“My Kabayan, So Mayabang”

Kabayan

from a root word ” bayan” meaning town/municipality o homeland.

– a countryman or someone from the same town

Kabayan

is the proper way to address fellow Filipinos (meaning “coming from the same country”, or “fellow countryman”).

Being kababayan in the Philippine context means belong to the same bayan, province, hence the english translation is townmate
when we go overseas; however, it is used in a larger scale, instead of town, it now refers to the country, so when you say “mga kababayan” it means “fellow countrymen”. 

 Just because you are now living outside the Philippines o tinaguriang sa tawag na OFW o Overseas Filipino Worker, doesnt mean tatalikuran mo na ang bayan na pinagmulan mo, kalilimutan mo na ang iyong pagiging pagka-Pilipino. Ang babaw ng dahilan mo, p’re! nakalabas ka lang ng Asia o saang lupalop ka pa ng mundo ma punta hindi mo matatalikuran ang iyung pagka Pilipino. “Dugong Pinoy ka paring pre!”

 Sa isang taong paninirahan ko dito sa bansang Norway ilang beses lang ako nakatagpo ng totoong tao na matatawag ko talagang mga kababayan ko. Isang araw nun naglilibot kami sa bayan ng bago kung kakilalang aupair na babae. Summer time yun kaya ang daming tourist at cruise na dumaong. Naglakad kami malapit sa daungan ng boat sa unahan ay dalawang malalaking cruise ang nakadaong.

Papalapit na kami sa cruise at tumingala kami dahil subrang laki at ang ganda talaga, ang nakapukaw ng attention ko talaga is yung mga seaman doon nagsisigaw sila sa amin Kabayan, sabay taas ng kamay at nag wave sa amin, syempre nag wave at sumigaw din kami ng Kabayan ang sambit namin sa kanila.

Sa unahan my cruise pa uli papalapit pa lang kami nagwave na kami agad natatawa nalang kami ng kaibigan ko kasi nagtutulakan sila yung isa naman my dalang pang map ng sahig, ang isa tulak-tulak nya yung lagyanan ng panglinis nila sa sahig at nagsisigaw sa amin na Kabayan, kaya sigaw narin kami ng kaibigan ko,,ang ingay namin natatawa na lang ako pero ang saya-saya ko. Iba kasi yung pakiramdam diba kapag merun may taong kumilala sayo bilang kapwa nya at ituring kang kang kababayan nya.

Kung may taong ituring kang isa nyang kababayan, may ibang tao naman na wala ng pakialam sa kanyang pinagmulan pati mismo kanyang kababayan ay kanya naring kinalimutan.

Kahapon pumunta ako sa bayan o Centrum kung aming tawagin dito sa Stavanger, Norway. Maraming malls, bars, groceries, hotels, may daungan rin ng mga cruises kapag summer at marami pang iba. Everyday maraming tao sa bayan lalo na kapag saturday dahil yan ang off ng mga taong nagtatrabaho lalo na sa amin na mga Aupair dito sa Stavanger. Sa pag-iikot ko sa bayan ang daming mga Filipina na aking nakasalubong, halos sila ay mga Aupair at ang iba ay mga citizen na dito dahil nakapag asawa ng Norwegian.

Pumasok ako sa H&M para maghanap ng winter jacket na mumurahin lang. Nag-uumpisa na akung pumili sa mga nakasabit na mga jacket, nang may biglang dumaan na babae at tumingin sa akin simpleng smile lang ang ginawad ko sa kanya tanda ng paghihiwatig ko sa aking kapwa lalo na sa mga kababayan ko, kaso blangko lang yung face nya tumungin lang sa akin. Syempre naunawaan ko yun baka iniisip nya sino ba itung babaeng ito na hindi ko naman kilala ngingiti na lang sa akin.

Morena ang kulay ng balat nya, unang kita ko palang sa kanya alam ko Pinay cya, ang kaibahan lang is kinulayan nya yung buhok nya. Pumuwesto cya sa likuran ko dahil tumitingin rin cya ng mga jeans. Itunuloy ko na ang pagtingin-tingin ko sa mga jacket ang dami kasi at iba-iba ang style nila. Narinig ko na lang bigla na nagsasalita yung babae na nasa likuran ko mahina lang naman ang boses nya sapat narin para marinig ko ang boses nya na bisaya ang salita nya sa kausap nya sa telepono. At isa rin akung bisaya as in “Bisdak” bisayang dako kaya naiintindihan ko yung sinsabi nya.

