My Happy Pill

Dumating ka na ba sa punto ng buhay mo na akala mo wala nang magandang kahihinatnan? Yung punto na lahat na lang ng pangyayari mali? Lahat na lang negatibo? “Falling apart”, ‘ika nga.

Pero noong inaakala mo na lahat nalang mali, biglang may taong darating at babaliktarin lahat.

‘Yung magsisilbing gabay para ika’y muling maging masaya.

‘Di mo inaakalang darating ang tila ba’y isang  “blessing” na hindi mo naman hiniling o hiningi pero dumating at nagpasaya’t nagbigay kulay sa mundo mo laging na lang madilim at malungkot.

Ang munting kuwentong ito ay tungkol isang tao. Isang tao na binago ang nakasasawa at napaka-ordinaryong mga pangyayari sa araw ko. Ang aking “Happy Pill”. Eto na…

Balik tayo sa simula…

Valentine’s day ng kasalukuyang taon ko siya nakilala. Inatasan kaming mang-harana sa unibersidad namin at isa siya sa mga kinantahan namin. Matagal ko na siyang nakikita sa eskwelahan at hanggang pasulyap-sulyap lang. Isang “typical crush” kung itinatawag. Pero iyon na nga, nalaman ko rin ang pangalan niya at kaibigan rin pala siya ng matalik kong kaibigan. Pero hindi ako interesadong malaman ang lahat-lahat sa kanya noon. At hindi rin naman ako yung tipong pag gusto ko ay sugod agad. At sa mga panahong iyon at may iba pa ako minamahal kaya isang munting paghanga lang ang mayroon ako sa kanya.

Lumipas ang ilang buwan nakipaghiwalay sa akin ang aking kasintahan. Sabihin na nating “mutual” ang rason at pareho kaming mali. Ngunit masakit. Na tila ba’y magugunaw ang aking mundo. Na maski matalik kong kaibigan ay pagod na pagod na akong payuhan, sabihan at pagalitan dahil naghahabol ako ng taong ayaw namang magpahabol.

Inabot rin ng anim na linggo ang pagpapakatanga ko sa kanya. Araw-araw alak ang karamay, dinaig ang tambutso sa paninigarilyo at umabot pa sa punto na itinakbo ako sa ospital dahil hindi ko na inaalagaan ang aking sarili.

sadness photo
Photo by Free-Photos (Pixabay)

Pagkatapos ng bawa’t pagbagsak matututo kang tumayong muli at sa aking pagtayo, muli akong naging masaya.

Nakakilala ako ng mga bagong kaibigan at ang mga dati kong kaibigan mas pinatibay ko pa ang aming samahan. Pero minsan iisipin mo, parang may kulang. Oo masaya ka nga pero darating ka rin sa punto na paulit-ulit na lang ang nangyayari. Nakakabagot, nakakayamot nakakapagod, sasabihin mo nalang sa sarili mo.

Noong nakaraang linggo nagplano ako ng isang munting salo-salo sa bahay. Niyaya ko mga malalapit kong kaibigan at ang mga bago kong kaibigan. Ngunit sa hindi inaasahang takbo ng mga pangyayari kasama siya sa mga pupunta, noong una’y hindi naman talaga ako interesado sa mga pupunta dahil ang gusto ko lang nama’y maging masaya sa araw na iyon. At ayun na nga ang nangyari, naging masaya ako hindi naman sa hindi ako masaya dati pero noong araw na iyon mas lalo akong naging masaya. Iba rin talaga ang epekto ng tunay na pagkakaibigan. Pero balik tayo sa ating kuwento…

Matapos ang gabing iyon at naging mas malapit kaming dalawa. Hindi ko ba alam kung anong mayroon sa kanya bakit ganon na lang ako nagtiwala at naging talambuhay ko siya at ganoon rin siya sa akin. Hindi ko naman balak na lapitan siya nang husto pero naging handa siya buksan ang sarili niya at ilahad ang buong buhay niya sa akin.

friendship photo

Animo’y mga reklamo niya sa buhay niya at mga napaka-personal na bagay sinasabi niya sa akin. Sa maikling oras na pagka-kakilala naming dalawa masasabi ko isa siyang taong aking pinagkatiwalaan. Nagsilbi siyang liwanag sa madilim na gabi. Naging gabay siya at itinuro ako sa akin na mali pala ang akala ko’y hindi na muli ako makararanas ng saya na nagmumula sa isang tao. Mahahabang gabi na pag-uusap, inuumagang pagsasama, at mga minutong puro ngiti ang mukha ng isa’t isa. Iilan lang yan sa mga bagay na naranasan ko kasama siya. Kaya ngayo’y tatapusin ko na ang aking kuwento.

Ito ay isang kuwento tungkol sa isang tao na naging “Happy Pill” buhay ko. Hindi ito kuwento ng pag-ibig. Ngunit masasabi ko na isa siya sa mga “blessing in disguise” sa buhay ko.

Maraming Salamat at dumating ka sa buhay ko, J.

About nicholaim

25, Aspiring Writer. Writes based on raw emotions. #nofilter