Hindi lahat ng call center agents sosyal. Nagkataon lang nasa foreign environment kami, dahil foreigners ang nagpapasahod sa’min. Pakikibagay lang yan. Following the standard, in order to blend in. And we make us Filipinos proud as we show them we can work in the same pace and level that they can do. At paglabas naman ng office nagta-Tagalog din kami, at sumasabit sa dyip, at nagta-tricycle, at kumakain din ng isaw — minsan nga lang breaded isaw. XD

Hindi lahat ng call center agents madamot, at mas lalong hindi kami milyonaryo. Nasa tao na yan. Kung pano ka aasenso, diskarte mo na yan, walang basagan ng trip. Walang talangkaan pare.

Sa isang lugar hindi lahat pare-pareho at iisa ang mga pag-uugali at personalidad ng mga tao. Kaya hindi rin ako naniniwala na lahat ng Bisaya malambing, lahat ng Kapampangan kuripot, lahat ng Muslim terorista, etc. Wala sa grupo ng tao yan, nasa mismong tao yan. Hindi tayo robot na pare-pareho ang pagkaka-program.

Meron akong college prof na marunong mag-push at mag-develop ng skills.
Meron din akong college prof na pumapasok lang sa school para pumorma.
Meron akong kilalang trainer na professional at marunong rumespeto sa tao.
Meron din namang trainer na unprofessional, abusado at gago talaga.
Meron akong kilalang office employee na playgirl.
Meron din naman akong kilalang office employee na totoong-totoo magmahal.

‘Wag nating lahatin ang panghuhusga. Hindi porke may naririnig tayo sa karamihan, ibig sabihin nanggaling na yun sa tinig ng katotohanan. Hindi natin sila kilala ng personal.

At sana minsan ma-appreciate din ng karamihan ang positibong aspeto ng industriya namin. Kung ano ang natutulong namin sa bansa, at kung sino kami bilang mga indibidwal.

Sabi nga ni Katie Holmes sa Batman Begins:

“It’s not who you are underneath. It’s what you do that defines you.”

 

21 Comments

  1. i dont think one can generalize qualities of people based on their job,,, believe me that’s not the way majority think about call center agents.. i think it’s just your own personal perception,

  2. Isang pagpipilit na gayahin si Bob Ong. Bakit ba parating gagayahin si Bob Ong? Gawa ka sarili mong istilo.

    At ayaw mong hinuhusgahan kayo eh hinusgahan mno na si Marian Rivera. Baket? Kilala mo ba sya? Close Kayo?

    Call center agent din ako. At talagang masasabi ko na maraming taong kagaya ng itinatanggi mo. Siguro nagkataon lang na hindi mo tunay na kilala ang mga katrabaho mo kasi may sarili kang grupong dikit sa labas ng trabaho.

  3. This is so true and one more thing that you may also add is that if not for the Call Center Industry, the unemployment rate would have sky rocketed already. Aside from which we get paid pretty well compared to the other positions out there which means more revenue for the government as our tax deductions are like the salaries of other employees in another industry.

    And besides ang No Other Woman/Man is eminent in any industry as this is defined by the individual and not the industry. A lot of ladies in this industry are conservative and the prim and proper types, there are girls like me who does not drink and smoke but hang out with our friends who do all because we know how to adjust to how other people are. Maybe those people are just misjudging us on how glammed we look and how outgoing we are.

    Let’s face it, Call Center Agents are the main contributors of the success of Starbucks or any Coffee Shop in the country, Massage and Spa facilities and any 24 Hrs Food Joint there is. 🙂

  4. ganda ng Blog mo Arwin [thumbs up!]

    isa lng papatotoo ko dre yung cinasabi mong (Hindi lahat ng Call Center Agent POKPOK)
    OO hindi lahat kasi may mga natitira pa namang mga gagalangin pero mostly ay PokPok ako mismo at mga kaibigan ko ngpapatunay talaga namang ang gagaling pomorma sosyalera kunyari nag papadale pala.! peace

    • I disagree when you said mostly, maybe you have been looking or just been hanging out at the wrong places. All I know is, we people in the High Street or Taguig are not like what you are thinking. We’ve got class and style that you should rethink this statement over with. 🙂

      • well am living in taguig FYI kaya i know, but as u said u got class and style kc me sarili kayung grupo na dikit sa labas ng trabaho

  5. ok na sana ang pag defend sa call center agents. bakit tinira pa si marian? the you are no different than those who judge call center agents.

  6. Pagod lang kami saka puyat madalas..
    At meron akong naging mga kaibigan na babae na totoong gagalangin mo, yung mga tipong pang-altar talaga.
    At paglabas naman ng office nagta-Tagalog din kami, at sumasabit sa dyip, at nagta-tricycle, at kumakain din ng isaw — minsan nga lang breaded isaw. XD
    Wala sa grupo ng tao yan, nasa mismong tao yan.
    -Agree. Love your blog. ?

Leave a Reply

Your email address will not be published.