My Hero, My First Kiss, My First Love, My First Experience? –Three

(Photo Credit: tradebit)
(Photo Credit:  tradebit)
(Photo Credit: tradebit)

Hindi pa rin maka-recover si Zarah. Binitiwan na ni Jeff ang kamay niya, pero ramdam pa rin niya ang init ng palad nito na waring kinukuryente siya.

“Chilaks, Zarah, ‘wag ka masyadong obvious na kilig na kilig ka,” pinagsabihan niya ang sarili.

Grabe, ang bilis ng pintig ng puso niya. Mabibingi yata siya. Nag-inhale exhale siya nang isang beses para makalma ang puso.

“Ok ka lang ba?” tanong ni Jeff sa kanya. May pag-aalala ang tinig nito.

Marahil, hindi kasi siya umimik pagkatapos nitong magsalita. Kung alam lang nito. Sa bilis ng tibok ng puso niya, hindi na niya magawang makapagsalita.

Iwinagayway niya ang dalawang kamay sa harap sabay sabing, “Ok lang ako, kuya.” Kakarecover lang sa pagka-star struck sa ‘yo, dugtong ng isip niya.

“Gusto mo ng kape, kuya?”

“Sure,” sagot nito sabay ngiti. “Matagal ko na ring hindi natikman ang kape mo. I mean, kapag ipinagtitimpla mo kami ni Papa.”

Parang biro ‘yun sa kanya, pero kinilig siya. Grabe, ilang beses na ba siyang kinilig sa ilang minutong magkaharap sila.

Pumasok siya sa loob ng bahay at kumuha ng kape sa kusina. Naalala niyang may ilang slice pa ng carrot cake na binake nila kahapon. Kumuha siya ng isang slice at isinerve sa kaniyang bisita.

Pinagmasdan lang niya itong kumain at humigop ng kape.

“Hmm… ikaw ba nagbake nito?”

“Actually, pinagtulungan namin ng mga kaboardmate ko, kuya.”

“Ah,” tango nito. “Ayaw mo ba akong samahang kumain?”

“Ay, kakbe-break ko lang kanina. Nasa canteen ako nang magtext si Mamang Titay. Salamat,” saad niya.

Naunang ubusin nito ang cake at ang kape naman ang hinarap nito.

“I missed this,” sabi nito habang humihigop ng kape.

Natuwa siya dahil naaalala pa pala nito ang ‘kape’ niya. Palagi kasi siyang umiiwas dito noon. Hindi rin sila nag-uusap kung magkaharap man. Lalo na at alam niyang lagi itong haggard sa trabaho. Medyo laging aburido at stressed.

Tulad ngayon, hindi niya alam kung paano magsimula ng topic. Naghihintay lang din siya na mag-open ang binatang amo.

Naubos nito ang kape at inilapag ang tasa sa platito. Nakamasid lang siya dito.

“Wala ka pa ring ipinagbago,” aniya nito sa kanya. “Napakatahimik mo pa rin kapag kaharap ako.”

Wala siyang maisagot. Kaya ngumiti na lang siya rito.

Paano ba niya sasabihin na nai-intimidate siya rito? Na nao-overwhelme siya sa sex appeal nito. Siguro nga, crush niya ang binatang amo. Noon pa marahil. Malaki na ang paghanga niya rito dahil sa mga nagawa nito sa kanya. Lagi itong naroon sa mga panahong napapahamak siya. Pero hindi niya maamin sa sarili na crush niya ito. Ngunit ngayon, sigurado na siya. Crush niya ito at hindi lang simpleng crush.

“Mabuti naman at hindi ka masyadong nagbago nang dito ka na sa siyudad naninirahan.”

“Tulad halimbawa na parang arti-artihan na kunwari? Kikay at mapagmataas?” sagot niya sa binatang amo.

“Umh, siguro… gan’on nga,” sang-ayon nito.

Bigla niyang naalala ang kakilala sa Agusan. Kapatid ng classmate niya. Nakapag-aral ito sa Davao City sa pamamagitan ng pagiging working student. Nagtapos at nakapagtrabaho sa isang malaking kompanya sa Davao. Nakapag-asawa ng foreigner. Kaunting ginhawa lang ay nakalimutan na ang pinagmulan. Taas noo kung makarampa sa palengke na parang reyna. Hindi na rin masyadong nakikihalubilo sa mga kapitbahay.

