My Father and the Facebook

Old Man on Facebook (Photo Credit: Socialtechpop)
Old Man on Facebook (Photo Credit: Socialtechpop)

Old Man on Facebook  (Photo Credit:  Socialtechpop)
Old Man on Facebook (Photo Credit: Socialtechpop)

“LIKE”

“UNLIKE”

“COMMENT”

“SHARE

Naku nag-upload na naman ng larawan ang aking ama sa facebook.  Ang ganda ng ngiti at ng suot niya.  Salamat sa Facebook dahil dito nakikita ko ang aking ama kahit malayo siya sa amin.

Iclick ko ang “LIKE” button at i “SHARE” ko sa aking ina. Hindi ko matandaan kong anong taon ako noong umuwi ang aking ama.  Nagtatrabaho kasi siya sa Gitnang Silangan at dahil sa kagustuhan at pangangailangan ng aming pamilya ay nagdesisyon siyang mangibang-bayan. Sa tagal niya na nandoon, hindi na rin siya bumalik sa amin; kada buwan meron kaming natatanggap na pera mula sa kanya, para sa aming damit, sapatos at para sa eskwela, pagkain at matrikula sa aming paaralan.

Dahil sa pangangailangan na iyon, mahigit tatlong dekada na siyang nakikipagsapalaran sa gitnang silangan. Maliit pa ako noon noong nakita ko siyang umuwi sa Pilipinas at hindi na nasundan muli.   Wala siya sa mga araw na mahalaga para sa akin.

Sabi ng malalapit kong mga kaibigan na may ibang pamilya na ang aking ama kaya hindi na siya bumalik sa Pilipinas.  Masakit man isipin kung totoo ito o hindi, may bahagi pa rin ng puso ko na hinihintay siya.  Dahil pag kausap namin siya laging sinasabi sa amin na magkikita kaming muli at mayayakap. Hindi ko magawang magalit sa kanya dahil sa sakripisyo niya para sa amin sa aming pamilya at walang katumbas na kahit anong masamang salita mula sa amin.

Pero nagbago ang lahat nang isang araw na umuwi ako sa aming bahay at umiiyak ang aking inay, tinanong ko siya kung bakit at nakita ko sa kanyang mga mata ang sakit ng kanyang kalooban at niyakap niya ako.Kinabahan ako nang husto, at sinikap na magsalita nang malumanay ang aking ina.

“May tumawag sa akin sa telepono; kabit ng iyong ama, sinasabi niya na iiwanan daw tayo ng iyong ama dahil sasama na ito sa kanya papuntang Amerika at hindi na natin makikita pa”

Napaluha ako sa aking narinig, kaya pala hindi na siya bumalik sa amin dahil mayroon na pala siyang pamilya sa ibang bansa. Masakit sa amin lalo na sa aming ina na naghihintay sa kanya. Tinawagan namin ang aming ama para malaman ang katotohanan kung ito ay totoo.    Luha at patawad ang aming narinig sa kanya. Kung hindi daw niya sinamahan yung babae na yun wala daw siyang maibibigay sa amin na pera buwan-buwan.

Dahil sa kagustuhan niya na magkaroon kami ng magandang kinabukasan, isinakripisyo niya ang sarili niya para sa amin. Humihingi siya ng patawad; sabi niya ‘wag daw namin isipin na hindi niya kami mahal.  Sabay hagulgol niya sa telepono.  Niyakap ko ang aking ina na umiiyak pa rin.  Hindi ko alam kong paano ko masasabi sa kanya na tahan na.

Ang sabi ko sa aking ina “Si tatay lang naman ang wala pero nandito pa rin kami para sa iyo” Sa iyo pa rin kami babalik at darating ang panahon na mahahagkan at mayayakap mo pa rin si ama.”

author:  projectkoito

p.e./mj