Na-#DuterteZone(d) Ka, Dre?

philstar.com
10/16/15 05:43:50 PM

Ayan. Nasaktan na naman kayo. Disappointed. Galit na para bang hiniwalayan kayo ng syota, o nabasted ng nililigawan, o nasabihan na “ hanggang magkaibigan lang tayo.”

At bakit nga naman hindi? Umaasa kasi kayo sa mga binibitiwang salita eh.

Alam n’yo naman ang mundo ng politika dito sa Pilipinas. Kung hindi puno ng kasinungalingan, lipunan naman ito ng mga taong “walang isang salita.” Hindi ganun katigas ang paninindigan.

Pero ganun nga ba siya? Oo, ‘yung gusto natin sana maging pangulo na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte?

Aba, ibahin mo siya sa mga ibang pulitiko sa bansang ito. At least siya, sa bandang huli ay nanindigan pa rin na “hindi tatakbo sa darating na 2016 Presidential Elections.” Oo, kahit sabihin mo na para siyang babaeng nagpakipot pa sa nanliligaw, pero babastedin lang din pala sa bandang huli. Nagpaasa, sa terminolohiya ng mga romantiko; o Friendzone sa makabaong bersiyon. Oo, maaaring nag-soul searching pa siya para maliwanagan ang isipan, puso, at kaluluwa.

Pero paano kung hindi pala niya sinabi ‘yun at bagkus ay gawa lang ito ng mga spin doctor? Yung mga tipong ginagamit ng ilang PR ang media para makapagpahayag nang may bulas. Pero malabong paniwalaan ang ganyang argumento. Hindi lang dahil si Digong mismo ang allegedly nagsabi niyan, dahil sa malakas ang kapangyarihan ng mga stratehista sa pulitika sa pamamagitan ng mga adviser nila at ang media mismo. Kaya nga kahit basura ang pinapanood mo ay tinatangkilik mo pa rin, ‘di ba?

Click here to continue reading.