MY INSIGHTS ABOUT THE RECENT SONA OF PRESIDENT NOYNOY AQUINO

Kung ikaw ay tatanungin ko? Paano mo ilalarawan ang kalahating basong tubig? Ito ba ay Kalahating basong puno o kalahating basong kulang?

Marami nanamang bumabatikos sa katatapos lamang na SONA ng Pangulong Noynoy Aquino.Bakit ba tayong mga Pilipino, panay na ang reklamo, panay pa ang pagpuna sa mga kakulangan ng isang tao o isang bagay? Nakakainis. Nakakaasar. Oo nga at totoo yun sinasabi nila na “Gumawa ka mang ng mabuti o masama, ang tao may sasabihin pa rin” pero bakit lagi na lang panay reklamo at pagpuna ang ginagawa natin? SA aking palagay ay ginagawa naman ng Pangulo ang lahat ng kanyang makakaya para mas mapabuti ang ating bansa. Alalahanin natin na bago maging pangulo si Noynoy ay halos mabulok na ang pangalan ng ating bansa dahil sa garapal na pangungurakot ng mga buwaya sa ating gobyerno. Tambak ang krimen na nagaganap na ang itinuturong numero unong dahilan ay ang kahirapan. Nangangahulugan lamang na parang isang bulok na prutas ang Pilipinas nang mapunta sa administrasyong Aquino. Maaaring hindi pa nga nagbigay ng mga konkretong proyekto ang pangulo subalit ang mga nailahad niya kahapon ay sapat na upang malaman natin na ang ating bansa ay muling bumabangon at umaahon sa putik. Subalit hindi natatapos ang pag-unlad ng Pilipinas sa pakikinig ng mga nagawa na proyekto ng pangulo. Ito ay nagsisilbing paalala sa atin na tayong lahat ay kinakailangang magtulungan at magkaisa. Tulungan natin ang gobyerno upang muling tumaas ang tingin sa atin ng ibang karatig bansa. Kung tayo ay nananatili pa ring mahirap ngayon, bakit hindi tayo gumawa ng paraan upang mapaulad ang ating sariling pamumuhay sa halip na tayo ay magreklamo ng magreklamo. Bakit hindi natin gawing mabuting ehemplo an gating mga sarili nang sa ganon, ang mga susunod na henerasyon ay magmamana ng mabubuting asal particular na sa mundo ng pulitika. Wag natin isisi ang ating kahirapan sa ibang tao tulad ng mga tiwaling opisyal. Mas lalong wag nating hanapan ng kakulangan ang bagong administrasyon sapagkat an gang ating pangulo ay tao lamang at kailanman ay hindi niya malulutas ang problema ng bilyong-bilyong tao sa Pilipinas. Bagkus, kumilos tayo para sa ating sarili, sa ating pamilya, at sa ating bansa. Aaminin ko na paborito kong opisyal si Noynoy, subalit hindi ko sinasabi ang mga bagay na ito dahil lamang paborito ko siya. Ang nais ko lamang ay maiparating sa inyo na hindi natin kailangan umasa sa kapangyarihan ng ibang tao upang maiangat tayo sa kasalukuyang sitwasyon. Si Noynoy ang ating pinili upang mamuno kaya’t dapat tayong magtiwala. Kung puro lang tayo reklamo, eh di sana di nyo na sya ibinoto. Ang kailangan natin ay pagkakaisa bilang mga Pilipino na nagmamahal sa ating bansa at hindi pagwawataktak at paghila sa ibang tao pababa para lamang sa pansariling interes. Dapat tayong maging positibo ang pananaw sa nakaraang SONA ni Pangulong Aquino tulad nya na inilahad ang lahat ng pagbabago ng bansa sa isang positibong pamamaraan. “Count your blessings instead of your crosses. Count your gains instead of your losses.” Ika nga.

Kung ikaw ay tatanungin ko? Paano mo ilalarawan ang kalahating basong tubig? Ito ba ay Kalahating basong puno o kalahating basong kulang?

 

2 Comments

  1. marami talagang mang-mang na Pilipino dahil alam lang nila ang magreklamo.

