My Dyipni Experience

Napadpad na naman ako sa Maynila dahil may mga papeles akong kailangang asikasuhin para sa aking pagbalik sa ibang bansa. Dahil wala naman akong sariling sasakyan, siyempre sa bawat araw na lalakad ako at lalabas ay kailangan kong mag-commute. Ang mode of transportation na aking gagamitin ay ang mga humaharabas na dyipni sa kalsada. Wala naman kasi akong pang-taxi. Kulang sa allowance kaya tipid-tipid.

Noon pa man, takot na takot na ako sa pagsakay sa mga dyipni sa Maynila.

Ang mga drayber kasi nito ay walang pakundangan sa pag-arangkada. Singit dito, overtake doon. Walang pakialam kung ang mga pasahero sa loob ay halos tumilapon. Ang mga dyipni drayber sa Maynila, kung tagurian ay mga hari ng kalsada. Sige sa pag-arangkada, makauna lang sa pila.

Kung ikaw ay pasahero, tila aatekihin ka na sa puso. Dahil hindi mo masiguro kung sa kanilang pagsulong ay hindi gumana ang preno. Tiyak na tiyak, bangga at disgrasya ang aabutin mo. Pero huwag ka, kahit na ganoon nga, ang mga magagaling na drayber ay lubhang kahanga-hanga. Sa bilis ng andar, kayang-kaya pa ring magkuwenta. Bayad ng pamasahe sabay-sabay na i-aabot. Ang galing sa math ni mamang drayber ay subok na subok.

Minsan may mga drayber pang duling, ang masaklap meron ding mga lasing. Pero sila’y talagang magagaling. Kayang-kaya nilang sumingit kahit pa ang kalsada’y hapit na hapit. May napanood ako sa TouTube; isang London bus driver named Josh West na nagmaneho ng dyipni sa densely populated streets ng Maynila. Pagkatapos ng kanyang karanasan, ang nasabi niya ay dito raw sa Pilipinas ang toughest place to be and toughest street to drive a vehicle.

Sa kanyang karanasan, nakita niya ang kaibahan ng streets ng London sa mga kalye ng Maynila. Pati ang kaibahan ng features ng dyipni sa minamaneho niyang hi-tech na double decker bus. Namulat ang kanyang mga mata sa napakalaking pagkakaiba, pero sa ating mga kababayang drayber na kagaya niya, siya ay namangha at humanga. Sa kanyang pagbalik sa London ay binaon niya ang karanasanag hindi niya malilimutan, at ang mga aral na kanyang natutunan.

Katulad ni Josh West at ng mga kagaya kong hindi ganoon kasanay sa paraan ng pagmamaneho ng mga Pinoy drayber, tila may munting takot na sa pakiramdam mo ay nakapaloob pag ikaw sa kanila’y nakasakay. Minsan it doesn’t feel safe to be on that trip, pero ‘yung excitement and experience kahit papaano is something to keep. Pag ikaw pa ay medyo may pagka-romantic, baka mahanap mong asawa ay drayber na sobrang sweet.

Sabi nga ng madlang pipol, “Basta driver, sweet lover.”

Photo credit: Digital Jero (Google)

Pag-uwi ko ng probinsiya, may kuwento akong dala-dala. Sumakay ako sa dyipni sa Maynila. Tumilapon man ako, sumadsad o lumagpas, isa iyong karanasan na sa isip ko ay hindi kailanman lilipas.

About monettecalugay

A budding writer who simply wants to share my thoughts and send a message across. I also love to write poetry. You can visit my facebook page to view my poems. http://www.facebook.com/mariamoninadioquinocalugay I would be very glad to read your comments for my works because I believe that my improvement as a writer/blogger lies on the reactions of my readers to my articles. Thank you and happy reading!