“And I think, mas maganda ka talaga ngayon. At nariyan pa rin ang kasimplehan, typical of you. But I like it,” puri nito sa kanya.

Para siyang idinuyan sa alapaap. Kinilig siyang lalo. Hindi niya akalain na pupurihin siya nito. Maganda raw siya. Hindi yata siya makapaniwala na napapansin siya nito noon eh napakalamig nito sa kanya.

Bago siya himatayin sa kilig, nagpaalam siyang magpapalit muna ng damit at maghanda sa kanilang lakad . Nagtimpla siya ulit ng kape para hindi mainip ang binatang bisita.

Nagmadali siyang maligo para fresh siya sa ‘una-kunong-date’ niya. Hiniram niya ang blower ni Trish, ang kasama niya sa kuwarto. Ito ang naging best friend niya ngayon. Magkasundong-magkasundo sila at napakabait nito. Alam niyang hindi ito katulad ni Nerri, ang akala niyang mabuting bestfriend noong High School pa siya.

Nalito siyang mamili ng susuotin. Nasabi na sa kanya ng binatang amo na simple pa rin siya at gusto nito iyon. Hindi siya makapagdesisyon. Tiningnan niya ang oras, 4:40 na.

20 minutes na ang nakalipas mula ng magpaalam siya sa binatang bisita. Baka naiinip na ito. Naalala niya ang binili ni Cara. Tinitingnan niya ito noong magshopping sila. Sinabi nitong itry niyang i-fit ang damit. Tamang-tama lang sa kanya na para bang ginawa sa sukat niya. At hindi nagpapigil si Cara na bilhin ito kahit tumanggi siya na huwag ng mag-abala.

Kinuha niya ang damit at isinuot. Pinagmasdan niya ang sarili sa harap ng salamin. Isang stripe na brown at may maliliit na black ang napili niya. V-neck ito, hangang siko ang manggas niyon ngunit off shoulder kaya kita ang balikat, likod at medyo litaw din ang cleavage niya. Seven inches ang ikli niyon mula sa kaniyang tuhod kaya litaw din ang mahaba niyang legs. Isang black doll shoes ang itinerno niya dito.

Hindi talaga siya kaputian, ngunit mas lalo naman kuminis ang kutis niya. Pilipinang-Pilipina. Sabayan pa ng height niyang 5’6. Marami ang nag-aaya sa kanya na sumali sa Ms. Teen Philippines o ‘di kaya ay Bb. Pilipinas. Ngunit lagi niyang tinatanggihan ang lahat ng agent na lumalapit sa kanya.

Nag-apply siya ng manipis na make-up at nag lip gloss lang. Sinuklay niya ang mahabang buhok at hinayaan niyang nakalugay iyon. Huminga siya ng malalim at nginitian ang sarili sa harap ng salamin.

Mas lalo yata siyang kinabahan. Lagi naman silang magkasama ng binatang amo noon, pero iba na ngayon. Noon kasi, hindi niya iniisip na crush niya ito. Pero ngayon, dalaga na ang puso niya at parang masasabi niyang, nagkakagusto na siya kay Jeff. Ang kaniyang Hero.

Pagbaba niya ng hagdan ang siya namang pagpasok ni Aling Titay mula sa pamamalengke.

“Aba, ang ganda naman ng dalaga ko,” puri nito sa kanya. Nakita niya sa mga mata nito ang proudness ng isang ina. Kaya napamahal na talaga ito sa kanya.

Saka lang niya napansin si Jeff sa likuran ng ginang. Bitbit ang grocery bags ni Aling Titay. Sinalubong pala nito ang ginang at tinuloungan sa mga dalahin. Napaka-gentleman talaga nito.

Nakita niya ang paghanga sa mga mata nito. Sa katunayan, para itong natulala sa pagkatitig sa kanya. Tinanguan niya ito at sinabing ready na siya. Saka naman parang nagising ito at mabilis na ipinasok sa kusina ang mga dalahin.

Binuksan ni Jeff ang pintuan sa front seat at sumakay siya. Bumuntong-hininga siya nang malalim pagkasara ng pinto.

God. Bulong niya. Bakit ba ito ang napili nitong sasakyan na dalhin sa Cagayan. Ang dami nitong kotse at mga bago pa. Hindi naman siya namimili. Ngunit meron siyang alaala dito na kung maaari ay ayaw niyang balikan iyon.