 Pumunta na ako sa cashier para magbayad, sa left side ko my nakapila rin na tatlong Pinay. Ang nakakatuwa lang is tinapik ako nung isa sabay sabing, Pinay?Aupair ka? sunod-sunod na tanong nya sa’kin. Sagot ko naman oo, kayo aupair din? ang balik na tanong ko sa kanila. Medyo mahaba-haba pa ang nakapila kaya nagkwentuhan kami tungkol sa work namin dito at tungkol sa buhay namin nung nasa Pinas pa kami. Sandali lang kaming apat nag-usap dahil magbabayad na ako at sila rin sa kabilang cashier. Nauna akong natapos kaya nagpaalam na ako sa kanila.

 Palabas na ako ng H&M at nakasalubong ko yung babaeng nakita ko dun sa loob, ngayon may kasama na siya alam ko Pinay rin. Tumingin ako dun sa kasama nya ngumiti naman,kaya ngumiti narin ako sa kanya sabay tanong Pinay ka? Tumango naman cya tapos nagpakilala kami sa isa’t isa, nilingun ko yung kasama nyang babae yung nakita ko dun sa loob ng H&M, grabe! wala man lang reaction kahit ngitian ko na, nakita ko pa yung pag arko ng kilay nya.

 Nasa isip ko sabunutan ko kaya ‘tong babaeng to, kanina pa’to nakaismid sa’kin ah. Lumayo pa cya sandali kaya kami muna nag-usap sandali nung kasama kaya naitanong ko kung Pinay ba talaga yung babaeng yun, sabi naman nya oo daw at isa cyang nurse dito sa Norway at 7 months palang dito. Sabi pa nya kanina palang daw sila nagkakilala nung isang pinay lumapit daw sa kanya tinatanong kung saan yung sakayan papuntang Sandness kaya nagmagandang loob cya na samahan yung babae dun sa sakayan. Sabi pa nya subrang mataas daw, parang hindi marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan. Hindi nga daw nagpakilala sa kanya or nagpakita ng gandang loob. Pero sasamahan parin daw nya doon sa may sakayan baka daw mawala pa.

Bulong naman ng isipan ko, “ito ang mabait na kababayan na dapat tularan”. May malasakit sa kanyang kapwa kahit hindi man cya pinakitaan ng kagandahang loob nung taong nagpapatulong sa kanya.

Natapos din ang aming kwentuhan kasi lumapit na yung babae at inaaya na cyang pumunta na sila sa sakayan ng bus. Naghiwalay na kaming tatlo pero nilingon ko silang dalawa, pansin ko talaga sa lakad at kilos nung isang Pinay na nakita ko doon sa pamimili ko ng jacket. Siya yung tipo ng tao na kapag nakalabas ng bansang Pilipinas ay hindi na marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan, at taas noo pang naglakad animo’y walang nakikitang tao o kababayan na makasalubong sa daan.

Marami na kasi akong nakitang ganung tao, lalo na nung unang dating ko dito sa Stavanger, Norway. Dito sa Stavanger ang dami talagang mga Pilipino dito mga aupair, nurses, engineer ang iba naman ay my citisenship na dito. At every third sunday of the month ay may “tagalog mass” sa catholic church. Syempre ang daming pinay at kaunti lang ang mga lalaking pinoy dito mas majurity talaga ang mga babae dito. Pag pasok ko noon sa church hindi ko akalain na ganon pala karaming Filipino dito, sa sarili ko lang pakiramdam ko parang nagsimba lang ako sa Pinas dahil daming Filipinos akong nakita. May mga simpleng tao ang iba naman ay walang pakialam basta maganda o mataas na sila sa paningin ng ibang tao. Pagandahan, patalbugan, pasikatan ay merun din yan dito na ugali sa ating mga kababayan.

Pagkatapos ng mass may kasunod na salo-salo o munting handa na puro pinoy food na pagsasaluhan ng mga nagsimba. Pumasok na kami nun sa loob, that time kasama kung nagsimba ang kapatid ng amo ko at asawa at dalawang anak nito. Nakahanap din kami ng bakanteng mesa at upuan at naupo na kami. Sabi nung kasama ko halos mga Aupair na kagaya ko na nagsipasok na sa Agape kung saan ginaganap ang kunting salo-salo. Panay ang linga ko sa aking paligid dahil subrang ang dami ng taong pumasok, at saka nagbabakasakali rin ako kung meron akung makilalang aupair at maging kaibigan ko.