    Sa tingin ko, maganda ang ginagawa ni Pnoy ngayon..bakit? Nililinis nya muna ang mga dumi ng nakaraang administrasyon. Tama ang ginagawa nyang hindi paglalabas ng maraming planong proyekto, dahil aanhin mo ang mga proyekto kung ang paglalagyan o mamamahala lang neto ay isang corrupt. Tamang linisin muna ang gobyerno bago maglatag ng proyekto, para makasigurado ang bansa na ang mga pondo sa proyekto ay magagamit ng tama. Alam naten hindi eto madali, 6 years is not enough.

  2. Ano ba ang TUWID NA DAAN? Yun ba yung puro political appointees ang mga namumuno sa mga ahensya ng pamahalaan? Yung puro “Co-Terminus” na lang lahat? Paano yung mga career officers? Nakatunganga forever? Di sila mga politiko. Dapat silang bigyan ng maayos na kinabukasan at posisyon? Hindi yung sasakupin sila ng mga walang alam dahil kadikit ito ni Presidente Churva at ni Speaker Chacka.

    Papaanong uusad ang bansa kung ang namumuno ay may hidwaan? Ang pagkakarron ng paksyon na “Balay” at “Samar” sa administrasyong ito ay taliwas sa tunay na adhikain ng kasalukuyang adminsitrasyon. Pakiwari ko, puro propaganda ang tropang PNOY hinggil sa tuwid na daan.

    Gone are the days when competition becomes the mission of everyone in the government. Even in the Holy Scripture, the talk about divided house in Mark 3:25 and I quote: “And if a house be divided against itself, that house cannot stand.” This is the same belief that the great Abraham Lincoln said in his speech before, “A house divided against itself cannot stand. I believe this government cannot endure, permanently, half slave and half free. I do not expect the Union to be dissolved — I do not expect the house to fall — but I do expect it will cease to be divided. It will become all one thing or all the other. Either the opponents of slavery will arrest the further spread of it, and place it where the public mind shall rest in the belief that it is in the course of ultimate extinction; or its advocates will push it forward, till it shall become alike lawful in all the States, old as well as new — North as well as South.”

    But apparently, this present government does not seem to understand the implication of being divide. Even in the Immutable Laws of Marketing, one of the topics about focused is discussed. Its importance and expected yield if one sticks to this law on focus. Law of focus is says that “the most powerful concept in marketing is owning a word in the prospect’s mind.” This law challenges us to boil our marketing message down to just one idea. If you can teach your market segment to associate your product with a single idea, perhaps even a single word, you can be a market leader. Perhaps, PNOY’s team should start focusing on their raison d’être… as to why they are here right now.

    Majority of the Filipino people voted for him because they believe in him, in his sincerity, commitment and vision. However, the way things are going on now, it seems to me that there are lots of issues they ought to resolve en toto. Personally, I believe in PNOY’s sincerity… In his willingness to change the perception of the people about the government, and at the same time his desire to eradicate corruption.

    However, I notice some inconsistencies in in actions that are taking place. Such as the appointment of Lt. Gen. Gaudencio Pangilinan who has been accused in corruption. I cannot fathom why some Malacanang people lawyer for Gen. Pangilinan? Commonsense dictates that they should have thought of delicadeza if they want to be consistent in their mantra (propagandum) of “Tuwid Na Daan”. In the same breadth, why appoint Former AFP Chief of Staff Ricardo David as Commissioner of BID? Can you not find someone from within BID to assume higher position? For me, this is the reason why corruption breeds in BID. Career officers would feel so demotivated with what Philippine presidents are doing — appointing highly favored people for political gratitude. Of course, there are some people from PNOY’s circle who want to retain Ledesma as BID Commissioner. But we know how divided the house of PNOY is.

    My only wish though is, if they do not have a collective stand and vision on certain issues and also on the direction they will take, then they’re are doomed to what the Greeks called “hamartia”, which is, “to miss the point”. But alas, they’re not the ones who will be doomed, it’s us Filipinos, the little ones.

    I remember the dialogue in Alice in Wonderland between Alice and the Cheshire Cat. This is how more or less the dialogue went: “Would you tell me, please, which way I ought to go from here?’ Asked Alice. Then the cat replied, “That depends a good deal on where you want to get to.” Alice said, “I don’t much care where”. “Then it doesn’t matter which way you go,” said the Cat. “–so long as I get somewhere,” Alice added as an explanation. Perhaps, Pnoy is the Alice in Alice in Wonderland. And I hope, he will stop to wonder in the real land, because the real land is far different from “The Neverland”.

    Ang tuwid na daan, matatahak ba natin? BOW!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.