Bakit ba siya nag-aalala? Hindi lang naman ‘yun ang alaala niya sa sasakyan kaya iwinaksi niya ang mga iniisip.

Isang alanganing ngiti ang ibinigay niya sa binata nang umupo ito sa driver seat. Pero ganoon na lang ang pagkagulat niya nang pagmasdan niya ito. Isang matamis na ngiti ang iginawad sa kanya bago nito binuhay ang sasakyan at nag-drive.

Sandali. Sandali. Sandali.

Panic ng isip niya. Totoo bang lahat ng ito?

Rewind. Rewind. Rewind.

Hindi kaya napossessed ang binatang amo? Ilang beses nga ba itong ngumiti ngayon? Mula nang magkita sila at ngayong magkasama sa kotse. Ang kilala niyang Jeff ay bihira lang niyang makitang nakangiti. Noong nagkakasama sila sa kotse ay tahimik lang ito at seryoso. Minsan nga parang stressed at galit ito kaya hindi niya magawang kausapin o magkuwentuhan man lang habang nagbiya-biyahe sila.

Siguro nga time changes and people change. At she like it as well.

Tinahak na nila ang palabas nang mapadaan sa alley ng padyak. Nakita niya si manong driver na siya niyang nasakyan kanina at nakatingin sa sasakyang parating. Bumusina si Jeff at kumaway ito. Isa sa mga hinangaan niya dito. Magalang ito at nirerespeto ang mga mababang tao tulad ng mga trabahador niya sa hacienda. Pero hindi niya kinukunsinti at pinalalagpas ang sino mang iresponsable sa trabaho.

Lumiko ang sasakyan nila sa isa pang kanto at ngayon ay tinatahak na nila ang daanan patawid ng Carmen Bridge. Napag-usapan nila ang tungkol sa bagyong Sendong at kung gaano kahindik-hindik ang pangyayaring iyon. Mayroon kasing mga tao ang sumabit sa tulay. Bahay na inanod at mga punong sumabit din sa tulay.

Nagdonate ang pamilya nito ng isang truck ng bigas na nagkakahalaga ng mahigit 200,000 pesos. Nasa mahigit isang daang sako ng bigas. Alam niya iyon dahil kasama siya sa pagkilo-kilo ng mga bigas para wala na masiyadong gagawin ang organisayong pagbibigyan niyon na siyang mamahagi sa mga biktima.

Ang binatang amo ang nakaisip niyon at ipinatawag ang bawat pamilya ng kanilang trabahador para tumulong sa gawain. Doon niya nadiskubre kung gaano ito kabait na amo. Ilang beses din niya itong nakitang ngumiti eh napakasuplado nito sa kanya at palaging napakalamig ng pakikitungo.

Nakamaong pants lang ito at hubad ang pang-itaas. Napakakisig nito at litaw ang mga muscles sa katawan habang karga ang isang sako ng bigas na may limampung kilo ang laman niyon.

Naghahakot ang mga lalaki ng bigas mula sa bodega at dinadala sa bukana nito kung saan ang mga babae; asawa, anak, pinsan, at kung sino pa na nagbuluntaryong tumulong ang siyang nagpa-packing.

Teka nga lang sandali. Bakit ba ang machong katawan ng binatang amo ang naalala niya? Ibig ba sabihin eh noon pa niya pinapantasya ito? Eh kinse anyos pa lang siya nang mga panahong iyon!

Grabe! Ipinaypay niya ang kanang kamay nang wala sa sarili.

“Hindi ba malamig ang aircon?” tanong nito sa kanya.

“Hah,” tanging sambit niya, wala pa rin sa kaniyang sarili.

“Sabi ko, naiinitan ka ba. Siguro kailangan ko nang ipatingin ito. Kunsabagay, magpipitong taon na rin ito sa akin,” saglit itong tumingin sa kanya at ngumiti nang makahulugan saka ibinalik ang paningin sa kalsada.

Nanlaki ang mga mata niya nang maunawaan ang binata. Hindi! Sigaw ng utak niya. Oh please, kuya, ‘wag na ‘wag kang magkakamaling banggitin iyon. Please! Lihim niyang dalangin sa isip. Kapag binanggit mo iyon, bababa talaga ako kahit nasa gitna tayo ng kalsada!

“Okay ka lang?” tanong na naman nito sa kanya.

