My Husband’s Lover: Handa Na Nga Ba Ang Mga Pinoy?

photo credit: bubblews.com
photo credit: bubblews.com
photo credit: bubblnews.com

Malaking usapin ngayon sa ating bansa ang tungkol sa seryeng MY HUSBAND’S LOVER ng GMA7.

Ito ay tungkol sa pag-iibigan ng dalawang lalaki na ginagampanan nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez kung saan ang huli ay kasal at may anak sa babaeng ginagampanan naman ni Carla Abellana.

Aminin man natin o sa hindi ay sadyang may mga ganito talagang pangyayari sa totoong buhay na nagtatago sa kasulok-sulukan ng ating lipunang ginagalawan.  Marahil nga na ang iba sa atin ay nagbubulag-bulagan lamang o sadyang walang pakialam ngunit ang seryeng ito ay hindi nalalayo sa katotohanan.

Bagong tema.  Bagong Putahe.  Bagong hain para sa mga manonood. Iba sa naka sanayan na nating panoorin sa telebisyon na pag-iibigan ng mahirap at mayaman o nilalang na inapakan at bumangon upang maghiganti o isang taong biniyayaan ng kakaibang lakas at kapangyarihan na ginagamit niya upang makatulong sa sambayanan.

Iba ito.  Ibang-iba.  Kung kaya naman lahat ay inabangan ito.  Lahat ay interesadong masaksihan kung paano isinabuhay sa telebisyon ang isang kuwentong may temang napakasensitibo.

May mga nasiyahan (lalo na marahil ang ating mga kapatid na nabibilang sa third sex; for the first time, sila ang bida).  Marami ang mga pumuri sa magaling na pag ganap ng mga actor/aktres sa kani-kanilang mga papel.  Marami ang sumaludo sa writer ng programa dahil sa kakaibang tapang na ipinakita niya para maisulat ang palabas na iyon.  Marami ang natuwa sa GMA7 dahil sa pagpapalabas nila ng programang “iba” sa nakararami.

Ngunit hindi lahat ay natuwa o pumuri.  Hindi lahat ay sang-ayon na ipalabas ang MY HUSBAND’S LOVER.  Marami ang naging kritiko.

IMORAL.

Ito ang naging pananaw ng ilan sa mga nakapanood ng dramang ito.

Kabilang na sa mga tumuligsa dito ay ang CBCP (Catholic Bishops Conference of the Philippines) And I will quote what CBCP-ECY executive secretary Fr. Kunegundo Garganta said, sa panayam sa kanya ng Radio Veritas , “Malaking pag-aaral ang dapat na gawin sa mga bagong teleserye tulad ng My Husband’s Lover na sana maisaalang-alang na nasa isang bansa tayo na mayroong kultura na pinapahalagahan ang usaping moral o mga bagay na saklaw ng moralidad. Ito ang dapat na isaalang-alang ng mga gumagawa ng teleserye.”

Sa panig naman ng Kapuso Network, sinabi nila na expected na nila na tututol ang simbahan sa kanilang palabas. Ngunit pinaninindigan nila na ang kanilang programa (though tackling a very sensitive real-life issue) ay kapupulutan ng aral ng mga manonood at ito ay ginawa paying attention to every detail/every aspect.

Sa ngayon ay patuloy na namamayagpag sa rating ang MY HUSBAND’S LOVER.

Walang masama kung maghangad man ang isang istasyon na magpalabas ng bagong programa.  Ngunit kailang pa ring isaalang-alang ang katotohanan na sa dami nang puwedeng makapanood ng ganoong programa, hindi lahat sa mga ito ay bukas na ang kaisipan o nakakaintindi ng mabuti.  Paano ang mga batang paslit?  Hmm, dito na papasok ang  SPG (Strong Parental Guidance).  Sana lang ay laging may magulang na kasama ang mga batang makapapanood nito.

Kung ikaw ang tatanungin, ano ang masasabi mo?  Handa na ba tayong mga Pinoy para sa ganitong uri ng palabas?

-April13 7/1/13-

Enhanced by Zemanta

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.