Mutual Understanding: Unang Hakbang Papuntang Friendzone

MUKung marami ang naniniwala sa true love, ibahin mo naman ang sigaw ng karamihan: mutual understanding. Ang paniniwala ng ilan na kung saan ipinaglalaban ang isang prinsipyong hindi naman laging happy-ending, walang assurance at laging may nakaabang na paasa moments sa dulo. Walang pakelamanan, at hindi kasali sa rules ang selosan. No commitments allowed.

 Himayin muna natin para hindi tayo mag-aaway-away sa bandang huli.

Ang salitang ‘mutual’ ay isang experienced o proseso ng pagkakaron ng ‘common’ ng parehong parties. Meaning, maaaring nagkaron ng kasunduan at similiarities sa maraming aspeto ng buhay, trabaho, atbp.

Ang ‘relationship’ naman ay isang estado kung saan ang dalawang tao, konsepto o bagay ay merong ‘connection’ sa isa’t isa. Merong deal o agreement. Parang internet o linya ng telepono, yun yung instrumento ng pagkakaron ng connection. Sa pag-ibig naman, ang pagkakaron ng kasunduan, commitment o marriage ay isang magandang halimbawa nito.

 Ngayon, ano naman ang mutual understanding o M.U.?

 Kung dictionary ang pagbabasehan, ang pagkakaron ng sympathy o mutual affection sa isa’t isa ang pinakamalapit na meaning nito. Obviously, gusto niyo ang isa’t isa pero nagtatae kayo sa commitment. Kumbaga, eto yung stage ng parehong parties na kung saan, namumutakti sa concerns o paglipana ng mga gawaing ‘thoughtful’ na may halong medyo-protective-ish na maaaring lumagpas sa limitasyon ng pagiging magkaibigan. Ina-apply lang ito sa isang espesyal na tao, mapa-opposite sex man o hindi. Pinakamalapit dito ang pagiging mag-bestfriend.

 Meron akong bestfriend. Babae. Sinabi kong bestfriend dahil nabuo ang ganung relasyon ng ilang sem, ilang experienced, maraming usapan, bonding at kung ano-ano pang bagay na nagpatibay ng connection namin sa isa’t isa. We have a lot of commons (hirap tagalugin, pisti!). At kahit hindi kami M.U., normal sa’min ang pagpapalitan ng concerns, pero mataas pa rin ang pader na nakaharang sa’min para hindi namin maabot ang rurok ng ‘fall inlove’. Walang kissing scene, take advantage at selosang nagaganap. Mas marami pa ngang asaran, sermunan at away-matanda.

 Napigilan namin ang kanto ng M.U., at kung paano namin nagawa, hindi rin namin alam. We’re more than friends, less than lovers.

 

            Balik tayo sa M.U.

 Sa pang-kantong pakahulugan ng m.u. sa ngayon, simple lang: maglandian tayo ng patago pero wala tayong pakelamanan sa lahat ng oras. Less than lovers, less than friends, more on kalandian. Hanggat maaaring itago at pigilan, sige. Madaming limitasyon, madaming rules at…

 

 

(Click HERE to continue reading…)

About Juan Mandaraya

Dating gitarista ng iba-ibang banda. Nagdo-drawing kapag bagot sa trabaho at walang internet. Nagbabasa ng libro para antukin at para masabing nagbabasa din. Sabik sa tulog, adik sa kape at fried chicken. Nagsusulat dahil...hindi niya rin alam. Triip lang.