“Oo naman, kuya. Okay na okay ako,” sagot niya at pinilit ngumiti nang kaswal.

“Tinatanong kasi kita kung saan mo gustong pumunta.”

“Ah, iyon ba. Ano,” nag-isip siya. “Dumaan muna tayo sa St. Agustin Cathedral, kuya. Sa tingin ko, kasisimula pa lang ng mesa.”

“Sige, kung iyon ang gusto mo,” kunwa’y ngumiti ito sa kanya.

Hay grabe. Mababaliw na yata siya sa walang humpay nitong ngiti sa kanya. Ang sarap naman pakinggan. ‘kung iyon ang gusto mo’. Feeling niya reyna daw siya. Eh sa totoo lang, ito ang tiningala niyang hari. Kung ano ang gusto nito masusunod. At sinisikap niyang huwag sumuway dito. Kaya kung maaari ay umiiwas na lamang siya rito palagi. Kaya masasabing, hindi talaga sila close as in close with bonding.

Kakasimula pa nga lang ng mesa ng dumating sila sa simbahan. Pinagbuksan siya nito ng pintuan ng pick-up kaya kinilig na naman siya.

“Nakapasok ka na ba dito, kuya?”

“Actually hindi pa,” sagot nito.

“Kung ganoon ay puwede kang magwish. At matutupad ‘yun!”

“Totoo?” mukhang hindi ito naniniwala.

“Oo naman. Dahil nagkatotoo din ang wish ko,” pagmamayabang niya dito.

“Talaga? Ano naman ang wish mo?”

“Siyempre… secret!” at humagihik siya. “Bakit ikaw? Kung tatanungin ba kita kung ano ang wish mo, sasabihin mo?”

“Umh, siyempre, secret.” at humalakhak ito nang mahina.

Parang musika sa kaniyang tainga. Napakasarap makitang ngumingiti at tumatawa ito. At sino ba ang kasama nito? Siya lang naman kaya ang ibig sabihin ay napapaligaya niya ito. Ang suwerte naman ng araw niya. Hinding-hindi talaga niya kakalimutang magpasalamat ngayon nang maraming beses.

“Hay, wala talaga kayong pinagkaiba ni Cara. Siguradong sa kanya mo ‘yan narinig.”

Humagikhik siya ulit dahil totoo iyon. Hindi niya napansin na nasa loob na sila ng cathedral kaya bahagyang um-eco ang hagikhik niya. Napalingon ang ibang nagsimba na nakaupo sa likurang bahagi ng simbahan. Natahimik siya at nagkatingininan sila ni Jeff. Pagkatapos ay lihim silang tumawa dahil sa nangyari.

Pumili sila ng upuan na hindi masyadong matao. Hindi nalingid sa kanila na palaging sumusulyap ang ibang nagsisimba. Pakiramdam din niya ay nakamasid ang mga nakaupo sa likuran. Naconcious siya bigla.

Hindi kaya napaka-daring ng suot niya? O dahil napakaguwapo ng kasama niya.

“Napakaganda mo kasi,” maya-maya’y bulong ni Jeff sa kanya. Patuloy pa rin kasi ang paglingon ng mga tao sa kanilang dalawa.

Hihimatayin yata siya sa sobrang kilig. Parang mga kampanang walang tigil sa pagtunog. Waring isang tugtugin na sarap indakan.

(Itutuloy)
* * *
Marami pa po kayong madidiskubre tungkol kina Zarah at Jeff at iyan ay sa susunod na mga kabanata. Sa ngayon, huwag n’yo pong kalilimutang sundan ang ika-apat na bahagi. Ang date nina Zarah at Jeff sa mall. Dito po magsisimula ang mas nakakakilig na mga eksena. Maraming Salamat.
— E. E.

About Elise Elleneth

A mother of a young boy. Writing is my passion ever since. Though not a professional writer (or never be), I will pursue my passion and dream through sites and opportunities like this. I believe that we should not judge a person by what her/his career, school attended or what college finish, achievements, and status. Some was never has a good education, pero 'wag po natin silang husgaan. Dahil maraming may angking talino na kailanman ay hindi nagkakaroon ng chances para maibahagi ito at mapatunayan. Kahit yung magaling sa sports pero walang pagkakataong ipakita ito. Chance it only needs. Visit my page--- http://facebook.com/elise86elleth