Napansin ko sa kanila grupo-grupo sila, sa isang grupo dun yun lang ang pumansin sa akin at tinanong ako kung bago lang ba ako, sinagot ko rin sila at nagpakilala ako sa kanila. Nakakuwentuhan ko naman sandali ang grupong yun. Sila yung mga kababayan na pag merung bago sa lugar na pinag abroadan ay kanilang iistimahin,bali parang niwewelcome ka nila sa lugar na iyon dahil sila ay matagal na at ako naman ay baguhan pa lang noon.

Ilang buwan ang lumipas at umaabot na ako ng isang taon nitong August lamang. Marami narin akong nakilalang mga kababayan dito. Hindi ako masyadong nagsisimba sa Tagalog Mass, mas gusto kung magsimba sa English Mass kahit nosebleed man at puro mga foreigner ang kasama ko pero mas enjoy at feel ko pa ang magsimba na kasama sila. Kasi nung ilang beses ko pagsimba sa tagalog mass nakikita ko kasi yung pagbubukod-bukod o grupo-grupo nila, para bang bumalik ako sa high school ko na may iba-ibang grupo pili ka lang kung saan ka belong kung saan papasa ka sa taste nila doon ka.

Naalala ko tuloy yung sermon ni Father lagi nyang pinapaalala na  dapat marunong kayong lumingon sa inyung pinanggalingan. Hindi porke’t naka-abroad o nakatapak ka na sa bansang Norway ay parang kung sino ka na halos kababayan mo ay hindi mo na kinikilala. Huwag kayong mapagmataas, kung ano man ang nakamit n’yo sa buhay n’yo ngayon dapat marunong kayong makibahagi sa ibang tao lalo na doon sa mas nangangailangan ng tulong n’yo. Sa ngayon nasa taas kayo, pero darating ang araw na magkikita-kita rin tayo sa judgement day mayaman man o mahirap magkikita tayong lahat doon. Yan lagi ang naririnig ko kay father  kapag umaattend ako ng tagalog mass, Pinoy kasi si Father at gustong-gusto opakinggan ang kanyang mga sermon.

Kapag English Mass, nosebleed ako pero okay lang basta pagpasok ko pa lang sa simbahan comfortably ako pakiramdam ko kasi iisa lang kami kahit ibang lahi man o foreigner man mga kasama ko, walang harang o bakod ang namamagitan sa aming lahat na nagsimba.Para sa akin iisa lang tayo walang mayaman o mahirap sa mata ng Dios kapag nasa loob tayo ng simbahan pantay-pantay lang tayo at walang pag-iiba ma pa sa simbahan man o nasa labas ka pa.

 Kabayan, isang simpleng salita na binabanggit o tawag natin kapag merun tayong makasalubong na Pinoy o Pinay sa ating paglalakad, isang simpleng paghahayag o pag acknowldge sa’yung kapwa o pagkilala bilang isang mamayang Pilipino. Na kahit saan man sulok ng mundo at kahit na pareho pa kayong estranghero sa isat-isa pero kapag binigkas mo na ang katagang Kabayan sa yung kapwa pakiramdam mo nasa Pinas ka lang.

Kaya huwag kayong makalilimot na lumingon sa inyong pinanggalingan at marunong kayong kumilala ng kapwa n’yo o kababayan n’yo kahit saang sulok pa kayo ng mundo naroroon.

 

__( “aj” )__

 

 

3 Comments

  1. Ganun din dito sa Canada. Sa isang taong ko dito, marami rin akong nakikita at nakakasalubong na mga kabayan.Halos kalahati sa mga yun, babati at kakamustahin ka, pero yung iba, sobrang taas ng baba na akala mo kung sino…

  2. next time pag nakita mo siya ulit, taasan mo din ng kilay… hehe joke..
    Isang magandang paalaala sa mga OFW o kahit na sinu pa mang nakaapak sa ibang bansa ^_^

  3. Ganon naman talaga ang ugali ng pinoy kaya nga yung sinakop tayo ng mga kastila yung ibang pinoy nagpapalit ng kanilang epilyido para lang kunwari kastila sila dahil ayaw nila matawag na indio..Roots na talaga sa pinoy iyan kaya ikaw na lang talaga ang mag aadjust sa mga pinoy na may ganyang ugali. Minsan nga kumain ako sa isang restaurant dito sa middle east pinoy resto sya mga pinoy din ang nag seserved..may pinoy na sa tingin ko construction worker kasi sa itim at sunog ng balat niya halatang laging bilad sa init ng araw akala mo kung makapagutos sa mga waiter na pilipino ay mayor wala man lang smile or kabayan paki naman ito..talagang direct niyang tinawag na ” Waiter” pakilinis nga nitong mesa namin…hehehe! napa wow! na lang ako! hanep kasi si kuya parang Don…heheheh!

Leave a Reply

Your email address will not be published.